Kahit anong maging desisyon ni Sam. She was going to keep the baby. Hinaplos niya ang tiyan niya gamit ang kaliwa niyang kamay.

"G-Gusto mo bang ipalaglag ko ang bata?" Nanginig ang boses niya nang itanong iyon. Her lips are trembling pati na ang kamay niyang hawak nito.

"God, no!" Sam lifted Amelia's chin and searched her eyes.

Nag init ang sulok ng mga mata niya. Tila may humaplos na mainit na kamay sa dibdib niya dahil sa sinabi nito. Hindi din pala nito kayang ipapalaglag ang bata kait si Christian pa ang ama. Hindi niya din kasi alam kung kakayanin niyang ipalaglag ang baby niya kahit pa sabihin ni Sam. Maybe they'll have to part ways if that ever happens.

Umiling ito. "Amelia. I know how much you wanted a child. Nalulungkot akong si Christian ang naging ama niya but other than that. I am glad na magkakaanak ka ulit. Matagal mong pinangarap yan. I don't want you to be unhappy. You have plenty of that with Christian."

"So are you willing to be part of this family with me, Samantha?"

Tumulo ang luha sa mga mata niya. Naninikip ang dibdib niya dahil sa sobrang saya. Sam is so understanding. Para siyang nakakita ng ginto sa katauhan nito. Yes. They have different opinions before at hindi sila magkasundo but now that she got to know Sam and watched her grow and become a better version of herself. It's all worth it.

Baka kaya sila pinag tagpo ng tadhana ay dahil may matutunan sila sa isa't isa.

Sam thought her to choose her happiness and herself. Inalis siya nito sa sitwasyong dahilan ng kalungkutan niya at pag durusa. Ito naman ay para maging mas mabuting tao at mahanap ang sarili nito.

Sam opened her mouth for a moment and wetted her lips. Saglit itong tumitig sa mga mata niya. Those hazel eyes became glassy at alam niyang anumang oras ay iiyak ito.

She waited for Sam to say something. Hindi siya humihinga habang inaantay ang sagot nito.

Tumulo ang luha sa mga mata nito pero hindi niya inaasahan ang pagtango nito.

"I am if you are willing to make me a part of your life, Amelia."

Her heart started to beat faster. Sa sobrang saya niya ay parang hindi siya makahinga. Sam made her the happiest person in the world dahil sa sinabi nito. Hindi niya na napigilan ang sarili niya at kinabig niya ito para yakapin. Nag init ang sulok ng mga mata niya sa sobrang saya. Her tears started to fall from her eyes but she knew it was a happy one. Sobrang tumaba ang puso niya sa buong pag tanggap nito sa kanya.

"Thank you, Sam.I love you so much." Humikbi siya sa balikat nito. Hindi niya akalain na matatanggap nito ang baby niya kay Christian. Sam deserved so much more from her. Gusto niyang bumawi dito.

Bahagya itong lumayo sa kanya para makita ang mukha niya. Lumamlam ang mga mata nito. "I love you too, Amelia."

Amelia smiled suminghot singhot siya dahil tumutulo na din ang sipon niya. Sam shook her head and smiled gently at her. Kumuha ito ng panyo sa bulsa at pinunasan ang luha niya. Nang masigurado nitong tuyo na ang luha sa mukha niya ay ibabalik na sana nito ang bulsa nito ang panyo. Pero kinuha niya iyon dito at siya naman ang nag punas sa mukha nito.

Sam gently put her hands on Amelia's stomach. Ngumiti ito sa kanya. "I will accept this child as mine. So wag ka nang mag alala. He or she is a part of you Amelia. Sana sayo siya mag mana."

Sa sinabi nito ay napangiti siya. "You wouldn't want the child to have my stubbornness, Sam."

Umalog din ang balikat nito sa pag tawa. "But I am not thinking about your stubbornness, Amelia. I am thinking about your forgiving nature, ang pagiging mapagmahal mo. You always give your all to the person you love and that's an admirable trait. Madami pa akong gustong sabihin pero baka maging corny na."

Pinangigilan niya ang pagyakap dito. Sam makes her toes tingle in a good way. Tila kinikilit ang tiyan niya sa pag lipad ng mga paroparo doon. She like being engulf in Sam's embrace.

Napapikit sya ng mga mata niya para damhin ang init ng katawan nito. They stayed that way hanggang sa muli itong nag salita.

"Amelia... I am going abroad next week. May problema ang kumpanya doon at kailangang ayusin. Hindi kita pwedeng isama kasi paano naman ang kumpanya mo? Isa pa I don't want you to worry habang andun ako. Kawawa ang baby. Gusto ko maging healthy ka at alagaan mo ang sarili mo."

Napangiwi siya. Hindi niya pa nasabi dito na balak niyang magbakasyon at ipaubaya kay Vincent ang kumpanya for a while habang nag papahinga siya. She already knows how fragile her pregnancy is. Nagpa check-up na siya sa doktor at mahina nga daw ang kapit ng bata kaya kailangan niyang mag ingat. But that would be next next week. Hindi tuloy siya makakasama pag punta nito sa ibang bansa.

"Ilang araw ka doon?" Hinaplos niya ang mukha ni Sam.

Sam leaned into her touch and held her hands na nasa pisngi nito. "Hanggang sa matapos ang problema doon."

Kumunot ang noo niya. "Ano bang nangyari?"

"The employees started to resign. Bultuhan sila kaya napilayan ang operations doon. I need to know the real reason. Para kasing may hindi sinasabi ang manager doon."

"Walang written report?"

"Meron pero wala akong tiwala sa report. It just said na may nahanap na ibang mas maganda opportunity ang mga nag resign but I doubt it. Kailangan ako mismo ang pumunta or we'll lose the company there. Isa pa naman yun sa nag bibigay ng malaking kita sa kumpanya."

Amelia sighed. "Sayang mag b-bakasyon din sana ako. But that would be 2 weeks from now. May inaasikaso pa kasi si Vincent. Kaya hindi ko pa maiwan ang obligasyon ko sa kumpanya. Gusto ko sanang si Vince muna ang mag take over habang wala ako."

Hinaplos nito ang buhok niya. "Ok lang. Sumunod ka na lang after 2 weeks."

Amelia bit her lip. Gusto niyang sumama kay Sam dahil hindi siya kumporme na malayo ito. She wasn't there para maasikaso ito. Pero wala naman syang magagawa dahil kailangang gawin iyon ni Sam. Sana lang ay walang mangyaring masama dito. 



--------------------


A/N: Feel free to comment and vote po. Thank you. I appreciate it very much. ^^

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now