Sumapit ang gabi at muling nagkita ang magkasintahan. Doon ay sinabi na ni Gab sa nobya ang magandang balita tungkol sa tuluyan nyang pag stay sa La Union at ang paghahanap ng panibagong trabaho sa lugar na ito.
Labis ang tuwang naramdaman ng dalagita sa magandang balita na iyon at sa wakas ay hindi na aalis pa ang kanyang boyfriend sa piling nya. Doon ay sinabi din ni Gab ang mga sinabi sa kanya ng kanyang tiyo Tomas tungkol sa kanyang pamilya at ang pagkakaugnay nito sa pamilya ng dalaga. Doon ay inamin naman ni Carla na totoo ang lahat ng sinabi ng tiyuhin ni Gab sa kanya at hindi nya na pala ito nabanggit sa kanya sapagkat sa pagkakaalam nya ay nasabi na ito sa kanya ng pinsan nyang si Kuhol.
Muli silang nagkita kung saan sila nagtagpo ng nakaraang gabi pero bago pa man ang lahat ay sinabi na ni Gab kay Carla ang nais ng kanyang mga magulang na makita siya ng personal ng mga ito bago man lang sila makabalik ng Manila.
"Sya nga pala babe, may sasabihin sana ako sayo." panimula ni Gab.
"Anu un babe?"
"Sabi kasi nila mama at papa eh gusto ka daw nila makilala bago sila umuwi ng Manila. Ok lang ba sayo na pumunta tayo ngayon sa bahay?"
"Haaa!! Pero babe hindi pa ako handa saka nahihiya ako eh." gulat na sagot ni Carla
"Ok lang yan babe, kasama mo naman ako saka mabait naman sila mama at papa. Kaya sige na please.." pakiusap ni Gab sa nobya.
"hmmp.. Babe kasi anu eh, hmmp.... Sige na nga, para sayo sasama ako. Pero nahihiya talaga ako babe.."
"Ok lang yan babe akong bahala sayo.. Ano? Tara na.." pagyakag ni Gab sa nobya sabay tayo sa kinauupan nito.
Tumayo na rin Carla sa kanyang kinauupan at pagkatindig nya ay sya namang sapo ni Gab sa kanyang mga labi. Nagulat sya sa ginawa ng nobyo kaya nasampal nya ito ng marahan sa pisngi.
"Ikaw ha! bigla bigla ka na lang nagnanakaw ng halik. Di ka muna magpaalam" pabirong sabi nito sa nobyo
"Bakit ayaw mo ba?" seryosong tanong ni Gab sa kanya
"Bakit may sinabi ba ako? Lika na nga masyado kang matampuhin." natatawang sabi ng dalaga sabay ng paghawak nito sa kamay ni Gab at nagsimula na silang lumakad.
----------
Hindi inaasahan ng magkasintahan ang naabutan nila sa bahay ng tiyo at tiya ni Gab.
Pagpasok nila sa pinto ay bumungad sa kanila ang mga hindi inaasahang panauhin sa bahay na iyon.
Nandoon ang tiyo, tiya, nanay at tatay ni Gab at ang kanilang mga panauhin ay ang nanay at tatay ni Carla.
Napatakip ng bibig si Carla sa pagkabigla dahil hindi nya inaasahan na nandun din pala ang kanyang mga magulang na kahit si Gab ay hindi rin makapaniwala.
"Andyan na yung lovers!!" sigaw ni Kuhol ng makita ang dalawa na pumasok sa pintuan.
Agad nabaling ang atensyon ng lahat at sabay sabay na lumingon sa dalawa na nakatayo sa may bukana ng pinto.
"Oh andyan na pala kayo. Halikayo at maupo kayong dalawang dito." pag anyaya ni Mang Tomas sa dalawa.
"Ma, Pa." tanging nasambit ni Carla sa kanyang ama at ina.
"Sinabihan kami nitong si Kuhol na pupunta ka daw dito ngayon kaya naisipan namin ng mama mo na pumarito din kami ngayong gabi.." sabi ng Ama ni Carla na si Mang Tonyo
Napatingin naman ang dalawang magkasintahan kay Kuhol na naniningkit ang mga mata na nakangiti habang kumakamot sa ulo.
"Bakit Carla ayaw mo bang makilala namin si Gab? Sige na maupo na kayong dalawa dito." muling pagsasalita ni Mang Tonyo.
Wala nang nagawa ang dalawa kundi ang sumunod at naupo na rin sila kasama ang kanilang mga magulang.
Doon ay napag usapan nila ang tungkol sa mga plano ng mag kasintahan pero sinabi ng dalawa na wala pa sa isip nila ang mga ganoong bagay at isa pa bago pa lang ang kanilang relasyon at gusto muna nila makilala ang isa't isa. Kaya nabaling na lang ang usapan sa kung ano ang mga dapat muna nilang gawin bago pumasok sa isang seryosong relasyon.
Naging maayos naman ang naging usapan sa pagitan ng bawat panig na animoy isang pamamanhikan na rin na maituturing.
Ng biglang.........
"Mabuhay ang bagong kasal." Isang pa epal ang biglang sumigaw na nagpagulat sa lahat.
Nagtinginan ang lahat sa kanya at doon ay biglang may isang unan ang lumagapak sa pagmumukha nito..
Binato pala sya ni Gab ng unan na galing sa kinauupuan nilang sofa.
Nagtawanan ang lahat sa naging reaksyon ng mukha ni Kuhol ng tamaan ito ng unan sa mukha.
--------------
At bago natapos ang gabing iyon ay nagkaroon sila ng kaunting salo salo para sa hapunan.
Naging masaya ang bawat panig at walang anumang naging problema.
At sa wakas ay maagang naging legal ang pagiging magkasintahan ng dalawa. Kung hindi dahil sa kadaldalan ni Kuhol ay hindi na nila kailangan pang magkita kung saan saan ng palihim tuwing gabi.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Sum of Three
RomanceHindi akalain ng mag asawang Gab at Carla na hahantong sila sa isang bagay na hindi normal na ginagawa ng isang mag asawa. Nang dahil sa isang pagsubok ay nabago nito ang kanilang pagsasama. Ngayon ay nasa yugto sila ng kanilang buhay na pinili at...
