K A B A N A T A--->08

194 6 0
                                    

 "Nasaan? Halughugin ang buong bahay! Madali kayo!", pasigaw na utos ni Ramon.

"Masusunod po!", chorus na sagot ng mga kasambahay. 

Nagsagawa sila ng paghahanap sa nawawalang katulong na si Elma. 

Tumawag naman ng mga pulis si Ramon. Labis na siyang nag-aalala sa nangyayari. Nang isa pang sigaw muli ang narinig niya, at iba pa.

"Waaaaahhh!!"

Napatakbo si Ramon sa pinagmumulan. Galing iyon sa silid kung saan nagpipinta ang kanyang pamangkin na si Vane.

Inilang hakbang na niya ang layo dito. At nang bumungad siya sa kwarto'y napaatras din siya sa takot. Isang lalaking wala nang buhay ang naroon. Putol ang dila nito, at nawawala. 

"Hindi!", mahinang nausal ni Ramon. Kasabay ng pagdating ng mga pulis. Natukoy, at nakilala kung sinu ang bangkay na 'yun. Walang iba kundi si Mr. Rocco. Nagsagawa na naman ng pag-iimbestiga. Naiugnay ang kaso ng pagpatay sa mga magulang nuon ni Vane. Pati na kay mang Noli. Hindi na biro ang pagkamatay ng mga ito. Dapat nang mahanap ang tunay na salarin. Ngunit pa'nu? Gayong wala namang maituro ang mga ebidensyang nakakalap ng mga pulis. Pati na ang detective ay nadamay. Pero sino, at ano ang motibo ng pumapatay.

Mga tanong sa isip ni Ramon. Habang nakatunghay siya sa mga pulis na nag-aasikaso sa mga bangkay. Tumawag na rin siya ng funeral para makuha ang mga ito. 

"Ehem, Sir Ramon!", pukaw ng isang pulis sa kanya. Ito ang high officer.

Napakurap naman si Ramon sa kanyang pagkakatulala, at bumaling dito.

"Yes?!",anang niya.

"Hindi na po ako magpapa-ligoy-ligoy pa. Kailangan po kaseng kunan ng statement ang bawat kasambahay ninyo. Pati na po kayo, at nasaan nga po pala ang pamangkin ninyo?!", sabay inilibot ng pulis ang kanyang paningin. Ang lahat ay naroroon. Maliban dito.

"Ah, eh! Baka tulog pa po ang aking pamangkin?!"

"huh, tulog? Habang nagkakagulo dito?! At may dalawang pinatay sa 'di malamang dahilan?"

"Yes ho! Sarhento. Ganu'n po talaga siya...", pandidipensa ni Ramon sa pamangkin. Subalit hindi kumbinsido ang pulis sa kanyang dahilan.

Tinapos na nito ang pakikipag-usap sa kanya, at bumalik sa trabaho. Nang may tumawag dito.

"Sir!"

"O, ano 'yun, Raffy?", baling nito.

"Eeh, 'yung pinto po sa banyo ayaw mabuksan?!", atubili nitong wika.

"Ha?! Bakit? Teka at sasabihin ko kay Sir Ramon!"

Iniwan na niya ito, at bumalik muli kay Ramon na kasalukuyang may ibinibilin sa katulong nito. Hinintay muna niya na matapos ito, at saka kinuha ang atensyon. Napansin naman na siya nito kaya bumaling din ito ng harap sa kanya.

"Yes?!", wika ni Ramon dito.

"Pwede po ba na buksan ang banyo sa kwarto na ito. Para sa imbestigasyon. Kailangan ho kase na masiyasat mabuti.", wika ng Sarhento kay Ramon. Napatingin si Ramon sa pinto. Saglit nag-isip kung bakit nga ba nakalock iyon. Nang may mapansin siyang tila maliit na pinto sa baba. Parang sinadya talaga iyon ng ihugis du'n.

"Saglit lang, Sarhento...", aniya sa pulis na naghihintay ng kasagutan.

 Lumapit si Ramon sa pintuan ng banyo at yumukod. Kinapa niya ang hugis pinto na maliit na naroon nang may lumapit na kasambahay.

"Sir, ginawa na ho 'yan tambakan ni Senyorito Vane. Ayaw niya po na papakialaman 'yan. Pagkat may mga importanteng gamit po siya sa loob niyan!", agad na wika nito. Pero malikot ang mata. 

"Baki 'di pwede?", baling na tanung ni Ramon sa katulong, pero ipinagkibit lang 'yun ng balikat nito.

"Tawagin mo nga si Senyorito mo! Kailangang matingnan at maimbistigahan pati ang loob nito."

"W-Wala ho siya, eh! Nakita ko kaninang madaling araw na may umalis po, at nagmamadali...!"

"Pa'nung aalis 'yun ng 'di man lang nagpapaalam?"

"Hayaan nyo na ho, sir Ramon, kung hindi pwede ngayon, bibisita na lang kami sa ibang araw. May mga aayusin pa ho kase kami. Kaya aalis na din, ho!", sabat naman ng sarhento dito.

Nabaling ang atensyon ni Ramon dito.

"Sure ka, Sarhento?! O, 'di sige. 'di ko na kayo pipigilan. Wala raw ang aking pamangkin , eh, kaya 'di ran natin ito mabuksan!"

"Yes, sir Ramon. Babalik na lang kami sa ibang araw!", nagpaalam na nga ang Sarhento kay Ramon. Malinis na ang nagkalat na dugo kanina sa sahig kung saan nakita ang bangkay ni Mr. Rocco.

Maging ang kwarto ni Elma na maid doon ay malinis na rin. Pero nagpa iwan si Ramon sa kwarto na ginagamit ng pamangkit sa pagguhit. Parang may dapat siyang malaman, at tuklasin.

Itutuloy...

"HIDEOUS IDENTITY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon