"Talaga?"

"Oo naman. Alam mo ba na ang necklace na iyan ay nagmula pa sa 18th century? It was believed to be an inheritance given to one of the famous princess in Europe."

Tinignan kong muli ang kwintas at patuloy lang na nakinig sa sinasabi ni Kiko habang tinitignan namin ang iba pang mga art pieces and jewelries.

"This painting was painted using real blood."

"B-Blood? Are you kidding?"

"Totoo. Well, partly true. Ang ginamit kasi na material sa paggawa ng ibang bahagi ng larawang ito ay totoong blood mula sa isang tao. Ang sabi ay nasugatan sa isang archery match ang anak ng pintor. Naki-usap ang anak nito na kumuha ng ilang samples ng dugo nito na lumabas sa mga sugat niya nang madaplisan siya ng palaso. Ginawa naman ng pintor ang pakiusap ng anak dahil nais raw ng anak nito na maging simbolo ng painting na iyon ang kanyang sakripisyo at nagtagumpay.

"Is that true?" seryosong tanong ko.

"That man who owns that blood is known to be one of the greatest archers in the 19th century."

"Wow."

"Tignan mo 'to. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hilahin. "This one is called "Il figlia della Luna".

"I-Il what?"

"It is translated to "The Moonchild"". Tukoy niya roon sa necklace na may blue sapphire sa gitna. "Ang sapphire sa gitna ng necklace weighs about 30 carats at mas pinaganda ito ng mga maliliit na diamonds na nakapalibot sa sapphire which is about 100 carats. Napakaganda ng pagkakagawa sa necklace dahil pinasadya pa talaga ito ng isang mayaman at makapangyarihang tao noon sa Europa. May nagsasabing ipinagawa ito ng isang lider ng mafia para sa kanyang anak na babae na noon ay may karamdaman. Hindi ito nakakapagsalita. Walang nakakaalam kung paano ito nawala sa poder ng kanilang pamilya. Today, it is believed to be bought by one of the richest family in the Philippines at ipinagbibili nila ito ng triple mula sa  tunay na halaga ng kuwintas na ito."

"W-Wow."

Mafia? Does it even exist up until now?

"Wow talaga."

"Baliw. I mean. Alam ko namang binabasa mo ang mga nakasulat sa art description nito pero hindi lahat ng sinabi mo ay nakasult riyan. H-How were you able to know these things?"

Aside sa pagkamangha sa kuwintas ay mas namangha ako sa kaalaman ni Kiko sa mga bagay na tulad ng mga jewelries and artifacts.

"I-I just know. General knowledge?"

"Seryoso nga kasi."

"Seryoso nga ako. Bawal na ba maging maalam at talented sa ibang bagay?"

Aish. Ba't ba mautak 'tong si Kiko, nakakainis naman.

Ibinalik ko ang paningin doon sa necklace. The blue sapphire reminds me of something but I can't figure out kung ano ito.

I was about to check the other artifacts nang bigla nalang kaming may narinig na malakas na announcement mula sa labas.

"Nagsisimula na ang event." Ani Kiko at sabay kaming bumalik ng event room.

"Everyone, again, we thank you all for coming. Before we start the main event, I would like to call on the Chairman and President of the Emerald Hotels Group of Companies at isa sa mga namumuno sa konseho na siyang nagtatag rin ng 'L'Ombre Global Art Association'. Please let us all welcome Mr. Anastacio Azarcon!

Nagpalakpan ang madla at halos mahampas ko si Kiko sa gulat nang bigla kong makita si Tanda na naglalakad sa stage. Siya yung matandang lalaki kanina na mukhang nasa 60s na nakikipagbiruan lang sa amin. So mayaman pala ang matandang iyon?

Their Chasing SoulsWhere stories live. Discover now