Before Twilight

120 10 7
                                    

"TAGUTIPON, mula sa mga salitang taguan at tipon. Sinasabing ang lugar ay taguan ng mga patay at ng mga buhay na pumapatay—at tipon, sapagkat ayon sa mga kuwento ay nagtitipon sa lugar ang mga nilalang na mapanganib. Walang residente ng Bagong Awa ang nagbabanggit ng Tagutipon sa bisita."

"Totoo kayang 'di safe?" pagkausap ko sa sarili, nakababa na ako sa jeep. Nasa waiting shed na ako sa kantong papasok sa Tagutipon. Twilight na iyon. Tumigil na rin ang pag-ambon. Okay nang gumala.

Sa sunset time kanina habang nasa jeep, naaliw ako sa mga bulaklak na tinatamaan ng sikat ng araw. Tatlo na lang kaming babaeng pasahero. Ang kasama ko sa kaliwang upuan, nasa kabilang dulo, sa likod ng driver. Naka-all black—jeans, jacket, sneakers at cap. Nakatungo na parang nagtatago ng mukha. Ang nasa kanan naman, matandang babae na hanggang sakong ang suot na lumang itim na bestida na may mga maliliit na bulaklak na kulay puti. May suot pang bandana na kulay itim din. Kung tama ang hula ko, senior citizen na si lola na nakausap ko tungkol sa Tagutipon.

Naunang bumaba ang matanda bago ang isa pang babae. Ako ang huling pasahero na ibinaba ng driver sa Tagutipon. Pagkababa ako, pinaikot lang niya ang jeep sa tapat ng waiting shed para makabalik agad. Inihatid lang talaga ako.

"Sigurado ka bang hindi ka sasabay palabas, 'ne?" tanong ng driver, huminto pa sa tapat ng waiting shed ang jeep. Hula ko, mga ilang taon na lang ay senior citizen na si Tatang. "Delikado ang lugar na 'yan sa bisita."

Dapat na ba akong matakot?

"May kilala po kayong tagarito na puwede kong kausapin? Nagre-research ako tungkol sa lugar, 'Tang."

"Hindi na ba makakapaghintay 'yan? Sa umaga ka na lang sana naglibot."

"Pauwi na rin po kasi ako ng Manila bukas, eh." Ang alam ni Ram, mas maaga akong nagpunta sa City. Walang ideya ang paborito kong new friend na nasa Bagong Awa pa rin ako.

"Ah, gano'n ba?" ang driver. "Ikaw 'yong bisita sa bahay ni Lolo Ami?"

Tumango ako.

"Hindi alam ng apo niya na nandito ka ngayon, tama?"

Napangiti na lang ako.

"Mga kabataan talaga," ang narinig kong sinabi ng driver, umiling pa. "Mag-iingat ka." Bumusina si Tatang saka pinausad na palayo ang jeep.

Hindi pa naman gaanong madilim kaya puwede pa akong maghintay ng taong makakasabay papasok. Imposible namang walang taong nakatira sa Tagutipon. O baka abandoned sitio talaga ang lugar?

Nag-vibrate ang phone sa bulsa ko. Naputol ang pag-iisip ko. Okay naman pala, may signal pa sa part na iyon ng Bagong Awa. Si Adi ang caller ko.

"Hello, Adi?"

"Ate Viah!" bungad niya agad. "True ba? Umalis ka na? Na-collect mo na kasi ang mga story namin. Ang daya!"

"Grabe siya. Sumbat agad?"

"Chika 'yon ni Kuya Goyong."

"Sinabi ko lang 'yon, girl."

"Ha? Ibig sabihin, 'di ka talaga umalis?"

"Umalis," at magaang tumawa. "Sa house lang ni Ram."

"Seryoso?"

Tawa uli.

"Nasaan ka, Ate Viah?"

"'Andito pa rin. Shhh ka lang. Hindi alam ni Ram. 'Wag mong sasabihin. Susunduin agad ako no'n."

"Nasa Bagong Awa ka pa rin? Saan?"

"Basta."

"Naghahanap ka na naman ng story 'no?"

Secret Files 1: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon