Chapter 5

4.5K 6 0
                                        


    Pagbukas ng pinto ni Gab ay agad na bumungad sa kanya ang ama, tiyuhin at si Kuhol na kasalukuyang tumatagay sa sala ng bahay.

   "Aba andyan ka na pala anak. Ginabi ka ng uwi, saan ka ba galing?" sita sa kanya ng kanyang ama na si Mang
Romy.

   "Kaya nga Gab, ni hindi ka man lang nagpaalam sa amin. Baka kung mapano ka pa dyan sa labas at hindi mo kabisado ang mga dito." sabat naman ni Mang Tomas na tiyuhin niya.

  Habang si Kuhol naman ay naka ngiti lang at parang nangungutya ang mga mukha nitong nakatingin sa kanya.

  "Dyan lang po ako galing sa labas naglakad lakad at nagpahangin lang po." sagot ni Gab sa tiyuhin at kanyang Ama.

  "Oh sya sige, halika na dito at samahan mo kami dahil bukas babalik na kayo ng Manila." pag aya sa kanya ng kaniyang tiyuhin.

   Umupo siya bakanteng silya na nasa tabi ni Kuhol, at pagupo nya ay napansin nyang nakatitig pa rin pala sa kanya si Kuhol na parang may ibig sabihin ang nakakaasar na ekspresyon ng pagmumukha nito.

Hindi alam ni Gab kung maasar ba sya o matatawa sa itsura nito kaya ang ginawa na lang nito ay malakas nyang kinabig ng kanyang tuhod ang hita ng pinsan. At agad namang nawala ngiti sa pagmumukha nito.

Napansin naman iyon ng kanyang ama at tiyuhin kaya nagsalita na ang kanyang ama.

"Parang alam mo ata Kuhol kung saan galing itong si Gab."

  "Pinuntahan nya po siguro si..." tumingin muna si Kuhol kay Gab at iniisip nito na kung sasabihin nya ba kung saan talaga galing si Gab.

Nang biglang sumabat si Gab.

"Pa Tiyo, may gusto sana akong sabihin sa inyo." sa pagkakataong ito ay naglakas na ng loob si Gab para sabihin ang nais nito.

  "Anu yun anak? Sige at sabihin mo sa amin." sabi ni Mang Romy

  Bago magsalita sa Gab ay kinuha muna nito ang isang baso at nilagyan iyon ng alak at diretsong ininom iyon hanggang sa maubos ito..

  "Kung ok lang po ba sa inyo na dito muna ako tumira pansamantala at dito ko na rin po sana balak maghanap ng panibaging trabaho. Kasi ano po eh..." hindi na nito natapos ang kanyang nais sabihin dahil bigla ng sumabat ang kanyang tiyuhin.

  "Alam mo iho.." pero bago pa nito ipagpatuloy ang sasabihin ay tumagay din muna ito.

   "Alam na namin ang lahat, sinabi na sa amin ang lahat nitong pinsan mo ang tungkol sa inyo ni Carla."

Nabigla si Gab sa mga sinabi ng kanyang tiyuhin at marahan nyang nilingon ang katabing pinsan at tiningnan nya ito ng seryoso.

  "Kilala ko si Carla iho. Kilala ko ang pamilya nya dahil magkumpare kami ng tatay nya. Inaanak ko ang kapatid ni Carla, pero sa kasamaang palad ay namatay ito nung 7 taong gulang pa lang dahil sa isang malubhang sakit. Kaya katulad mo at ng pinsan mong ito,   ay nagiisang anak lang din si Carla. Mabait na bata yang si Carla, nasubaybayan ko ang paglaki nya at alam ko kung anong klasing pamilya meron sila, mga matutuwid silang mga tao."

Nagulat si Gab sa mga narinig dahil di nya ito alam at hindi rin naman nila napag usapan ni Carla ang tungkol sa mga bagay na iyon.
Di malaman ni Gab ang itutugon nya sa sinabi ng kanyang tiyuhin.

"Alam mo Gab pinagdaanan na namin yang pinagdaanan mo kaya alam ko yung nararamdaman mo ngayon. Bilang isang ama para sayo, ayokong tutulan kung ano man ang magiging desisyon mo sa buhay basta nasa tama at magiging maayos ka. Saka hindi ka na rin naman bata, pwede ka ng magdesisyon para sa sarili mo anak at isa pa lalaki ka. " isang napakagandang salita na nanggaling sa kanyang ama.

"Kaya kung gusto mo muna dito tumira samin ng tiya mo walang problema yun, di ka naman iba sa amin." sabat naman ng tiyo Tomas nya.

Doon ay nakahinga si Gab ng maluwag sabay ng pagpinta ng isang maganda ngiti sa kanyang mga labi at pakiwari nya ay maluluha sya sa tuwa dahil sa kanyang mga narinig ng mga oras na iyon.

" Salamat po sa inyo, maraming salamat po talaga." tanging nabigkas nya at hindi na nyang napigilang maluha sa tuwa.

  "Oh, bakit ka umiiyak? Parang di ka naman lalaki nyan. Oh sya, tumagay ka na at lugi na kami sayo kanina pa kami tumatagay dito." biro ng kanyang tiyuhin sabay abot sa kanya nito ng baso na may alak at agad naman niya iyong ininom.

  "Pero kailangan muna malaman ng tiya at mama mo ito. Bukas na lang natin sabihin sa kanila kasi tulog na silang pareho." pahabol na salita ni Mang Romy sa anak.

  Sa isip isip ni Gab ay ito na siguro ang pinaka masayang gabi ng kanyang buhay.

  Doon ay nabaling ang tingin nya sa pinsan nyang mukhang kuhol ang mga labi na nakangiti at naniningkit pa ang mga mata na nakatingin sa kanya.

"Ikaw, ang daldal mo talaga bwisit ka." mahinang sambit nito sabay tulak nya dito at nahulog ito sa kanyang kinauupuan.

  "Di ka na nga nagpasalamat sakin tinulak mo pa ako." parang bata ang itsura nitong kahit nakasalampak na sa sahig ay nakuha pang magsalita. Dahil doon ay nagkatawanan silang tatlo ng kanyang tatay at tiyuhin.

  Marami rami pa silang napag usapan ng gabing iyon at inabot na ng madaling araw ng matapos sila......

Sum of ThreeOnde histórias criam vida. Descubra agora