Kumiling ang ulo ko. "Po? Go To Hell?"


"Oo. Goto na maanghang kaya Goto Hell. Meron din akong Goto Heaven, hindi masyadong maanghang."


Napakamot ako ng ulo. "Huwag po kayong mag-alala, may pambayad ako. Maghahanap po ako ng trabaho."


"Mag-working student ka? Sakto, kailangan ko ng crew."


"Sakto ayoko ho." Pilit na lang akong napangiti.


Habang nagliligpit ng gamit ay hinintay ko ang sukli ko sa two thousand pesos na ibinayad ko kay Aling Kipay. May sukli akong one-hundred-pesos. Saka ngayon niya na rin ibibigay sa akin ang sarili kong susi.


Pagbalik ni Aling Kipay ay inabutan ako nito ng isang mangkok na lugaw. "O Pampam."


"Ano po ito?"


"Lugaw worth P100. Iyan na rin ang sukli mo."


"Eh, ang susi po?"


"Ayan din."


"Ho? Lugaw po ito e."


"Kainin mo 'yang lugaw hanggang sa matagpuan mo iyong susi."


Tangina talaga!


....



NAGING BUSY AKO sa pag-a-apply ng trabaho. Sa isang fastfood chain ako natanggap. Wala pa akong pinagsasabihan tungkol sa aking pagtatrabaho, kasi si Macoy ay walang alam.


Panglimang araw na rin na walang paramdam sa akin si Macoy kahit text man lang. Hinihintay niya yata na ako ang unang mag-text sa kanya. Sa pagkakataong ito, hindi ako ang mauuna. Hihintayin ko ang text niya at titiisin ko siya.


Mabuti na lang at busy ako sa aking bagong trabaho. Pagod ako palagi dahil aking pinagsasabay ang pag-aaral at pagpasok sa fastfood chain tuwing gabi.


Four hours daily lang ang pasok ko kapag natatapat na weekdays. Ang hirap dahil talagang pagod na pagod ako tuwing uuwi. Bawal magpahinga at bawal din ang walang ginagawa. Kailangan ay lagi kang kumikilos dahil kung hindi ay mapapagalitan ka ng manager. 1:00 AM ang end of shift ko, pero 2:00 AM na ako palagi nakakaalis.


Gusto ko iyong ganitong trabaho. Kahit papaano ay hindi napapansin ang oras. Hindi ko namamalayan na nakakalimutan ko na pala ang problema sa bahay. Mas okay na ito kaysa lagi rin akong naghihintay ng text ni Macoy.


Panay ang text sa akin ni Mama na hinahanap daw ako lagi ni Donald. Idinadahilan ko na lang na maraming ginagawa sa school kaya hindi ako makauwi palagi sa amin. Ayaw ko lang din talagang makita si Donald. Ayaw ko itong paasahin.


"Pamela, sama ka sa'min mamaya?" tanong sa akin ni Felice habang nagma-mop kami ng sahig. Trainee din siya tulad ko.

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon