Nagpapasalamat ako na biniyayaan ako ng mga bagong kaibigan bukod kay Apollo. They were a blessing in disguise.

Pero minsan talaga, hindi na nakakatuwa kung gaano na kabilis kumalat ang balita ngayong lagi na kaming magkakasama.

Well, it wasn't much of a hassle. Sa huli, hindi mapagkakaila na malaking tulong tuwing nagdadamayan ang isa't isa kapag may dumarating na problema.

Hindi ko nga lang alam kung kaya ko nang ibahagi sa kanila ang eskandalong kinakaharap ko ngayon. May parte sa akin na binabalot ng kahihiyan dahil nasangkot ako sa ganitong isyu.

Hindi ko inaasahang masasangkot muli ako sa ganito...

Unti-unti akong binalot ng takot. Bumagsak ang tingin ko sa kamay na pinaglalaruan ang suot kong singsing.

Mas gusto ko munang kimkimin ang problema hanggang sa makumpirma ko ang direksiyong tatahakin ko para masolusyonan ang gulong ito. There were so many factors to consider that I couldn't think where to start.

Hanggang sa hindi ko namalayang isang linggo na naman ang nakalipas.

   
Apollo:

I'm almost there.

  
Me:

Pababa pa lang ako.

  
Apollo and I agreed to meet up on Saturday. Napili naming magkita sa mall malapit sa Mackenzie kung saan kami madalas gumagala tuwing long break.

Pagkababa ng tren, binalagtas ko ang daan patungo sa Mackenzie dahil madadaanan iyon papunta sa terminal ng jeep kung saan ako sasakay patungo sa mall.

Malapit na lang iyon kaya walang problema sa akin. Iyon nga lang, maraming likuan kaya madalas akong nalilito lalo kapag walang kasama.

Habang busy sa phone upang tignan kung nag-reply na ulit si Apollo, hindi ko naiwasang marinig ang usapan sa bakery hindi kalayuan sa akin.

Huh?

"Marie! Ano raw sabi nitong bata? Kausapin mo nga! Englishero kaya hindi ko masyado maunawaan."

"Nasaan? Try ko po kung kaya!"

Binalot ako ng kuryosidad kaya napahinto para alamin kung anong nangyayari. Dahil sa kung anong dahilan, pinagtitinginan na rin sila ng mga tao.

Sa harap ng bakery, isang batang babaeng nasa edad 13 pataas ang yumuko sa harapan ng isang mas batang lalaki.

Nakatalikod ang huli sa akin kaya hindi ko mamukhaan, pero masasabi kong maputi at alagang-alaga dahil sa kasuotan. He almost looked out of place.

Yumuko ang batang babae para kausapin ang kaharap.

"What is the matter with you?" tanong ng batang babae gamit ang namimilipit na Ingles.

"I'm lost po."

Lumipat ang tingin ko sa batang lalaki.

Kung titignan, nasa anim hanggang walong taong gulang ang bata. May dalang isang supot ng assorted breads, hula ko'y binili sa kaharap na bakery.

"Nawawala raw siya!" balita ng batang babae sa matandang panadero.

Bawat taong napapadaan ay napapatingin na rin dahil sa kaguluhan at hindi pangkaraniwang hitsura ng bata.

"Itanong mo kung bakit at saan ba siya dapat paroon!" ang tindero sa katabing sari-sari store na ang nag-utos, kuryoso na rin.

"Where are you? Why are you lost, baby boy?" hagikgik ng batang babae.

The little boy was too stunned to speak but managed to explain eventually.

"I-I discovered this bread shop on our way to the big school. I want to have a taste, so I checked when the driver stopped our car. Now I don't know how to get back po."

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now