Chapter 8

1.2K 29 0
                                    

Kira's pov

Nang matapos na ako sa trabaho ko ay maaga rin akong umuwi dahil wala naman akong masyadong ginawa, si Shaila naman ay baka mag over time dahil sa dami ng hinahabol nilang gawain. Mabuti kamo ay di ako masyadong inuutusan ko, iniiwasan ko rin sya dahil na aalala ko na naman ang nangyari noong limang taon.

Ayaw ko talaga na malaman nya na may anak sya sa akin, dahil isang aksedente lang naman ang nangyari sa amin noon. Kung di lang ako uminom noon di sana mangyayari sa aming dalawa yon.

Nasa may elevator na ako ng biglang may sumabay sa loob at si Ace iyon ang personal Assistant nya. Di nalang ako umimik at hinayaan na dumaan ang katahimikan sa loob ng elevator.

"Pinapasabi ni boss na kaylangan mong agahan bukas ang pasok mo dahil may mga kaylangan ka daw na tapusin bukas" biglang basag nya sa katahimikan

"S-sige" tanging sagot ko na lamang at di na muli pa nag salita hanggang sa bumukas na ang elevator, nauna na akong lumabas sa kanya para kasing di ko kakayanin pa na makasama ang assistant nya.

Nang makauwi na ako ay nag palit na agad ako ng damit at nag luto na rin para kapag nakauwi na si Shaila ay kakain nalang sya. Habang hinihintay kong maluto ang niluluto ko ay kinuha ko muna ang cell phone ko para tawagan sila itay at inay, di talaga ako sanay na di kausap ang kambal pati sila hayss.

(Ate Kira kamuzta ka na po?)  Masiglang bati sa akin ni Jin ang bunsong kapatid ko

"Okay lang ako bunso, nasaan sila inay at itay, pati ang kambal?" Tanong ko sa kanya

(Nakatulog na agad sila itay dahil sa pagod at ang mga anak mo ayon ate nanonood pa po ayaw pang matulog eh) natawa nalang ako sa sinabi nya

"Patawag naman, na miss ko rin kasi sila" nakangiting sabi ko sa kanya

(Teka lang po........  Sofia!!! Drake!! Tawag kayo ni mama nyo kausap ko sya ngayon) tawag nya sa kambal. Narinig ko naman ang mga yapag ng dalawang bulinggit ko na ngayon ay kaharap ko na sa screen ng cell phone ko

(Mama na miss po agad namin ikaw) sabay na sabi ng kambal na ikinangiti ko naman

"Miss you too babies, hayaan nyo kapag malaki-laki na ang sagod ko ipapasyal ko kayo dito sa Manila, pero sa ngayon dahil bagong pasok palang si mama matatagalan pa bago mangyari yon" sambit na saad ko sa dalawa

(It's ok mama, I'm always waiting po sa inyo)  sagot ng anak kong babae kaya napangiti naman ako don

"Sleep na babies bawal kayo mag puyat, bukas tuturuan pa kayo ni Tito Jin nyo sa pag babasa" utos ko sa kambal na sinang-ayunan naman nila

(Opo mama, goodnight po. I love you po mama) sabay na sabi nila

"I love you too babies" sagot ko. Narinig ko naman na sinabihan ni Jin ang kambal na pumunta na ng kwarto para nakapag pahinga na sila

(Ate kaylan mo pag aaralin ang dalawa? ) tanong nya sa akin

"Sa isang public school muna, malapit sa pinapasukan mo para naman kapag uwian masusundo mo sila. Pero baka next month pa sila makakapag aral, sa ngayon turuan mo muna ang mga pamangkin mo habang nasa bahay pa sila" sagot ko sa kanya

(Sige ate ako na bahala sa Manila. Ate mag pahinga ka na maaga ka pa bukas diba?) Nag paalam na ako sa kanya at pag katapos ay chineck ko na rin ang niluluto ko dahil baka masunog iyon mayari pa ako kay Shaila

Kumain na ako at naglinis ng katawan, tinignan ko muna sa ipad kung may meeting ang boss ko bukas. May mga appointment lang naman sya bukas at yon lang ang gagawin nya buong araw

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDOnde histórias criam vida. Descubra agora