07

110 0 0
                                    


A party can change everything

To: Dovan

I think I just became someone's girlfriend...?|


Matagal kong tinignan ang mensaheng nais ko sanang ipadala kay Dovan. Ngunit sa tuwing malapit ko nang pindutin ang send button ay biglang umaatras ang tapang ko. Paano kung hindi naman pala totoo? Edi naging katawa-tawa ang sarili ko? I'm not a fan of spreading fake news!


Kasalukayan pa rin akong nasa loob ng bahay nila Zender. Sinabi ko kila Aiden na sasaglit lang ako sa loob para tumulong pa. Ngunit hindi ko inaasahan na masyado akong magtatagal. Everyone was having fun outside, while I kept thinking what happened earlier. Malinaw pa rin sa akin ang bawa't segundo kung paano niya ang daling sabihin na girlfriend niya ako sa harap ng ibang tao. God, we're just getting to know each other. We're not that close! We're not even friends!


Kasabay ng bawat pagkabog ng tugtog sa ispiker ay ang pagtibok ng puso ko. Bakit ako yung kinakabahan? Ang kapal naman ng mukha niya! 


"Udele, ang pangalan mo hindi ba? Pumunta ka na sa labas. Ako na ang bahala rito." Utos ni Tita Arlene.


That's it. Agad kong tinago ang aking cellphone sa bulsa. "Sige po, Tita. Thank you po!"



Halos makulimlim na ang langit nang lumabas ako. The cold breeze touched my skin as I expected. Bumalandra sa akin ang madilim na bakuran, at tanging ang ilaw mula sa screen ng karaoke ang nagbibigay liwanag sa paligid. Ngayon lang din nila itong naisipang gamitin. I walked through behind it to not disturb who's singing. Nakakasiguro ako na isa rin 'yon sa mga kaibigan ni Zender.


Mabilis akong lumakad patungo sa aking mga pinsan upang maiwasan ang maging sentro ng atraksyon. Pansin ko ang pag gilid ng mga mata sa akin habang lumalakad, laking ginhawa na lang na nakapwesto sila sa bandang dulo kung saan medyo malayo sa atensyon. Mula rito ay kita ang kabuuan ng mga bisita kaya pansin kung sino ang magbabalak na ibalang ang kanilang ulo sa aming gawi.


I sincerely thanked Aoife when she purposely saved a seat for me. Nagpapasalamat na rin ako dahil kahit paano ay hindi ako naiilang sa paligid dahil sa kanilang dalawa. Or so I thought?


"Gago! Lagot kayo kay Zender! Pasauli namin tinake out niyo, eh!" Sigaw ni Aiden, sakto sa aking pagka upo.


Agad akong sinaluhan ni Aoife ng isang mahabang puting tiwalya para matakpan ang aming binti. It's getting cold as well. Pumunta ang tingin ko doon sa maingay na nilalang. What does he even know? The tip of my fingers suddenly went frozen. Isang hiyawan ang pumukaw sa aking atensyon. Then there he is, the reason of it all, sitting at the freaking chair beside me. Kailan pa siya napunta sa tabi ko? What the fuck happened to being comfortable to each other? He's making it all awkward now.


Zender immediately snaps the microphone from whoever that is. The song that was currently playing ends to begin another one. Isang pamilyar na intro ng kanta ang sumabog sa ispiker.


I scoffed. "Kumakanta ka pala?" Parinig ko.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Later Than NeverWhere stories live. Discover now