TRB Special Chapter 1: She is...

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano bang pinagsasasabi mo jan! Hindi mo ba naisip na baka kung anong gawin niya sa sarili niya ngayon?! ha! Ano ka ba naman Haylee! Mag-isip isip ka nga! kailangan tayo ni Trish ngayon! kaibigan niya tayo! Hindi kaba talaga marunong mag-isip?" pagalit na sagot sakin ni Cy.

"Matapang at malakas na babae si Trish, Cy. At may tiwala ako sakaniya na hinding hindi siya iisip ng kahit na anong ikakapahamak niya! Dahil kung naiisip niya yon edi sana matagal na niyang ginawa! Alam kong kailangan tayo ni Trish ngayon, pero naisip mo ba na kaya niya hindi sinasagot mga tawag niyo kasi nga gusto niyang mag-isip mag isa?!" pasigaw na sagot ko kay Cy, at tumalikod na para mag lakad ulit.. may susunod na klase pa ko! ayoko ng makipag talo rito.. Ako nanaman lalabas na mali eh. Ako na hindi marunong mag isip! tss.. ako na hindi matalino!                            

"Huh, ang sabihin mo ayaw mo lang sayangin yang load mo! Fine! kung ayaw mo di wag.. tatanggi ka lang dami mo pang sinasabi!" -- pahabol na sigaw sakin ni Cy.                                                                                                    

Ouch. Naging issue nanaman pagiging mahirap ko..

Nag lakad nalang ako papunta sa room ko. 

*sigh* naku Haylee! kalimutan mo na yung sinabi ni Cy! walang maidudulot na maganda yan sayo.. inhale! exhale! inhale! exhale! whooooo! >:)

maka pasok na nga lang--                                                        

*boooooooooooogsh*              

"aray! Ano ba! Pwede ba! tumingin ka nga sa dinadaanan mo!!" sigaw ko dun sa lalaking inunahan akong pumasok sa pintuan, at guess what.. tinulak niya ko!! kaya napaupo ako sa hallway.                      

"Ay bro! may tao pala jan.. hahaha! Di kita napansin eh! pasensiya naman. ^_____^" sagot niya sakin na may pagka laki-laking ngiti!! Aba't gago to ah?! Sira ulo ba siya?!! Anung tingin niya sakin hangin?? ayos siya ah!!!                  

tumayo ako sa pagkaka salampak ko sa sahig at hinarap yung buwisit na lalaki!!! >:(                

"Nan to ii mashita ka? (Anung sabi mo?) Hindi mo ko nakita?! Eh gago ka p---"

"Pare, kung ako sayo mag sorry ka sa ginawa mo sakaniya."

nagulat naman ako ng biglang may sumingit sa pag sasalita ko at may nag salita mula sa likuran ko. Nung tatangkain ko na sanang lumingon, nag salita naman bigla yung lalaking tumulak sakin..                  

"At bakit ako mag sosorry sa pulubing yan? tss.. Nakaharang siya sa dinadaanan ko kaya pinatabi ko lang siya.."       

Aba! gago talaga tong hayup na to ah!!! tinulak tulak ako tapos sasabihan pa kong mahirap! Eh ano kung mahirap ako?! Siya ba ang nagugutom pag wala akong makaen!! siya ba ang naghihirap pag wala akong pera! Ayos to ah!!!!!                                

"bakla ka ba? kalalaki mong tao pinapatulan mo ang babaeng walang kalaban laban sayo." biglang sagot nung nilalang na nasa likuran ko..                                                        

ok sige na! sige na! shet! ako na kinikilig >//////////////< kasi naman tong nilalang na to oh!! Hanubayan! tama na uy!                                

THE REAL B*TCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon