02

9.5K 239 2
                                    


Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. I'm still sleepy! Late na akong nakatulog kagabi. Habang nakapikit kinuha ko sa bedside table ang alarm clock at akmang itatapon nang biglang may nagsalita.

"That would be the 15th clock you'll broke."

It's my twin brother. Dumilat ako at pinandilatan siya ng mata. "Anong ginagawa mo dito?"

"Wala." He shrugged. "Gusto ko lang makita mukha mong may laway pa."

Kinapa ko ang gilid ng labi ko pero wala naman laway. I glared at him and he just laughed.

"Lucas Xander Mendoza!!"

Itinaas niya ang dalawang kamay. "Ang pikon mo."

"Pikon, your ass." Tumayo ako at kinaladklad siya palabas ng kwarto ko. "Diyan ka, unggoy!"

Pabagsak kong sinara ang pinto at bumalik sa kama ko. I can finally go back to sleep.

"Xheanna Laniel!!!! Mas ungg—Aray! Mom! Bakit mo ako binatukan?"

Haha! Good job, mom.

"Ang aga-aga ingay niyo na. It's almost eight!"

Napatigil ako sa pagtawa nang marinig yun. Shit! May klase pala kami ngayon. Nagmadaling pumasok ako sa banyo at naligo. After five minutes tapos na ako. Not my usual time of shower pero I'm gonna be late. Tumakbo ako pababa ng hagdan. Pagdating ko sa dining kumakain na ang kambal ko. What the! Naligo ba ang lalaking 'to?

"One minute lang." Sabi niya sa'kin na mukhang nahulaan ang nasa isipan ko.

Kumuha ako ng isang bread at hotdog. Takang pinagmamasdan ako ni lucas. Umirap lang ako sa kanya at patakbong lumabas ng bahay. Ayaw ko ma-late sa first day. Pumasok ako sa kotse at binati ang driver namin. "Good morning, manong. Let's go!"

Lumingon siya sa'kin. "Paano po si sir lucas?"

"Hindi dapat hinihintay ang mga unggoy manong."

Napailing si manong sa'kin. Sanay na kasi siya saming dalawa. Ini-on niya ang kotse pero bago pa man umandar ang kotse, tumatakbong pumasok si lucas sa kotse. Tinulak pa ako. The nerve! Naningkit ang kilay ko sa kanya.

"Kambal ba talaga tayo?"

"Yup." Sagot niya sa'kin kahit puno ng hotdog bibig niya. "Magkamukha tayo e."

"Ang malas ko naman."

"What?!"

I laughed so hard at his reaction. Ayaw na ayaw ni lucas kapag ganito ako. He just love me too much. Well, ako rin naman.

"Joke lang."

The car drove away from our house. Nagsimula akong kumain habang nakatingin sa labas. Patapos na ako nang magsalita si lucas. "You don't wanna wear your contacts?"

Gulat ko siyang nilingon. Damn! I almost went to school without any contact lens. Ang tanga ko, buti at sinabi ni kambal. FYI, hindi malabo ang mata ko. I am wearing black contacts to hide my identity. You read it right. I wanna hide the real color of my eyes because I know there are gangsters who is looking for me. Alam nila na green ang mata ko so when I'm just being xheanna, I wear contacts.

"Thank you for reminding me."

"Bakit mo ba kasi kailangan magsuot niyan? Look at me, my green eyes is slaying."

I gave him a bored look.

"Hindi ako attention seeker like you."

"Am not!" He reacted. "Plus points lang mata ko."

"Yeah, yeah."

Nag-aaral kami sa Highland Academy. Walang scholar dito and most of the students ay anak ng mafia or sila mismo ang gangster. Hindi naman natatakot si lucas kasi kahit hindi niya pa sabihin sakin alam kong may grupo rin siya. Though, hindi niya alam na gangster rin ako.

"We're here." lucas announced.

Hindi ko na siya hinintay at lumabas na ng kotse. As usual may mga babae na namang nakapaligid sa kotse namin. Mas dumami ata fans ng unggoy, ah! He must be so proud of himself.

"Lucas! My loves!!!!!!"

"Hi, what's good?"

Napangiwi ako bago nilagpasan ang mga babaeng nakalunok ata ng megaphone. What a great scene to start my first day. Damn you, lucas!







To be continued.....

Princess (SLOW EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon