Sa isang science museum niya ako isinama. Nakakamanghang malaman na mahilig siya sa mga celestial objects dahil sa astronomy section kami dinala ng elevator na sinakyan namin. Naglibot kami ron at iniisa-isa ang mga booth.

Habang naglalakad pinagmamasdan ko siya. Ang sabi niya kasi gusto niya akong makilala pero halos hindi naman siya umiimik. Abala ang mga mata niya sa mga nakadisplay ron. Pakiramdam ko nga mas nakatuon pa sakin ang attention ng kasama naming alalay kaysa sakanya. 

Sa totoo lang umaasa akong magiging katulad ng date namin ni Tangent o ni Empire ang magiging ambiance ng lakad namin na yon pero malayo siya sa naimagine ko.

Nabasag ang pag-iisip ko nang hagipin niya ang kamay ko at hilahin ako paakyat sa isang paikot na hagdan. Nahilo ako dahil nasa dalawang palapag yata  ang taas non pero sulit naman ang mala space na pailaw sa paligid, panabit sa mataas na ceiling at mga pinta sa pader. Kulang nalang magspace suit kami para mas kompleto ang experience.

Hinihingal ako nang marating namin ang tuktok ng museum. Isang malaking pabilog na bubong bumulaga samin at mula sa hati nito sa gitna ay kitang-kita ang kalangitan. Napaikot ako habang nakatingala dahil sa lawak ng dome. Nakausli ron ang isang napakalaking telescope. Kaya para akong batang nag-usisa sa bawat detalye ng mekanismo non.

"Prim," senyas niya sakin, "Gusto mo bang makita ang pinakamagandang view sa lahat?"

Natulala ako nang ngumiti siya na para imahinasyon ko lamang yon. Ang ngiting una kong nakita sakanya nang magkakilala kami sa park. Mapalinlang subalit nakakaakit. Nang hindi agad ako nakagalaw ay siya ang kusang humila sakin.

Napalunok nalang ako nang pumwesto siya sa likod ko at ayusin ang telescope. Ipinwesto niya ako kung saan ako pwedeng sumilip. Ramdam ko ang paghinga niya sa may balikat ko kaya nanayo ang mga balahibo ko.

Apektado ako dahil yon ang unang beses na nagkalapit kami ng ganon at hindi pa rin naaalis ang ilang ko sakanya kahit nagkaayos na kami. Nalipat ang atensyon ko nang magfocus na ang lense at makita ko na nang malinaw ang kalawakan.

"Ang ganda.." mangha ko, "Ang akala ko maganda na sila sa mga libro pero mas buhay sila rito.." ang lawak ng ngiti ko habang nililibot ng mata ang imaheng hagip ng telescope.

"Kung pagbabasehan ang paniniwala ninyong mga tao, maaring isa si Elaine sa mga stars na nakikita mo.." bulong niya, "Sa tuwing namimiss ko siya, dito ako pumupunta dahil para ko na ring nakikita ang kislap ng mga mata niya sa kalawakan.."

May isang oras kaming nanatili sa pagstargazing. Marami din siyang itinuro sakin na may kinalaman sa space na hindi ko pa natutunan sa school. Humanga lalu ako sakanya kahit na alam kong matagal na siyang nabubuhay sa mundo kaya hindi na dapat yon ikabigla.



SA isang mamahaling restaurant kami dumiretso para magdinner. Habang kumakain ng pasta napansin ko ang kakaibang way niya.

"Bakit hindi mo hinahalo ang spaghetti mo?"

"Well.." gamit ang tinidor ay hiniwa niya yon na para bang cake ang kinakain niya, "Ayoko lang na masira ang garnishing. Nasanay na akong kumain ng ganito.."

Tiningnan ko ang sarili kong plato. Naging messy tuloy paningin ko ron.

"It's just a habit of mine.." dagdag niya, "Wag mo nalang pansinin."

"May pagkaOC ka rin pala," komento ko, "Kanina ko pa kasi napapansin na lahat ng ginagawa mo may pattern."

Natawa siya, "Kanina mo pa pala ako inoobserbahan?"

"P-parang ganon na nga, hindi ka kasi umiimik."

"Gusto ka ng kapatid ko, kaya nag-iingat lang ako." sumeryoso siya, "Kapag nainlove ka sakin, kawawa siya.."

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now