"Ah, teka, hijo. Pasensiya ka na." Kumuha agad ng pangkalang si Papa sa paa ng isang mesa. Lumuhod siya sa haparan ni Kuya Theo para abutin ang paa ng mesa.


Imbes ma-appreciate ang ginawa ni Papa ay bumulong si Kuya Theo, "I lost my appetite."


Napakapit ako nang mahigpit sa hawak kong kubyertos. Bastos ang lalaking ito at walang respeto kay Ate Nita at sa mga magulang ko. Bakit? Dahil ba middle class lang kami habang siya ay nasa upper class?


Ganito rin kaya si Macoy kung sakaling makapunta na ito rito sa bahay namin? Mamaliitin din ba kami dahil mayaman din ito?


Hay, bakit ba sumagi na naman sa isip ko ang lalaking iyon?


Sa totoo lang, matagal ko na kasing gustong ipakilala si Macoy sa aking pamilya bilang boyfriend ko. Hindi siguro sila magiging tutol sa lalaki dahil mayaman ito. Matitiyak nila na magiging mabuti ang kinabukasan ko. Kaya lang, kung ipakikilala ko si Macoy rito ay tiyak na mapi-pressure ito—at iyon ang iniiwasan kong mangyari.


Sina Mama at Papa kami ay naniniwala na kung sino ang naging boyfriend ng anak ay iyon na rin dapat ang makakatuluyan. Baka ma-pressure si Macoy sa isiping matatali na siya sa akin.


Sinagot ko si Macoy nang ligawan ako nito, hindi dahil sa alam ko na mayaman ang lalaki, kung hindi dahil mahal ko ito. Ang kaso, wala na kami ngayon. Ito ang dahilan kung bakit ilang araw ng mabigat ang dibdib ko ngayon.


"Pamela, are you still studying?" tanong sa akin ni Donald habang kumakain kami sa mesa.


"Oo." Si Ate Nita ang sumagot sa kanya. "Buong buhay ni Pamela, from nursery to high school ay nasa private school siya. Nitong college naman ay sa PUP siya napunta, scholar. Matalino 'yan at masipag mag-aral. Hindi nag-bo-boyfriend, inuuna ang pag-aaral kaysa sa ibang bagay."


Talambuhay agad? Ang tanong lang naman ay kung nag-aaral ako!


Lumawak naman ang ngiti ni Donald. "That's nice."


"She's at the right age to enter a relationship, hindi naman namin pinipigilan, pero ayaw pa talagang mag-boyfriend," nakangiting dugtong pa ni Ate Nita, kahit wala namang nagtatanong. "She's single. No boyfriend since birth."


NBSB? Hindi. Pero single? Siguro. Iyon naman na ang pakiramdam ko ngayon, single. Wala naman na akong boyfriend. Ghosted na ako.


"Pamela," tawag ni Donald sa akin. "Why don't you transfer to my school? Para naman same university tayo. Palit ka na rin ng course para pati course ay pareho tayo."


Ha? Okay lang ba siya?


"Hindi namin kaya ang tuition sa school mo, hijo," mahinang sabat ni Papa na ikinatanga ni Ate Nita.


Siniko naman agad ni Mama si Papa dahil sa sinabi nito. "Ay, naku, ang ibig sabihin ng asawa ko, okay naman na si Pamela sa PUP bilang scholar. Masaya siya roon—"

Retired PlayboyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora