Narinig kong nagtawanan lang sila Krystal habang papaalis kami. Nagbago na nga talaga siya. Wala na ang dati kong bestfriend..

***

[3RD]

Tumawa ng pagkalakas lakas sila Krystal kasama ng bago niyang mga kaibigan. Tumatawa lang sila ng biglang maramdaman nila ang isang kaibigan pa nila na parating.

“Having fun, eh?” sabi ng babaeng maputi at may mahabang buhok. Ngumiti sya na parang anghel at sa isang iglap, bigla syang ngumisi na parang nakakatakot na nilalang.

“Oo naman! Hahaha!! Ang sarap pala ng ganito!” sagot ni Krystal habang hawak hawak ang tyan kakatawa. Siniko ni Amber si Krystal. Tumingin ng masama si Krystal kay Amber.

Nakita nitong sya lang pala ang natutuwa sa pinaggagawa niya.

“What’s wrong?” pagtatanong ni Krystal. Tumingin sya sa babaeng maputi at mahaba ang buhok na nasa harapan niya ngayon.

Nakakatakot ang mata niya na nakatingin kay Krystal. Agad namang napayuko si Krystal.

“Ganun lang? Iyon lang ang kaya mong gawin? Ang tisurin sya? Ang ganda mo naman pala maghiganti! Tapos tuwang tuwa ka na? Ha?” sabi ng babaeng nasa harapan niya. Galit nag alit ito at halatang inis na inis.

Nanggigil si Krystal ng marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Para lang syang ginagamit ng taong nasa harapan niya ngayon.

Bigla niya itong hinarap at sinagot.

“Hoy! Hindi mo ko utusan! Eh sa ganun ang gusto kong gawin eh! Pake mob a?!” sigaw ni Krystal sa babaeng nasa harapan niya. Pero mukhang gusto niyang bawiin ang mga sinabi niya dahil sa tingin na nakakatakot ng babaeng ito.

Lumapit ang babaeng maputi at mahaba ang buhok kay Krystal. Lapit lang sya ng lapit at dinuro ang noon i Krystal.

“Tandaan mo, hindi kita pinilit dito. Ikaw ang sumama sa akin. Kaya obligado kang sundin ako. Kung ayaw mo.. Alam mo na ang mangyayari.” Banta nito sa kanya na lalo niyang kinatakot.

Yumuko na lang si Krystal habang nakakuyom ang kamay niya. Pati ang mga kasama niya ay hindi rin kayang labanan ang babaeng nasa harapan nia ngayon.

“Akala ko pa naman, ikaw na ang kailangan ko. Pero ganun lang pala ang kaya mo. Tss. Mukhang kailangan ko ng kumilos. Wala rin pala akong mapapala sa inyo.” Sabi ng babae na iyon at umalis na.

***

[KYLIE]

Iniupo ako ni Kris sa may bench. Sarado kasi ang clinic kaya hindi kami makapunta doon. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa ginawa ni Krystal kanina o hindi.

Magpapsalamat dahil nagkaroon ako ng moment with Kris. O hindi dahil nadali yung ankle ko at mahihirapan akong sumayaw. Practical pa naman namin next week. >_<

Shut Up or I'll Kiss You [EXO] - EDITINGWhere stories live. Discover now