Isang linggo din ang tinagal ng bakasyon ng pamilya nila Gab sa La Union, kaya isang linggo din silang nagkikita ni Carla tuwing sasapit ang gabi.
Nakakapag usap sila dalawa thru tex kung saan sila magkikita pag sapit ng gabi.
At dahil sa hindi kabisado ni Gab yung lugar eh lagi nyang sinasama si Kuhol.
------------
Nang sumapit na ang huling araw ng pagbabakasyon nila Gab sa La Union ay eto na rin ang huling araw na makakasama nya si Carla.
Medyo nakaramdam sya ng lungkot ng mga panahon na iyon dahil hindi nya alam kung kailan ulit sila magkikita ng babaeng unti unti na nyang minamahal kahit sa maikling panahon lang.
------------
Sumapit na huling araw ng bakasyon nila Gab sa La union at ang huling gabi na makakasama niya si Carla.
inaantay niya ang mensahe na sasabihin ni Carla kung nag aantay siya sa text message nito kung saan sila magkikita at sa anong oras.
At mga ilang sandali lang ay tumunong na ang kanyang cellphone at hindi sya nagkamali dahil si Carla nga ang nag nagtext.
"Gab dito ako sa kanto sa may puno ng sampaloc.
Labas ka wag mo na isama si Kuhol. Antayin kita ha"
Medyo nakaramdam ng tuwa at excitement si Gab ng mabasa ang text message ni Carla.
Dahil ito ang first time na makakasama nya si Carla ng silang dalawa lang at hindi kasama ang pinsan nyang si Kuhol.
Sa wakas ay masasabi nya na lahat ng nais nyang sabihin kay Carla, yung mga gustong nyang sabihin dito na hindi nya masabi sa tuwing kasama nila si Kuhol.
Agad na nag ayos ng sarili si Gab para maging presentable sya sa paningin ni Carla.
Pagkatapos mag ayos ay pasimpleng umalis si Gab ng bahay nang walang nakakapansin sa kanya at matagumpay naman nya naman itong nasagawa.
Sa di kalayuan ay natanaw na nito si Carla na nakatayo sa tabi ng sinasabi nitong puno ng sampaloc, nakatanaw na rin ito sa kanya at naka pinta sa mukha nito ang isang napakatamis na ngiti. Na sya namang naging dahilan na makaramdam ang binata ng kilig.
Nang makalapit na dito ay agad na niyaya sya nitong sumama at sinabi ni Carla na may pupuntahan daw sila na magandang pagtambayan.
Hindi naman nagdalawang isip sa Gab at sumama na ito sa dalaga. At doon ay nagsimula na silang dalawa sa paglalakad habang nag uusap.
"Buti na lang sinundo mo ako, kung hindi kasama nanaman natin si Kuhol" pagsisimula ni Gab
"Kaya nga eh, medyo naiilang kasi ako pag kasama natin yung pinsan mo".
"Oo nga, sinabi mo pa. Ang kulit kasi nun eh, epal."
"Kaya nga . Sya na lang halos ang nagkikwento hindi na tayo makapagusap na dalawa" sabay halakhak ng dalawa.
Muling nagtanong si Gab sa dalaga.
"Teka, kumain ka na ba? " tanong ni Gab sa dalaga.
" Oo tapos na ako. Ikaw ba? "
" Oo tapos na rin ako. Saan ba tayo pupunta? "
" Ah,, dyan lang tayo. Malapit lang sa bahay namin. Dun sa taniman ng Tatay ko." sabay turo ni Carla sa isang malawak na lupain malapit sa kinatitirikan ng kanilang bahay.
"Ah, ok. " at nagpatuloy silang dalawa sa kanilang paglalakad.
Nang makarating na ang dalawa sa paroroonan nila ay hinatak ni Carla si Gab sa braso at dinala nyan ito sa isang puno ng mangga, kung saan may mga upuan na kawayan ang naka pwesto sa ilalim nito at doon na sila umupo.
Napakaganda ng lugar na iyon. Yung simoy ng malamig na hangin na humahampas sa kanilang mga balat at walang ibang maririnig kundi ang tunog ng mga nagkikiskisang mga palay dahil sa hangin at ang ingay na nililikha ng mga kuliglig.
Tanaw lang ang bahay nila Carla sa kanilang kina uupuan dahil mga ilang metro lang ang layo nito mula doon.
----------------
" Hindi ba magagalit mga magulang mo kapag nakita nila tayo lang dalawa ang nandito.?" tanong ni Gab sa dalaga.
" Hindi naman, saka wala sa bahay sila Mama at Papa ngayon, umalis kasi sila. Pupunta daw sila sa bayan dahil may mga bibilhin daw sila. At sigurado akong gagabihin na yung mga yun" mahabang tugon ni Carla sa tanong ni Gab.
" Ahhh, buti naman" mahinang sambit ni Gab na sya namang narinig ni Carla at napatingin ito sa binata sabay taas ng kaliwang kilay.
" Anung buti naman? Ikaw ha, anung iniisip mong gagawin natin dito? Mag uusap lang tayo noh, baliw ka." sabay amba ng sampal si Carla kay Gab pero sa pabirong paraan.
" Luh grabe ka naman, di naman ako ganung lalaki. May respeto naman ako lalo na sa isang magandang dalaga na gaya ng nasa tabi ko. " sabay tawa ng nakakaloko nito
"Hmmpp talaga lang ha." at nadala na rin si Carla sa tawa ng binata kaya napatawa na rin ito.
Ayos lang naman sa kanila ang mga ganoong biruan dahil sa hindi naman na sila mga teenager.
Pareho na rin silang naghahanapbuhay at kapwa na rin sila nakapagtapos ng pag aaral.
Sa gabi lang sila nagkakaroon ng pagkakataon para magkita dahil sa umaga ay nasa work nito si Carla. Samantalang si Gab naman ay naka vacation leave ng mga panahon na iyon at nasa Manila naman ang kanyang trabaho.
Pero sa edad na iyon ni Carla ay never pa itong nakaranas ng mga katulad ng pribadong gawain na ginagawa ng mga magkasintahan o sa madaling salita, nanatili pa rin itong birhen. Lumaki kasi ito sa isang konserbatibong pamilya at saka halos lahat ng naging bf nya ay thru text at tawag lang sa phone. Nakikipag meet din sya paminsan minsan pero hanggang gala at may kasama sya palagi, never been kissed or even hug. As in gala lang talaga at tamang kwentuhan.
Di gaya ni Gab na may mangilan ngilan na ding mga karanasan sa mga naging gf nito sa Manila kaya medyo may pagka pilyo na rin ang binata.....
VOCÊ ESTÁ LENDO
Sum of Three
RomanceHindi akalain ng mag asawang Gab at Carla na hahantong sila sa isang bagay na hindi normal na ginagawa ng isang mag asawa. Nang dahil sa isang pagsubok ay nabago nito ang kanilang pagsasama. Ngayon ay nasa yugto sila ng kanilang buhay na pinili at...
