"Saan?"


"Inuman. Kasama namin iyong rider, si Nolan. Iyong may crush sa 'yo."


"Sorry, pass ako. May klase pa ako bukas."


"Sipag talaga ni Pamela." Bati sa akin ni Judilyn. Shift leader namin siya. Mas matanda siya sa amin.


"Ang ganda pa nga niya, ate," sabi pa ni Felice.


"May boyfriend ka na ba?" tanong sa akin ni Judilyn.


"Ewan ko ba, ate." Pinunasan ko ang aking pawis sa noo. "Hindi nagpaparamdam, eh."


"Sa ganda mong iyan?" Parang hindi makapaniwala si Felice.


Napangiwi si Judilyn. "Baka naman kasi pogi BF mo. Naku, babaero mga pogi."


Hindi na lang ako kumibo. Ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. Napahilot ako sa aking likuran pagpunta namin sa locker room. Ang iba sa kasamahan naming crew ay naghahanda na para sa lakad nila. Hindi ako sumama kahit ano'ng yaya nila.


Nangunot ang noo nang makitang may apat na missed calls sa cellphone ko. Kinuha ko agad ito nang makita ang pangalan ni Macoy sa screen. Mapait akong napangiti. Hindi rin nakatiis.


Ilang sandali pa ay tumunog na ang aking cellphone. Ayoko sanang sagutin pero mahirap pigilan. Miss ko na rin kasi ang gagong ito.


"Hello," sagot ko.


[ Labas ka. ]


"Ha?"


[ Nandito ako sa kanto niyo, sa lugawan. ]


Paano ko ba sasabihin sa kanya na wala na ako sa bahay at hindi na doon nakatira? Natapik ko ang aking noo.


"Umuwi ka na, Macoy."


[ Galit ka pa rin ba? ]


Matagal akong hindi nakasagot. "Hindi. Basta umuwi ka na. Pagod ako." Pagkasabi ko ay pinatay ko na ang linya.


Wala rin akong time ipaliwanag sa kanya ang lahat. Pagud na pagod na ang aking katawang lupa. Kailangan ko muna'ng umuwi at matulog katabi ang lugaw na deliver ni Aling Kipay.


Maya-maya ay tumutunog na naman ang cellphone ko. Napasabunot na lang ako sa aking buhok nang makitang si Macoy tumatawag. "Hello?" yamot kong sagot.


[ Hindi ako aalis dito. Hihintayin kita. ]


Napabuntong-hininga ako. "Wala ko riyan sa bahay."


[ Huh? But ano'ng oras na? Nasaan ka? ]


"Isang linggo na akong wala riyan sa amin."


[ What do you mean? Naglayas ka? ] May pag-pa-panic at pag-aalala sa tono niya.


"Hindi."


[ Ano'ng hindi? Where are you? What happened? Tell me! ] Nagtaas na siya ng boses dahil sa pagkataranta.


"Nag-boarding house ako. Umuwi ka na." Pagkasabi ay pinatayan ko na siya ulit ng linya.


Wala akong lakas para makipag-usap pa, kaya bahala na siya sa buhay niyang mag-isip.


JF

Retired PlayboyWhere stories live. Discover now