K A B A N A T A--->07

188 5 2
                                    

Natigilan ang babae. Umiwas ng tingin si Franz. Pero hindi niya napaghandaan ang sumunod na ginawa nito. Dahil may hinugot itong mahabang kutsilyo sa ilalim ng unan, at bago pa makaiwas si Franz dito'y naisaksak na sa kanyang mata ito. Sabay hinugot muli, at inundayan ng saksak sa kabilang mata. Nagpipilig naman si Franz. Grabeng sakit ang kanyang naramdaman. Unti-unti na rin siyang pinangangapusan ng hininga. Hindi niya alam kung bakit nagawa 'yun ng babae sa kanya. At isa pang saksak sa dibdib ang nagpatapos sa kanyang buhay. Bumagsak siya sa sahig. Naligo sa sariling dugo. Dalawang saksak sa mata, at isa sa dibdib ang kanyang ikina-matay.

Ngumisi ang salarin, sabay hinila ang balatkayo na maskara nito. Hindi na iyon nalaman pa ni Franz.

"Ha ha ha! Walang sinuman ang makaka-pigil s'kin! Dapat kayong mamatay! Mga hangal! Hahaha! Ako lang! Ako lang ang dapat ninyong sundin, hahaha!", wika nito na tuwang-tuwa na naman dahil sa nagawang krimen. Muling bumalik ito sa sekretong daan, derecho sa kwarto kung saan ito nagpipinta. Inayos na nya ang dummy na nakita ni Franz kanina. Pinagputol-putol nya iyon, at isinilid na ulit sa bag na may kalakihan. Sabay itinambak muli sa loob ng banyo, kung saan walang sinuman ang makakakita.

Kumumpas na naman ito na parang baliw, naglagay ng panibagong blank canvass, at iginuhit ang ginawa nya kaninang krimen. Naroon pa rin ang bangkay ni Mr. Rocco na hindi pa nakikita.

**

Sa bahay naman ni Mr. Rocco, nagkakagulo na ang pamilya nito sa paghahanap dito. Wala silang ideya kung nasaan ito. Halos magdadalawang araw na, simula ng aunction nito'y ni hindi na umuwi, at wala man lang message sa kanila, kung nasaan ito, at anu na ang nangyayari.

"gawin nyo po ang lahat, para makita sya? Huhuhu!

Hindi nya po ugali ang ganito?!", ani Mrs. Rocco sa mga pulis na kausap.

"Gagawin po namin ang lahat, para mahanap siya! Sa ngayon po'y wala pa kaming lead kung nasaan nga ba ang inyong asawa! Pero makakaasa po kayo na gagawin namin ang dapat!", wika naman nito sa ginang. At saka nag paalam na rin.

Umiiyak pa ito ng iwan ng mga pulis. Tanging ang katulong nalang ang naghatid sa mga ito, hanggang sa makalabas.

**

Kinabukasan sa malaking bahay ng mga Ballimore, malakas na sigaw ng isa sa mga kasambahay ang nagpagising sa lahat.

Nasa kwarto ito ng isa din sa mga kasamahan nyang katulong para sana gisingin, pero bumungad dito ang nagkalat na dugo kung saan-saang parte ng kwarto. Nawawala ang kasama nyang katulong, at sa sahig ay naroon ang isang lalaki. Patay na ito't medyo natutuyo na ang dugo.

Nagsipag-puntahan ang iba pang kasambahay, at nasuka sila sa nakitang tagpo. Ang iba'y halos panghinaan ng tuhod. Hindi na nila alam kung pa'nu at bakit nagkakasunod-sunod ang nangyayaring patayan.

Maya-maya pa'y naroon na din ang tiyuhin ni Vane. Natulala din ito sa nakita. Hindi niya inasahan iyon. Ang detective na kausap nya lang kagabi'y pinatay. At sa bahay pa mismo kung nasaan siya.

"Nasaan si Elma?", ang naitanung nya sa iba pang maid.

"wala na ho siya dito, pagkapasok ko! Yan na ho ang nakita ko!", sagot naman nang unang nakakitang katulong.

"tingnan nyo ang mga gamit nya, bilis?", utos ng tito ni Vane sa iba pa.

Tumalima naman ang mga ito, at nalaman nilang wala na ang mga gamit ng katulong doon...

Itutuloy...

Sino nga ba ang tunay na salarin?

May makatuklas pa kaya dito?

O siya mismo ang makaalam na isa siyang Psycho killer?

Abangan...




"HIDEOUS IDENTITY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon