Andito na kami sa likod ng school. Medyo konti na lang ang mga estudyante dito, halos mga magsyota lang na naglalampungan ang nandito.

"Waju! A-amin na kasii!" hinihingal na rin ako. Umupo muna ako ng bench na malapit sakin at nagpahinga saglit. Si Waju naman, andun sa kabilang bench, na medyo malayo-layo sakin. Kita ko pang nakangisi siya sakin.

'Argh! Patay ka talaga sakin pag nahuli kita, humanda ka.' mahinang sabi ko sabay tingin ng masama sa kaniya. Nakangisi lang din siyang nakatingin sakin, habang 'yung sapatos ko ay nakalagay sa monobloc table.

Nag-iisip pa ako ng paraan kong paano ko kukunin 'yung sapatos ko. Tiningnan ko ang medyas ko, ang dumi-dumi na. 'Yung abnong 'yun talaga!

Habang nag-iisip ako ng strategy, ay nakatitig ako sa sapatos ko. Ano kayang pwedeng gawin? Hmm...

Napaayos ako ng upo ng makita kong parang may tumatawag kay Waju. Tumayo siya ng hindi dinadala ang sapatos ko, at tumalikod, sinagot ata 'yung tawag.

Kaya habang nakatalikod pa siya ay kinuha ko ang pagkakataong 'yun para dali-daling naglakad at lumapit doon sa batong-mesa kung saan nakalagay ang sapatos ko. Tiningnan ko naman si Waju, nag-uusap pa rin sila ng kung sinong ponsiong pilato.

"Finally," mahinang bulong ko ng makuha ko na ang sapatos. Isusuot ko na sana ng bigla na lang humarap si Waju sa pwesto ko. Kaya bago niya pa uli makuha ang sapatos ko ay umatras na ako para sana tumakbo ng mapatid ako ng bato sa baba ko.

Pumikit na ako at yinakap ang ang sapatos ko sa dibdib ko habang hinihintay ang pagbagsak ko sa lupa. Pero walang dumating, ang naramdaman ko lang ay ang pagpulupot ng dalawang braso sa beywang ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, at nakita ko ang dalawang pares ng asul na mga mata na nakatingin lang din sakin. Bumilis ang pagtibok ng puso ko at halos pigilin ko na ang hininga ko dahil sa sobrang lapit niya sakin.

Bumaba ang tingin ko patungo sa matangos niyang ilong, patungo sa... sa sapatos ko?

"Ngek," daing ko na nasa gitna pala namin ang sapatos ko. Dahil sa kahihiyang naramdaman ko ay aalisin ko na sana ang pagkakahawak niya sa beywang ko ng may galit na boses akong narinig.

"What are you doing, you two?!" mas mabilis pa sa alas kwatrong tinulak ko si Waju papalayo sakin, muntik na rin siyang matumba, tumingin ako sa kaniya at humingi ng sorry sa pamamagitan ng tingin. Samantalang sinuklian niya ng masamang tingin.

Binalik ko ang tingin ko kay—oh my!

"Ahm s-sir," utal kong sabi sa disciplinarian na nasa harap namon. Oo, 'yung disciplinarian na nakausap namin kanina. Lagot...

Tiningnan niya kaming dalawa, at tinuro.

"Didn't I assigned you two a punishment work?" mabilis naman akong tumango. Pero, itong kasama ko relax relax lang. Aba, ako dito halos malusaw na sa kabang nararamdaman ko habang siya parelax relax lang?

"Yung nadatnan ko? What is it?" tiningnan niya pa kami ng makahulugan. Err. Wala atang balak magsalita ng isang ito kaya ako na lang ang sumubok magsalita. Kinakabahan ako...

"Ahm, a-ano po s-sir—" bigla namang nagsalita si Waju kaya napatigil ako.

"Napatid lang siya Sir habang kumukuha ng basura kaya tinulungan ko siya, " tiningnan niya ako at pinandilatan ng mata, parang sinasabing makiride na lang ako.

"Ah, o-opo! N-napatid lang po ako kaya ganun, hehe, " mukhang-tangang sang-ayon ko at tinago ang sapatos sa likod ko.

Kinabahan pa rin ako ng nanatili lang itong nakatitig samin na parang hindi siya naniniwala. Pero, tumango naman siya pagkatapos na ikinahinga ko ng maluwag.

Ang Martyr at Ang Manhid (MSS#1) [Completed]Where stories live. Discover now