Chapter 4

4.9K 4 0
                                        

    Halos maubos na nga ang pinag uusapan ng dalawa sa sobrang dami nilang naging topic.
Tungkol sa kanilang family, interest pati na rin mga naging ex nila ay napagusapan din nila.

  Ayun na nga, at napalitan ng katahimikan ang dalawa, pareho silang nakatanaw sa malayo at dinadama ang malamig na hangin na sumasamyo sa kanilang mga balat..

  "Bukas na pala ang balik nyo sa Manila, diba?" pagbasag ng dalaga sa katahimikan.

  "Oo nga eh." tanging naitugon ni Gab sa tanong ng dalaga at muli ay nabalot ng katahimikan ang paligid.

   Nabaling naman ang atensyon ni Gab sa suot nyang relo at hindi nya inaasahang inabot na sila ng ganoong oras. Kaya nagsalita na ito at sinabi sa dalaga na,
  

   "Teka, Carla alas diyes na pala baka......"
Hindi na nito natapos ang sasabihin ng biglang.

  "Cccaarlaa.." ganun na lang ang gulat ni Gab ng biglang dumikit sa pagkakaupo ang dalaga sa kanya at kasabay ng biglang pagyakap nito sa kanya.

   " Magkikita pa ba ulit tayo Gab? “ mangiyak ngiyak nitong tanong habang nakasubsob sa balikat ni Gab.

   Hindi alam ni Gab ang kanyang gagawin at kanyang sasabihin ng mga oras na yun. Tila nag freeze ang buo nyang katawan sa biglaang pagyakap sa kanya ng dalaga.

At muling nagsalita ang Carla

  " Alam mo pakiramdam ko kahit ngayon lang tayo nagka kilala parang napaka espesyal mo na para sakin. Pakiramdam ko nga mahal na kita Gab." pagkasabi nya nito ay dun na tuluyang naiyak ito kasabay ng lalong paghigpit ng yakap nya kay Gab.

  Doon ay naglakas na ng loob si Gab na sabihin na rin ang kanyang nararamdan sa dalaga.

  " Ganun din ako Carla, pakiramdam ko mahal na rin kita eh . Parang ayoko na ngang umalis dito. Kasi ayoko ng malayo sayo. Hayaan mo't gagawa ako ng paraan para di na tayo magkalayo. Promise ko yan sayo."

    Dahan dahang inangat ni Gab ang mukha ng dalaga gamit ang kanang kamay nito at doon ay nagtama ang kanilang mga paningin ng mga ilang saglit.
   Sumunod naman ay ang dahan dahang paglapit ng kanyang mukha sa mukha ni Carla.

"Hindi na ako aalis , promise." malambing na sambit nito sa dalaga.

At dun ay marahang naglapat ng kanilang mga labi.  Isang maingat at puno ng pagmamahal na halik ang nagpapalitan sa kanilang dalawa ng mga oras na iyon. Kasabay ng mga hindi napigil na luhang umagos sa kanilang mga mata. Luha ng kasiyahan dahil sa isang magkaparehong damdamin na natuklasan ng bawat isa.

  Nang sa oras ng paghihiwalay ng kanilang mga labi ay napalitan naman ito ng mga mahihigpit na yakap mula sa bawat isa.

   Maya maya pa ay bahagyang umatras si Carla sa pagkakayap at hinarap ang binata.

" Totoo ba yung sinabi mo kanina? na hindi ka na aalis dito?" malambing na tanong ng dalaga.

" Oo Carla, ayoko na kasi mawala ka pa at gusto na kita laging nakikita. Kaya simula sa ar..." naputol ang pagsasalita ni Gab nang biglang takpan ni Carla ng kamay ang bibig nito.

" Kanina ka pa, 'araw ng araw' gabi na kaya ngayon." matawa tawang sabat ni Carla dito.

" Ay oo nga pala, sorry naman " at sabay pa silang natawa sa ka-kornihan nila.

                  (**"BUSET"😅😂😂**)

  Muling sumeryoso ang dalaga at nagtanong ulit ito.

  "Pero totoo ba talaga yun, seryoso ka ba Gab?"

  "Oo seryoso ako dun, mamaya nga eh susubukan kong kausapin sila Mama at Papa na dito na lang ako maghahanap ng bagong trabaho at dun muna ako kila tita pansamantala titira, para makasama pa rin kita" seryosong tugon ng binata.

" Hmm, sa tingin mo papayag kaya sila?" tanong nya sa binatang kayakap pa rin nito.

" Oo naman, hindi na rin naman ako bata noh, pwede na akong mag desisyon para sa sarili ko. Eh ikaw payag ka ba?"

  " Payag na ano?" takang tanong ni Carla.

  " Na maging girlfriend ko? "

Tumaas ang isang kilay nito sabay sabi na,

  " Nagkiss na nga tayo kanina eh." sabay bigay ng isang mahinang sampal sa pisngi ng binata.

" So it means payag ka na? "

" Gusto mo ng mas malakas ah" aamba nanaman ng isang sampal si Carla pero hinawakan na ni Gab ang palad ng dalaga.

" Sagutin mo muna kasi yung tanong ko." nakangiting tanong ni Gab

  " Oo na nga!! kulit mo" kasabay ng isang ngiti sa  kinikilig na si Carla.
  
   " Yun oh, pakiss nga ulit." sabay smack nito sa labi ng dalaga.

  Pagkatapos nun ay muli na silang yumakap ng mahigpit sa isa't isa na kalakip ang isang matamis na ngiti mula sa kanila mga labi.

  " I Love you Gab." ana ni Carla

  " Babe kasi dapat eh." sagot naman ni Gab

  " Ay sorry, I Love babe" pagulit ng dalaga

  " I Love you too babe."

    (****ayiieeh😂😂****)
    (****corny talaga****)

Biglang napabitaw si Gab ng pagkakayakap sa dalaga.

" Babe, kailangan mo na sigurong umuwi"  sabay nguso sa kinaroroonan ng bahay ng nobya.

" Halah oo nga" gulat na reaksyon ni Carla.

   Natanaw nila ang pagbaba ng isang lalaki at isang babae mula sa sinakyan nitong tricycle.

" Si Mama at Papa na yun, dumating na sila" sabi ni Carla

" Sige na babe uwi ka na baka hanapin ka nila, anung oras na din saka may pasok ka pa bukas diba? ."

" Oo nga babe, basta yung promise mo ha." paalala ulit ng dalaga sa kanya.

  " Yes babe, promise ko yan sayo. Love you babe, goodnight." sabay smack ulit nito sa nobya.

" Love you too babe, goodnight din.. "

  At saka hinatid na ni Gab si Carla kung saan ito dumadaan pauwi sa kanila.

  "Ingat ka bukas pagpasok mo sa work ah." huling habilin nito sa kasintahan bago pa lumakad ito papalayo sa kanya.
   
   " Sige babe, ikaw din ingat ka sa paguwi mo." paalala din ni Carla sa kanya

   At doon ay lumakad na papauwi sa kanilang tahanan ang dalaga at hindi naman umalis si Gab sa kanyang kinatatayuan hangga't di pa nito nakikitang nakarating na sa bahay nila ang kanyang nobya.
  
  Bago pa man makapasok si Carla sa bahay nila ay tumanaw pa uit ito sa kanya at kumaway. Ginantihan nya rin ito ng kaway hanggang sa isara na nito ang kanilang pinto. At doon lang sya nagsimulang maglakad papauwi sa kanilang tahanan.

  

Sum of ThreeOnde histórias criam vida. Descubra agora