Chapter 34 Threat

Começar do início
                                    

"Nakita ko na.." taas ni Tangent ng folder mula sa filing cabinet, "Recommended din ng VP ang isang 'to."

Tutok naman sa laptop niya si Clev katabi si Empire. Nasa loob sila ng filing room ng Cafe na matatagpuan sa basement.

"Halos 70% ng mga tauhan sa list na 'to ang mga pioneer employee na hinired pa ng pamilya ni Empire." Anito habang nag-i-scroll, "The rest, either galing sa VP or recruited from agency."

"Pamilyar ka ba sakanila?" tanong ni Tangent.

"Yeah I can recognize some of them." sagot niya, "And I can assure you na lahat ng employees from us are unlikely to be spies."

"Then we should focus on the 30%.." Clev.

"Anong oras ba kadalasan bumabalik si Gunther kapag nakikipagmeet-up siya sa dad niya?" Tangent.

"It will take hours, expect him to arrived after lunch." salo ni Ross na nakasandal sa may pinto habang nilalaro ang isang leaf insect, "I think I should get upstairs, ayokong magkawrinkles sa paghahanap kung sino pa ang spy. Kung nakinig lang kayo sa suggestion ko to kill all of them and hired new ones, then problem couldve been solve.." tamad nito sabi, "Stress is a big NO sa isang gwapong vampire na gaya ko."

"Ikaw ang bahala kung ayaw mong tumulong.." si Empire, "Kaya na namin 'to.."

"Well then, have fun.." malanding ngiti nito, "Tan can I keep this one? I just realized that he's as magnificent as me." natutuwa nitong titig sa insekto.

"No." patay na sagot niya, "But I'll let you pet him until we're done here."

"Fine.." taas nito ng kilay, "You're such a j*rk."

"Thank you." nakangiti niyang bow rito.

Yon lang ang kaswal na itong lumabas habang nakatutok sa hawak na insekto.

"Marami kang leaf insect pero ipinagdamot mo pa sakanya ang isang yon?" komento ni Clev.

"He's not that consistent sa mga gusto niya, sigurado naman akong papatayin rin niya yon pagkalipas ng ilang araw kapag nagsawa siya." balik ni Tangent.

"Minsan lang siya magkainteres sa bagay na walang kinalaman sa pagpapacharming. Who knows, it might end well?"

"Malabong isacrifice ko ang buhay ng mga alaga ko para sa entertainment niya."

"Okay, okay, lets get back to business." balik ni Empire sa topic.

"NALILIGAW ka yata?" ngisi ni Ross nang abutan ang isang tauhan sa loob ng kwarto niya.

"M-master Ross?.." agad na yuko nito sa pagkabigla, "I-inutusan po ako ni Master Indigo na ihatid ang snacks ng butlers kaya lang, n-nalito po ako. Ang sabi niya hanapin ko raw ang pintong may rose sa door handle."

Napaisip si Ross dahil maaring ang kwartong tinutukoy nito ay ang opisina ni Gunther. May rose engrave din ang door handle niya kaya malamang ay inakala nito na yon ang kwartong hinahanap nito.

Nilingon niya ang cart sa gilid nito, "Kung maghahatid ka lang naman pala ng snacks bakit masyado ka naman yatang kabado?" nilapitan niya ito at ibinaba ron ang leaf insect, "Madalang magpaakyat ng babaeng staff si Indigo dito sa taas, nkakapanibago.." hawak niya sa baba nito at ipinaling yon sa kaliwa't kanan, "You know what I'm bored.." mas naging makahulugan ang ngisi niya, "Busy silang lahat kaya bakit hindi ka muna magstay?"

"P-pero Master Ro-"

-Shh.." takip niya ng daliri sa labi nito, "Hindi mo naman ako bibiguin hindi ba?" hapit nito sa baywang ng dalaga.

"DON'T worry Dad, gusto ko lang naman i-spoil ang muse bago siya pumili. At nakaset na yon sa event ng Magnifico. Everyone agreed so I'm convinced na walang magiging problema." pasinungaling niya.

Vampire's Menu [ Unedited ]Onde histórias criam vida. Descubra agora