....


DAMN IT! Gising na si Dad pero ayaw akong palapitin ni Uncle Ariseo. Sumusunod dito ang mga bodyguards kaya wala akong magawa. Ni hindi ko man lang nakita ang sarili kong ama!


Pumunta ako sa White Plains para balikan ang iniwan ko roong kotse. Nandoon din kasi ang phone ko. Napamura ako nang hindi ko makita sa dashboard ang phone.


"Sir, kinuha po ni Ma'am Lulu," sagot sa akin ng guwardiya namin sa garahe nang tanungin ko ito.


"What?!" Bakit binuksan ni Lulu ang kotse ko? At bakit pinakialaman nito ang phone ko?!


Hinanap ko sa kabahayan si Lulu. Wala sa ospital ang babae kaya malamang na nandito siya. Tama nga ako, nasa kuwarto niya si Lulu. May sariling kuwarto ang babae dahil ayaw siya nitong patulugin sa master bedroom, kung ano ang dahilan ni Dad ay ito lang ang nakakaalam.


Kinalabog ko ang pinto ng kuwarto ni Lulu. Nagbukas naman ang babae. Ngiting-ngiti siya nang makita ako. "Macoy, love!"


"Where is my phone?" malamig na tanong ko sa kanya.


"Ah, it's inside." Inginuso niya ang phone na nasa ibabaw ng dresser.


Wala sana akong balak pumasok sa loob ng kuwarto kung hindi lang walang balak si Lulu na iabot sa akin ang phone. Isang pagkakamali nga lang ang ginawa kong pagpasok. Isinara agad ng babae ang pinto.


"Hey, what the hell?!" singhal ko sa kanya.


"Macoy, your dad is sick. Hindi ko alam kung gigising pa siya. Natatakot ako."


Hindi pa yata nakakarating sa kanya ang balita na nagkamalay na si Dad.


Lumapit si Lulu sa akin. "Natatakot ako kasi maiiwan akong mag-isa. Can you take care of me? I promise you, I will help you get your grandpa's company. I'll help you ruin Ariseo."


Inilang hakbang niya ang pagitan namin saka niya ako niyakap. Tinangka niya akong halikan sa leeg pero itinulak ko siya.


"You, slut!" Diring-diri ako sa kanya. This damn bitch. Bata pa lang ako ay ginagawa niya na ito. Kung hindi niya ako hipuan ay kung saan-saan niya ako hinahalikan. Those days were over. Hindi na ako batang matatakot na umiwas sa kanya ngayon.


"Nagmamalaki ka na?!" sigaw niya sa akin sa basag na boses. "Oh, right. You're no longer the coward fourteen-year-old boy. You're now a grown man. A famous model and musician. Pero nagkakamali kung inaakala mong porke't wala ka na sa pamamahay na ito ay matatakasan mo na ako!"


Nagulat ako nang bigla niyang guluhin ang kanyang buhok at burahin ang kanyang lipstick hanggang sa magkalat iyon sa kanyang pisngi. Pagkatapos ay pinunit niya ang suot na damit.


"What the hell are you doing?!" kabadong tanong ko.


Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon