Chapter 31 Pain

Magsimula sa umpisa
                                    

"Elaine,  there's something that I have to tell you." seryoso niyang saad at iginiya ito na umupo, "Tungkol sa special invitation na natanggap mo to stay here.."

"I think it's obvious naman eh," ngiti nito, "You and the butlers were competing against one another kung sino ang mas charming tama ba?" hula nito, "Pero ikaw ang pinili ko, kaya ikaw ang nanalo?" dagdag pa nito, "I must admit nong una, naattract ako kay Ross dahil pareho kami ng taste sa make up, kaya lang hindi ko matagalan ang pagkanarcissist niya." paliwanag pa nito, "Sa huli, mas napatunayan ko sa sarili ko na masaya ako kapag kasama ka, narealized ko rin yong mga maling nagawa non. I used to hate vampires, tinanggap ko ang invitation nyo dahil gusto kong patunayan na masasama talaga kayo and I was wrong. Hindi naman pala kayo-

-I lied." putol niya, "We invited you not just because we wanted to compete but because it was part of a more serious game."

"A game?"

At don ipinaliwanag ni Gunther ang lahat sa dalaga. Malakas na sampal ang isinagot nito sakanya nang matapos siya.

"And here I thought, that you're inlove with me? Yon pala pinaglalaruan mo lang ako?" pigil ang luha ng dalaga, "Is this how vampire law works? So hindi pala muse ang dapat itawag sakin? Prisoner lang pala ako para sa inyo, para sayo!" saka ito tuluyang lumuha, "You couldve just arrested and imprisoned me! Bakit kailangan nyo pang paglaruan ang damdamin ko!" hagulhol, "Akala ko okay tayo, na okay na ang lahat? Pero ano, Gunther? Aminado naman ako sa mga kasalanan ko at pinagsisisihan ko yon!"

"Hindi ko rin naman inaasahan na mamahalin kita, Elaine.." amin niya.

"Mahal?" mapakla nitong sagot, "Kung mahal mo 'ko, ipaglalaban mo 'ko sa Daddy mo. Aaminin mo sakanya, pero hindi mo ginawa!"

"I have to go," iwas ni Gunther.

"Gunther, wait!" habol nito, "Wala ka ba talagang gagawin?"

"Mamaya na tayo mag-usap."

"Papatayin mo talaga ko?" titig nito sakanya, "Mas susundin mo ba sila kaysa dyan sa nilalaman ng puso mo?" lapit nito sakanya, "Paano kung sabihin kong ayokong mamatay? Na gusto pa kitang makasama?" sumamo nito.

Ngunit hindi na niya ito sumagot at lumabas na ng pinto.

"Gunther! Wag mo 'kong iwan!" panay ang katok ng dalaga nang ipadlock niya ang pinto sa labas, "Buksan mo 'to! Gunther!" pilit na pihit nito, "Please mag-usap tayo! Natatakot ako! Gunther!" iyak nito.

Mariin naipikit ng binata ang mga mata habang pinipigil ang sarili na buksan ang pinto. Kuyom-palad siyang nanatili ron habang pinapakinggan ang palahaw nito.

"Master.." lapit ng isang tauhan, "Ipapasundo ko nalang po siya sa Vampire Police para sila na ang magpatahimik sakanya."

"Sandali!" pigil niya nang akmang lalapit ito sa pinto, "P-pabayaan mo lang siya." utal niyang sabi, "Ako lang pwedeng pumasok sa loob, walang makikialam." diin niya, "Ako ang magdidesisyon para sakanya."

Alanganing tumango ang tauhan. Nang makaalis siya ay agad itong nagdial sa cellphone.

"Mr. Clein, wag po kayong mag-alala. Ikinulong na po ng Master si Lady Elaine. Mukhang may plano na po siya.."

"Well, that's good." anang kabilang linya, "Magmatyag ka lang. Siguraduhin mong gagawin niya ang nararapat."

"Masusunod po."

Napasulyap ang tauhan sa pinto dahil sa patuloy na kalabog at pagtawag ng dalaga, bago ito tuluyang umalis.

KINABUKASAN. Padabog na umupo si Gunther sa pinakasentrong upuan. Naron na rin ang ibang butler upang pag-usapan ang susunod na prospect nila para sa roulette next year.

Vampire's Menu [ Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon