KABANATA 8

12 0 0
                                    

"WHAT the hell?!" Gulat na sigaw ni Cayden. Sabay kaming napayuko.

Agad akong lumingon sa likuran while still focusing on driving. May nakita akong itim na Van na nakasunod sa amin!

"F*ck!"

"Sigurado ako, mga tauhan 'yan ni Alvarez! Balak nila tayong patayin!" Cayden said.

Agad kong kinuha ang dalawang baril sa dashboard. Good thing, may bala.

"Here,"

"What are we gonna do?" Cayden asked.

"Marami sila, hindi natin sila kakayanin!"

"Then let's ask for help! Ayoko pang mamatay!"

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Bumilis din ang takbo ng sumusunod na sasakyan.

Walang masyadong dumadaan na mga sasakyan sa kalyeng ito dahil medyo malayo sa highway. Mukhang alam na alam iyon ng kung sino man ang may pakana ng lahat ng ito!

Napayuko kami ng sunod-sunod na nagpaputok ang nasa likuran. Nabasag ang windshield sa likod ng sasakyan ko

"Oh f*ck!" Daing ni Cayden.

Hinanda ko ang aking baril at nagpaputok ng ilang beses.

Bumilis ang takbo ng kabilang sasakyan.  Halos tumama ang ulo ko sa manibela nang bungguin nila ang bumper sa likuran ng sasakyan ko. Agad na pumantay ang sasakyan nila sa sasakyan namin.

Nagpakawala sila ng bala ng ilang beses. Pareho kaming napayuko ni Cayden. Sunod-sunod ang pagkabasag ng magkabilang salamin ng bintana sa tapat namin pareho.

"Mukhang katapusan na natin 'to!"

"Damn it!"

Napadaing ako ng maramdaman ko ang pagtama ng bala sa kanang balikat ko nang muling magpakawala ng bala ang kabilang sasakyan.

"F"ck!"

"Holy sh*t, bro! May tama ka!"

Natigilan kami pareho ng marinig ang sunod-sunod na putok galing sa likuran. May sumusunod na dalawang itim na SUV! Sunod-sunod ang pagpapakawala nila ng bala para sa kabilang sasakyan samantalang nasa amin parin ang paputok ng kabilang sasakyan.

Mabilis kong kinabig ang manibela at bumangga iyon sa poste ng kuryente sa gilid ng kalsada.


IT'S been two days since Lance got shot. At hanggang ngayon hindi parin siya nagigising. Pero ang sabi ng Doctor stable na daw ang kalagayan niya.

I saw kung paano sumalpok ang sasakyan nila sa poste. Sobrang lakas ng impact no'n!

Ilang minuto akong hindi nakagalaw sa loob ng aking sasakyan when I saw what happened to their car! Nanghihina ako! My knees was too weak to even move a bit! Ganun din ang mga kamay ko na nanatili sa manibela nanginginig! Gulong-gulo ang isip ko! And I don't know what to do! My heart was pounding so hard! Parang bumalik ang trauma ko sa nangyari nine months ago noong araw na 'yon!

Nandito ako ngayon sa loob ng silid ni Lance at pinagmamasdan ko siya habang walang malay. Para lang siyang natutulog ng mahimbing. Ang amo ng kanyang mukha kapag natutulog pero kapag gising…

Naramdaman kong bumukas ang pinto hudyat na may pumasok. Agad akong lumingon. Si Mrs Gallego.

"Good Morning, Madame." Bati ko sa kanya. She then smiled at me sweetly.

"Good morning, Hija." She greeted me back. I smiled.

Noong sinugod si Lance dito, agad ko silang pinatawagan kay Maia. To inform them what happened to their Son.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Nov 18, 2022 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Waves After Waves ( Love Of Attraction Series 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora