Chapter 14: Loki's Missing?!

Start from the beginning
                                    

"At bakit mas gugustuhin mong ako ang mawala?" tanong niya. "That's something you shouldn't tell someone nonchalantly."

Tumigil ako sa paglalakad at tinaasan siya ng kilay. "You're only a decoration in this club. Loki and I can get along very well. We actually had a great time together during lunchtime."

"Na-Natalo mo siya sa chess?"

Ngumisi ako sa kanya. "It's a close match, but Lady Luck favored me today. Why, you jealous?"

She said before na walang something romantic na namamagitan sa kanila ni Loki, and I believed her. Wala kasi sa tono o mukha niya noon na nagsisinungaling siya. But I figured, why not tease her a little? Aside from my eidetic memory, I could somehow tell if someone was acting or not. That's how talented I was!

"Wala na tayong oras para pag-usapan kung nabusog kayong dalawa sa lunch n'yo kanina." Bumalik sa papel ang tingin niya at mukhang binasa ulit ang mga nakasulat doon. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa papel at binasa ulit ang nakasulat doon.

"Shouldn't we ask help from the campus police?" suggestion ko nang nagpatuloy na ako sa paglalakad paikot sa mesa. Sorry, hindi ako mapakali sa isang spot. "Baka matulungan nila tayong maghanap? They can ask their officers to search every area on campus."

"Meron tayong less than forty minutes para hanapin si Loki," kontra niya. "Kung pupunta tayo sa station nila at ipaliliwanag kung ano'ng nangyari, baka maubusan tayo ng oras! Besides, hindi natin alam kung maniniwala sila sa atin. They might think that this is just a prank."

Napahawak ang mga kamay ko sa baywang. "At sino namang gagawa nito? Meron bang may galit kay Loki kaya naisipan nila siyang dukutin mula rito sa clubroom at mag-iwan ng isang riddle para sa atin?"

"Baka may connection 'to sa personal request na inaasikaso niya?" Napahaplos siya sa kanyang chin, parang pinag-iisipan talaga ang nangyari.

Wait a minute . . . Anong personal request? Walang nabanggit si Loki na gano'n noong kumain kami. Mukhang wala rin siyang ibang iniisip o pinagkakaabalahan kanina.

"Hindi niya in-involve ang club dahil sa kanya mismo humingi ng tulong ang client," dagdag niya na parang nabasa ang nasa isip ko. "Teka, wala na tayong oras para mag-usap ng kung ano-ano. Kailangan na nating ma-decode 'to!"

"Oh . . ." Naningkit ang mga mata ko sa kanya sabay lapit para magkaharap kami. "So you think you can play the detective without him? Seriously?"

"Kaya nga ako nandito, 'di ba?" sagot niya sa 'kin. "For the record, I've already solved one case with minimal help from him. Ikaw? Hanggang pagpapa-cute lang ba kay Loki ang kaya mong gawin? Bakit ka nga ba sumali sa club na 'to?"

Ramdam kong nag-twitch ang kaliwang mata at ang labi ko. Paano niya nasabing pagpapa-cute lang ang kaya kong i-contribute eh meron akong eidetic memory? Kung may nagpapa-cute man dito, walang iba kundi siya. Sabi nga ni Loki, meron akong gift. Itong si Lorelei? Ewan kung ano'ng meron. Wala mang espesyal sa kanya.

"Fine! Give that to me and I'll show you!" Hinablot ko mula sa kanya ang papel, pero hindi niya binitawan. Sa sobrang lakas ng hila ko at sobrang kapit niya, napunit ang papel sa dalawa. Nilipad pa ng malakas na bugso ng hangin ang kalahati at idinala sa labas.

"Tingnan mo ang ginawa mo!" Tinaasan na niya ako ng boses. Kung may suot na maskara man si Lorelei, heto na, nahuhulog na. "Kalahati na lang ng code ang nasa atin! Ano na'ng gagawin natin niyan?"

Umiwas ako ng tingin nang hindi ko naiwasang matawa.

