Chapter 16: Be rational not emotional

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayun may pinto!" Biglang sigaw ni Delivery boy at nang sundan ko ng tingin ang kamay niya ay nakita ko ang isang pintuang gawa sa makapal na kahoy.

Okay, mali ako sa optical illusion theory. Lame tatang, walang trick.

Kapwa kami nagtatakbo patungo sa pinto. Buti nalang at hindi ito naka-lock.

Sa pagpasok pa lang namin dito ay agad na bumungad sa akin ang napakasangsang na amoy ng imburnal. Sa isang iglap, biglang nagdilim ang paligid.

Napakasakit ng ulo ko. Hirap na nga akong makakita dahil sa dilim, nahihirapan pang mag-adjust ang mga mata ko kasi galing ako sa isang lugar na sobrang tingkad dahil sa ilaw at mga dingding.

"Teka asan na tayo?!" Gulat na sambit ni Delivery boy pero bigla na lamang siyang napabulyaw ng bahagya sa sakit. Narinig kong may nabangga siya kaya agad ko siyang inilawan gamit ang cellphone—May nabangga pala siyang isang trashbin.

Itinaas ko ang kamay kong hawak pa ang cellphone. Ginamit ko ito para maaninag namin ang paligid at labis akong natuwa nang makita ko ang isang pamilyar na bagay sa loob ng trashbin—ang backpack ko!

Wala na akong pakialam pa kung mabaho ito o madumi, dali-dali kong hinugot mula rito ang bag ko saka hinila si Delivery boy hanggang sa kapwa na naman kami tumatakbo dito sa mala-tunnel na lugar na sobrang baho. Judging from the smell at sikip ng paligid parang alam ko na kung nasaan kami—isang malaking imburnal.

"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?!" Natatarantang sambit ni Delivery boy.

"Anywhere's better than there! The further we go, the safer we'll be!" Giit ko habang tinitingnan ang laman ng bag ko.

"Ughh! Asan ang cellphone ko?!" Napabulyaw na lamang ako nang mapagtanto kong walang ibang laman ang bag ko kundi lipstick at eyeliner ko. But then again, I so missed my babies! Antagal ko ng mukhang patay without them.

"Miss, sigurado ka bang mas ligtas tayo dito?!" Tanong pa ni Delivery boy habang kumakaripas parin kami ng takbo. Hindi namin alam kung saan kami pupunta, wala kaming kaide-ideya kung saan patungo ang imburnal nato pero mas mabuti na ito kesa ba naman nasa puder kami ni Tatang.

Habang tumatagal, lalong sumasangsang ang amoy ng paligid. May naririnig na akong ingay ng mga daga, pati rin agos ng tubig. Ugh, dahil sa lugar na'to nagmukhang mabango ang kanal.

Paulit-ulit kong inaangat ang cellphone niya sa pag-asang may masasagap akong signal pero wala talaga.

"Miss sandali, pagod na pagod na ako!" Humahangos na sambit ng delivery boy na natigil na sa pagtakbo. Sa sobrang pagod ay napayuko na lamang siya't napahawak sa mga tuhod niya.

"Akala mo ba ikaw lang?! Subukan mo kayang mahampas ng bible sa mukha ng paulit-ulit?! Wala kang ideya sa mga dinanas ko kaya tumahimik ka habang nakakapagpasensya pa ako! Ano gusto mo? Pansamantalang pahinga o forever pahinga?! Pasalamat ka may trauma pa ako sa pagmumura, di kita magogomo-gokyow panchitaw!" Bulyaw ko na lamang sa kanya.

Humahangos niyang tinanggal ang cap niya. Tagaktak na pala talaga ang pawis niya. But then again, ngayon ko lang napansin, teenager parin pala ang isang 'to. Ang laki at hugis ng mga mata niya, parang inaantok at stressed palagi.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon