Bumuga ng hangin si Dad. Kinakalma ang sarili.


"As long as I am not taking illegal drugs, you don't have to worry about me. I will graduate this year. Wala akong gagawing makakaeskandalo sa pangalan mo." Alam ko na isa iyon sa inaalala niya. Nalaman na kasi ng media na nasa Pilipinas ang anak niya, ako.


Tumango-tango si Dad at pagkatapos ay nagtungo na sa pinto.


Pagkaalis ni Dad ay pinuntahan ko ang fridge at nagbukas ako ng beer in can. Binuksan ko iyon at nilagok. Hindi ako nakuntento sa isa lang, sunod-sunod ang binuksan at ininom ko na can. I was pissed. Ibinato ko ang beer na hawak. Lahat ng mahawakan ko ay ibinato ko sa kung saan.


....


Pamela


MABUTI na lang at sumagot ni Cloud sa tawag ko. Pati pala sa kanya, ay hindi rin nagpaparamdam si Macoy. Naniniwa ako dahil nahimigan ko ng pag-aalala ang boses ni Cloud. Maloko man ito ay ramdam ko na mahal nito ang kaibigan.


Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung paano ko mako-contact si Macoy. Hindi niya sinasagot ang tawag at mga texts ko. At kahapon pa ito uncontacted kaya nag-alala na ako. Oo na, marupok na. Hindi ko siya matiis e. Kahit ako ay natitiis niya.


Naglakas-loob na akong itanong kay Cloud ang address ng condo ni Macoy. Isang buong gabi kong pinag-isipan kung pupuntahan ba ang lalaki. Nabuo ang desisyon ko kaninang umaga na puntahan na nga siya sa kanyang condo. Para makaiwas na rin ako kay Donald dahil dadalaw na naman iyon sa bahay ngayon.


Napapikit ako nang makaharap ko na ang pinto ng condo ni Macoy. Number one rule ko: kapag hinubaran ako ni Macoy ay tatakbo ako palabas ng pinto.


Kinakabahan ako. Alam kong hindi maganda iyong huli namin date dahil nag-away kami. At napagtanto ko rin naman na mali ako. Siguro umiral lang ang pagka-isip bata ko. Dapat nga ay magpasalamat pa ako na hindi siya nagalit, di ba? Nasaktan lang kasi ako siguro dahil umasa ako na magseselos siya, pero hindi pala.


Pinindot ko na ang doorbell kahit nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba. Wala yatang tao. Walang nagbubukas ng pinto. Naka-apat na doorbell na ko.


Naisipin kong gamitin na ang code na binigay ni Cloud sa akin. Gumana naman. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang masukal na sala. May mga basag na picture frame at vase sa sahig. Nagkalat din ang lata ng beer sa lamesita. Ano'ng nangyari dito? Kay Macoy ba talaga itong condo na napasok ko?


Sa pagkakaalam ko ay malinis at masinop sa gamit si Macoy. Ayaw niya ng magulo. Kahit noon pa man, maligalig lang siya pero talagang organized siya sa mga bagay-bagay.


Natanaw ko na bukas din ang pinto ng kuwarto kaya sumilip ako. Lamp shade lang ang ilaw sa loob. Amoy alak at ang mabangong halimuyak ng expensive perfume niya ang malamig na hangin dito. Sa carpeted na sahig ay nagkalat ang basyo ng alak.


Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Macoy na nakabulagta sa kama. Boxers lang ang suot. Nakalaylay ang isang binti niya sa kama. Agad ko siyang nilapitan at tinapik siya sa kanyang makinis na pisngi.

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon