Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute in her mission to locate Ludovic Luciano, one of the Capodecina of the influential Mafia Organization, Luciano Famiglia, in order to learn ho...
"Sige na, tara na," pag-iiba ko ng usapan at saka naglakad palabas ng selda. But as soon as I was free, I told him to walk in front of me.
"Mauna ka, hindi ko alam ang daan pabalik sa kuwarto ng future jowa ko."
"Adik ka ba?" tanong naman niya sa akin kaya tumigil ako at tiningnan siya ng masama dahil nasa likod ko pa rin siya hanggang ngayon. Narinig ko siyang natatawa-tawa habang naglalakad hanggang sa makapuwesto na siya sa harap.
May paminsan-minsan akong napapahawak sa likod niya dahil wala pa rin akong makita. Mabuti na lang at may dalang cellphone 'tong manyak kaya nagagamit niya iyon bilang pang-ilaw.
Sige lang tumawa ka lang. Kapag ako talaga jinowa niyan ni Ludovic, tingnan natin.
"Kung inaakala mong si bossing ang nag-utos sa akin na pakawalan ka, nagkakamali ka," sabi niya habang naglalakad. Nakasunod naman ako sa likod niya.
Wait, what?
"Kung hindi si Ludovic Luciano ang nag-utos sa 'yo, e, sino?" tanong ko.
Saglit siyang huminto para lingunin ako. Muntik pa akong mapasubsob sa kanya dahil sa sahig ako nakatingin. Gago naman nito, manay maglakad na lang.
"Si Ottavia."
What? Iyong babaeng intrimitidang pabida?
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nakatago kaming dalawa nitong manyak sa pagitan ng dalawang malaking poste habang nag-aabang ng tamang tyempo para lumabas.
We're looking at a group of influential Luciana Famiglia members walking down the lengthy corridor at pinangungunahan ito ng isang babae.
"Sino naman ang mga 'to?" bulong ko sa manyak. Nang lingunin ko siya ay napataas ang isang kilay ko dahil halos magkadikit na ang mga mukha namin kaya tinampal ko siya sa mukha.
"Aray k—"
He couldn't finish what he was about to say because I abruptly silenced him. "Sshh, tingnan mo 'to, mag-iingay pa."
"Ba't ka kasi nananampal?" angal niya habang kinukuskos ang mukha.
"Nabigla lang ako, okay?" pagdadahilan ko. "Oh, sino na 'yang mga 'yan?" tanong ko habang nakasunod na ulit ang tingin doon sa grupo na naglalakad.
"Mga taga Prima ang mga 'yan," bulong niya.
"Anong Prima?"
"May labing tatlong decina ang Luciano Famiglia at ang bawat decina ay pinamumunuan ng isang Capodecina. 'Yang babaeng nasa unahan ay isang funzionaria."
"Ahh... okay? So ano ang ibig sabihin ng funzionaria?"
Tumingin iyong manyak sa akin na para bang takang-taka sa mga tanong ko. "Wala ka ba talagang alam?
"Magtatanong ba ako kung alam ko?"
"Tara," pag-aaya n'ong manyak nang makalampas na iyong grupo na nanggaling daw sa Prima.