"At ano'ng nakatutuwa?" reklamo niya. Lalo pa akong natawa sa reaksyon niya. Parang katapusan na ng mundo, parang wala nang pag-asa. "Masaya ka na bang wala na ang clue natin para mahanap si Loki?"

"Lorelei, Lorelei. What will you do without me?" Mabagal akong umiling habang paulit-ulit na napapalatak. Ganyan talaga kapag walang talent ang isang tao. "Have you forgot that I was bestowed with a unique gift?"

Hihirit pa sana siya, pero napanganga na lang siya sa 'kin. Na-realize na rin niya kung bakit kampante pa rin ako at hindi gaya niyang naghi-hysterical. Mas magaling pa yata siyang gumawa ng drama kaysa sa 'kin.

"I remember those numbers like the back of my hand," pagyayabang ko. Tinapon ko na rin 'yong natitirang kalahati ng papel at hinayaang tangayin ng hangin. "Hindi ko kailangan ng kahit anong kodigo."

"Kung natatandaan mo naman pala, e 'di isulat mo na sa papel para masimulan na natin ang pagde-decode!"

Umirap ako sa kanya at bumuntonghininga. "Why should I tell you? Hindi ba't sinabi mo kanina na hanggang pagpapa-cute lang ako?" Kaya dapat mag-ingat siya sa salitang binibitawan niya. Huwag niya akong masyadong maliitin lalo na't may talents ako hindi siya fully aware.

Bigla niyang hinila ang braso ko palapit sa kanya. "Wala na tayong oras, Jamie! Kung gusto mo pang makita si Loki, kailangan nating magtulungang dalawa. I may not be as good as him, but I think we can get through this!"

Ilang seconds din kaming nagkakatitigan bago ako kumalas ng tingin mula sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagiging desperate. "Okay, I'll type the numbers on my phone and show them to you, but let me know about your plan first."

"Kahit siguro pigain ang mga utak natin sa kaiisip kung paano made-decode 'yan, mukhang wala tayong pupuntahan," sabi niya. "Kung isa-substitute natin ang bawat number into letter, parang walang sense. Hanggang twenty-six letters ang English alphabet, kaya ano'ng isa-substitute natin sa 33 at 45?"

"Are you saying na imposibleng ma-solve natin ang code na 'to?" may kaunting pangamba sa tono ko. "Wala na tayong chance na makita ulit si Loki?"

"That's not what I meant." Umiling siya't iniangat ang tingin sa 'kin. "Kailangan nating hanapin ang tamang cipher. Kung sanang mako-call natin si Loki para makahingi tayo ng hint, mas mapadadali ang pagde-decode natin."

Kung wala si Loki at hindi namin kayang i-crack 'to, sino ang pwede naming hingan ng tulong?

"Jamie," tawag ni Lorelei kaya napalingon ako sa kanya, "close ba kayo ni Stein Alberts?"

Medyo kumunot ang noo ko. Napaka-random question naman n'on. "He's the director for this season's theater production. We're not that close but I have his number. Teka, do you think he's the one behind this? Do you think he kidnapped Loki?"

Muli siyang umiling. "I think he's the one who can help us crack this code. Pwede mo ba siyang i-text o i-call kung pwede siyang makipagkita sa atin? We won't take too much of his time."

"They have rehearsals this afternoon, but maybe he can spare a minute or two for me," sagot ko. "He's also a fan of mine so he won't mind if I ask him a little favor. Isang smile at kaway ko lang sa kanya, masaya na siya."

Inilabas ko ang aking phone at para makapag-compose na ng message.


Hey, Stein! You busy? May gusto sana akong iconsult sa yo

Hi, Jamie! Tungkol saan?

Iexplain ko in person. Pwede ka ba naming puntahan?

Nasa audi ako. Rehearsal will start in ten minutes.

Cool! Papunta na kami riyan


Ipinakita ko kay Lorelei ang conversation thread namin para mapanatag siya. Agad naming iniwan ang clubroom at umakyat patungong fifth floor.

—to be continued—

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #QEDOrigins!

Origins of the QED ClubWhere stories live. Discover now