Chapter 23

1.3K 71 95
                                    

Chapter 23

Puzzle

   
Pagkababa ko ay dinaluhan agad ako nina Edison at Ate Michelle. Saktong kakatapos lamang ng kanya-kanya nilang category at nang tanungin ko kung anong resulta, puno ng liwanag iyong sinagot ng huli samantalang bagsak naman ang balikat ni Edison.

"Second place. I could have won you know..."

"Oh." I gaped. "But it's not bad. Unang year pa lang natin kaya marami pa tayong chance para bumawi."

"Coming from someone who won the first try." He frowned bitterly at me.

Ngumuso ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa aming station.

"Where's Gio?" si Ate Michelle, hinahaba ang leeg upang igala ang tingin sa paligid.

Sasagutin ko na sana iyon nang naunahan niya ako.

"Oh! Handshaking everyone after the competition. Well, what do you expect from a people person." She shrugged mockingly before turning to me. "Anyway, wanna know why Edison lose?"

"Hey, I can hear you!" himutok ni Edison sa kabila.

It was too random and sudden that I didn't follow that. Tinawanan ni Ate Michelle si Edison at niyakap ang braso ko kalaunan.

"On the final round, it was a debate kind of setup, so he came face to face with his opponents, Rouxton Field and Southern Valley. They're the top 3. But the Rouxton rep was so skilled and competent. Bihasa na! Hindi na nakalaban si Edison at iyong rep ng Southern Valley matapos gamitan ng business theories, e!" tatawa-tawang kwento ni Ate Michelle.

I admire Edison when it comes to public speaking. Ang malamang napatumba siya nang ganoon katindi ay lubos na nakakabigla sa akin. To whoever it was, it must be someone much advanced than us.

Kung naguguluhan na ako kung bakit ito sinasabi sa akin ni Ate Michelle ngayon, napalitan agad ng gulat ang sistema ko sa sunod niyang sinabi.

"And by the way, that Rouxton rep is your brother."

"My brother?" / "Her brother?!" sabay naming bulalas ni Edison.

Tumango nang malaki si Ate Michelle, proud na proud sa sarili. "Good thing he's in the Sales Pitch category. Wala sa Case Study! Si Edison lang ang kulelat."

By the time, I was more and more surprised by Ate Michelle's personality. Parang hindi pa rin nito nalalabas ang tunay niyang potential kaya tuwing may nasasaksihan akong bagong energy niya tulad ngayon, nagugulat pa rin ako.

Mas gulat pa ata ako sa pagiging hyper ni Ate Michelle ngayon kesa sa nalaman kong natalo ni Kuya Orpheus si Edison. I mean, why am I not surprised anymore? That's... Kuya. I know him well.

Napaisip ako bigla.

But not that well I guess. Sa sobrang lawak ng expertise at knowledge non, hindi ko nahulaan kung saang category siya lalaban. Turned out he was in the same category as Edison. Now I could somehow relate to Ate Michelle. Buti na lang hindi sa Quiz Bee napunta ang halimaw na iyon, hindi ba?

"As opposed to his words earlier, Edison is not lucky at all today," nakisabay na rin si Ian Bernardino sa asaran nang narinig ang balita.

Nang nakumpleto na kami sa station, our mentors and some faculty members celebrated our wins with us. Tulad namin, naka-first place din sina Ate Michelle at Ian Bernardino sa Case Study Competition.

At this rate, malaki ang tyansa na matanghal kaming overall winner sa taong ito. Halos lahat ata ay inaasahan na iyon sa paraan ng pagbati ng mga taong nasasalubong at dumadaan sa station namin.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Where stories live. Discover now