CHAPTER 9

0 0 0
                                    

MATTHEW POV

“Mom, kelan po flight nyo?”

“Ngayon na din Anak, magiimpake pa ako ng gamit ikaw na muna bahala sa kapatid mo!”

“Sige Mom, ingat kayo!”

Natapos na kayong kumain at pumunta ka na muna sa kwarto mo para magpalit ng sando at shorts.

Humiga ka muna sa kama mo para magpahinga saglit.

Ilang sandali lang ay nagpaalam narin ang Mom mo sayo at umalis na nga ito.

Ngayon ay kayo na nga lang dalawa ni Asia saka ang mga Yaya at Guard.

Phone ringing~

Nagriring ang phone mo sa bulsa kaya naman dali-dali mo itong kinuha.

“Yo, Keizer Pre!”

“Napatawag ka?”tanong mo sa tropa mong si Keizer

“Pre, pwede kami dyan?”tanong ni Keizer sa kabilang linya

“Bat, ano naman gagawin nyo dito sa bahay?”

“Magpapatulong lang kami sa Assignment pre, ikaw lang matalino sating mag to-tropa!”wika ni Keizer

“Bat si Dom, marunong din yon?”

“Eh, pre dyan na kase kami sa inyo sabay-sabay na tayong gumawa!”pangungulit na wika ni Keizer

“Gege, wag kayong magulo dito ah!”

“Yun oh, sige Pre labyu!”

“Ugok mo!”sigaw mo sa kabilang linya sabay end ng call

Bumaba ka at hinanap ang mga Yaya at Guard nyo sa bahay.

“Yaya, Guard!”tawag mo sa mga katulong nyo sa bahay

“Yes Sir Ian?”sabay-sabay na wika ng mga ito

Kinuha mo ang wallet mo sa bulsa at pinagbibigyan ng tig pa 5k lahat ng kasambahay nyo.

“Tutal wala naman si Mom, maaari na muna kayong umuwi sa mga pamilya nyo, wag kayong mag-alala ako na bahala dito sa bahay pati narin kay Asia!”

“Pero Sir Ian, baka po pagalitan kami ni Ma'am!”

“Hindi yan, akong bahala sa inyo!”

“Salamat po, Sir Ian!”

“Nga pala kahit bago nalang dumating si Mom kayo bumalik dito!”wika mo pa

“Sige na, mag-impake na muna kayo ng mga gamit nyo, sure akong miss na kayo ng pamilya nyo!”

“Salamat po talaga, Sir Ian!”

“Walang anuman!”nakangiti mong wika sa kanila

Nakaisip ka na naman ng katarantaduhan kaya mo ito ginawa.

Ilang sandali lang ay nagsi-alisan na ang mga Yaya at Guard sa bahay nyo kasunod nito ay ang pag dating ng mga tropa mo.

“Yo pre!”saad ni Keizer

“Patambay muna kami dito ah!”wika ni Joaz

“Kala ko ba ang pinunta nyo dito assignment?”takang tanong mo

“Mamaya na Brad pahinga na muna kami!”wika naman ni Dom

Kanya kanyang pwesto ang mga tropa mo sa may sala sa harap ng malaking TV.

“Feel na feel at home ang mga g*go!”bulong mo sa isip

Tumabi ka narin sa mga tropa mo dahil wala kang mapag-libangan.

A LITTLE GIRL THAT ADOPT BY MY MOM (COMPLETED)Where stories live. Discover now