I cannot seem to listen. Kahit ilang beses niyang sabihin iyon, para akong bingi. Ayaw kong tigilan. Aminado rin akong dumudugo na ang pulso ko perp ayaw ko pa ring tumigil. I cannot even feel the pain. Basta ang alam ko lang, gusto kong saktan ang sarili ko.

"Mahal, shush. Shush. You're safe. Nandito na ako, mahal. Tahan na..."

Paulit-ulit si Esmeralda sa pagpapatahan sa akin. It took us more than five minutes, in my calculation, before I finally listened to her, and she made me stop hurting myself. Umiiyak na rin siya habang tinitingnan niya iyong ginawa ko sa sarili ko.

"Mahal, I'm here." she said and gently kissed me on my lips. "I'm here, I'm here."

She's almost whispering. Hindi na maitagong muli ang pagkagaralgal ng boses niya sa ngayon. Ako naman ay naghihingal at nanghihinang napatigil na rin. Nang tingnan ko ang ginawa ko sa sarili ko ay natahimik na lang ulit ako. I cannot believe I let all my thoughts win over me this time. After so many years of keeping them shut, they've finally freed again, and I lost.

"Mahal, breathe." si Esmeralda ulit. Sa mata niya lang ako nakatingin at sinusubukang sabayan akong muli sa paghinga. "Mahal, you're safe. Wala na sila. Ako na lang 'to. Ako 'to. Safe ka sa akin, mahal. Huwag ka nang matakot."

Tumingin ako sa paligid ko nang sabihin niya iyon. Noong una ay natakot pa ako pero sa huli ay naging normal na ang paghinga ko. Napayakap ako nang nanghihina kay Esmeralda.

"Mahal," sa wakas ay sambit ko. "I... I’m here now."

Nakita ko kung paanong tumulo ang mga luha niya nang sabihin ko iyon. The sadness and the happines on her eyes are both present. Humihikbi na rin niya akong niyakap para patahanin.

"Thank God. Thank God, mahal." she said. "You're safe now. Yakap kita kaya safe na safe ka sa akin. Hindi kita papabayaan."

I smiled tiredly and then hugged her tighter. I stayed like that for minutes. I felt comfortable enough and safe enough to close my eyes and rest.

"I need rest, mahal. I need you. Please don't leave me."

"I won't mahal. Sige, tulog ka lang. Hindi kita iiwan."

~~~

I don't know how many minutes or hours has passed until we came home. Sobrang dilim na at marami nang bituin sa kalangitan. Nang makarating kami sa bahay mula sa ospital ay nakita kong nagtatanong ang mga mata ni Haze ngunit hindi na nagsalita pa. Inalalayan ako ni Esmeralda papunta sa kwarto at agad din na pinaupo sa kama.

All I do is slowly move. I am even looking at the bandages I have on my wrist. Sa sobrang daming kalmot na mula sa anxiety attack ko ay hindi ko namalayang sobra na pala ang pagdurugo ng pulso ko kaya naman dinala ako kanina ni Esmeralda sa ospital para gamutin ito at bigyan na rin ako ng pangpakalma. I'm thankful that I feel safe now. That my mind can slowly function after that too much emotional and mental breakdown.

Wreck Me, Cia ClementeWhere stories live. Discover now