Kabanata 39

1.8K 36 1
                                    

Kabanata 39

A Total Chaos

"Mag-usap tayo bees," walang-emosyong sabi ni bees. Kinakabahan ako, alam kong kasalanan ko 'to. Nakayuko lang akong tumayo. Nahihiya ako sa mga pinaggagawa ko. Alam ko ng may girlfriend 'yung tao, pero bakit ko pa yinakap?

"Warren, labas muna, mag-uusap lang kami,"

"It's not what you think-" aangal pa sana si Waju kaso..

"I said get out!" pareho kaming nagulat dahil sa pagsigaw ni bees. Tumingin ako kay Waju at tahimik na humingi ng apology, tumango lang siya sakin. Hindi ito mangyayari kung hindi ko siya niyakap! Ang tanga ko talaga kahit kelan!

"I'll explain everything later, Carley," at tuluyan na siyang lumabas ng lab.

Kami na lang ang natira sa loob. Ni walang nagsasalita samin. Ako, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Takot, hiya at konsensiya.

Natatakot ako na baka ito na ang hudyat ng pagtatapos ng pagkakaibigan namin. Hindi ko 'yun gusto, ayokong masira ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa mga katangahan ko. Nahihiya ako kasi kahit alam kong may girlfriend na 'yung tao pero kung ituring ko ay parang single pa na walang masasaktan dahil sa mga kilos ko, ang masaklap pa at bestfriend ko ang girlfriend 'nung tao. Nakokonsensiya ako, nang dahil sakin, baka mag-away pa sila.

"Bees, ano 'yun?" tinaas ko ang tingin ko at nakatagpo ko ang mga mata ni bees na puno ng galit at sakit.

"B-bees, I-im sorr-" napatigil ako ng bigla na lang siyang sumigaw.

"Sorry?! Ano ba bees! Palagi nalang! Palagi ko nalang kayong nakikitang ganun! Magkahawak ng kamay, magkayakap? Hindi mo man lang naisip na may girlfriend na 'yung tao?!" hindi ako makapagsalita. Kasi, tama siya...

Napayuko nalang ako..

"B-bees, I-im so sorr-"

"Walang magagawa 'yang sorry mo bees! Pinagkatiwalaan kita! Hindi ako nagduda dahil nagtitiwala ako sa'yo! Pero ano?! Nilalandi mo ang boyfriend ko!!" para akong nasampal ng doble-doble dahil sa sinabi niya. Ang sakit marinig na sinabihan ka ng bestfriend mo na malandi. Doble pa kesa ang marinig mo 'yan sa ibang tao. At triple ang sakit dahil alam ko... alam kong tama siya.

Hindi ko siya masisisi. Dahil kung ako ang nasa posisyon niya, at ginagawa niya ang mga ginagawa ko, 'yun din ang magiging reaksiyon ko.

"Sinira mo ang tiwala ko sa'yo bees! Akala ko ba b-bestfriend kita?!" hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ganun din si bees. Ang hirap, napakatanga ko. Ni wala akong masabi para idefend ang sarili ko dahil wala naman akong panlaban. Napakasama ko sigurong kaibigan. Minamahal ko ang taong mahal din ng bestfriend ko.

Wala akong nagawa kundi ang lumuhod nalang at umiyak habang paulit-ulit akong humihingi ng tawad.

"A-ang sakit alam mo ba 'yun?! Na ang boyfriend mo at ang bestfriend nila pareho ay magkasama at magkayakap! Alam mo ba ang feeling?! Malamang hindi! Kasi hindi naman ikaw ang nasa posisyon-" hindi ko na kaya at tumayo na ako.

"Tama na bees! Oo! Inaamin ko mali ako! Dapat hindi ko 'yun ginagawa! I'm sorry kung nasasaktan kita dahil sa mga katangahan ko! Pero 'nung mga oras na nakita mo kaming magkayakap, 'yun ay dahil kailangan niya ng makakausap! Kailangan niya ng kaibigan!"

"Kaibigan?! Ha! Eh ano pang silbi at naging girlfriend niya ako?! Bakit hindi ako 'yung tawagan mo para macomfort ko ang boyfriend KO?!"

"Dahil-"

"Dahil wala akong kwentang girlfriend ganun?! Na hindi ko siya macocomfort katulad ng ginagawa mo?! Naman bees! Iniisip mo bang hindi ko 'yun kaya?!" Umiling ako.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt