undying sweetness

Začít od začátku
                                    

[Vergara]

"yeah, i know you.. pero, anong meron? paano mo din nalaman ang number ko? at bakit mo hinihingi ang number ni Andy?" 

[can you please give it to me first? kailngan ko lang sya makausap. please?]

o.O 

hala? ano bang meron sa kanilang dalawa? ang dami ko na yatang hindi alam tungkol kay andy... Alam ko lang, she likes Andrew... o tapos? gusto rin ba ni Andrew si Andy?? ah ewan. siguro tatanungin ko na lang si Andy sa susunod na araw. Hindi naman siguro masama ang intensyon ni Vergara sa paghingi ng number ng kaibigan ko. So ayon, binigay ko sa kanya, nag tahnk you sya pero i-end nya din agad.. Nacu-curious na talaga ako sa dalawang yon ah.. in the middle of my curiousity... nagring na naman ang phone ko.... *u*

Jed Calling......

"hello" pasweet kong intro! hahaha, shet. ang landi ko? hahaha. 

[ hi jessy! ] jessy???? sinong jessy??

"excuse me?" 

[haha, jessy..jessica.] i smiled. weird? bakit hindi ko mapigilang ngumiti... 

[may tumawag na ba sayong jessy? or tumatawag sayo na jessy?] 

"wala naman"

[good! from now on... i'll call you jessy... my jessy] 

>////< oh. god! seriously, bakit ako kinikilig??? *u* my jessy daw, and he assured na sya pa lang ang tatawag sakin ng jessy! hahaha. grabe..  I bite my lower lip, smile smiling, at parang naluluha rin ako na ewan... I collect my legs and hug it tight! Wooo Jed! you're really making me crazy here. 

[jessy??] he snapped. hala, nakalimutan kong kausap ko nga pala sya. masyang malikot ang imagination ko para mawala sa sarili ko

"hello Jed, sorry. Bakit ka pala napatawag?"  i tried all my best para hindi mahalata masyado na nawala ako sa sarili ko...

[ do i need to have reason para tawagan ka? uhm.. well, kung oo.. I missed you.. Valid ba?] I feel like i'm a volcano that's about to explode!!! OMG!!!! Napahiga ako sa carpet dahil sa sobrang kilig, i don't know exactly kung anong itsura ko ngayon, I'm pressing my mouth using my free hand para hindi ako mapatili habang kausap ko sya... Para din akong rocking chair na walang tigil sa pag side to side habang nakahiga.. seriously?? akala ko sanay na ko, akala ko nag sink in na sa utak ko na boyfriend ko na ang crush ko.. Ganito ba talaga??? dati mapatingin lang sya sakin sobrang saya ko na, pero ngayon??? 

I hear him chuckled. Parang naiimagine ko sya na nakangiti habang naghihintay sa sagot ko. Hala! oo nga pala. kausap ko sya. ano bang dapat isagot??? wahhh!

"V-valid naman.." i pursed my lips hard. 

[ hindi ba ko namiss ng jessy ko? ] his tone is a little bit sad .  awwww pero , syempre, hindi nakaligtas sa pandinig ko ang "jessy ko" haha, parang jessica na ginawang lalaki .. jessico. haha. corny =__=

" ginawa mo naman akong lalaki... Jessica, naging jessico " i'm just changing the mood. corny na kung corny.. pero i made him laugh.

[ hahahahaha... Oo nga no? jessico... not bad. hahaha. so I must use, my jessy... rathan than jessy ko ] I smiled at that thought, ayaw nya talagang i let go ang 'my jessy' thingy nya.. which is sweet. :)))) <3

" i think so "

[ hahaha, jessico. hindi ako maka move on dun ah.. pero before i forget, mamaya ah. sunduin kita. Wear something comfortable ]

I Got Caught [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat