CHAPTER 67

1.2K 90 24
                                    

"Boss? Ayos ka lang ba?"

Bridgette entered the office at nakakunot ang noo na nagpalipat lipat ang tingin nito sa kanila ni Sam. Paaanong hindi eh kanina pa pulang pula ang mukha ni Sam. Kada lilingon ito sa kanya ay namumula ang pisngi nito.

8:30 ng umaga si Bridgette pumasok pero hanggang ngayon ay parang hindi pa din makatingin si Sam sa kanya without blushing. Ito kasi ang kinain niya kanina bago niya tikman ang malamig na kape at kumain ng cheese burger.

"Don't mind me. Ayos lang ako, Bridge. What's the agenda for today?"

Tiningnan niya ang dala dala nitong schedule niya.

"Well, may meeting po kayo sa isang negosyante na nag p-propose na maging associate ng hotel sa pag lilinis ng mga kubre kama at bed sheets. They are offering lower prices for the laundry. Compared to the other company."

Tumango siya sa sinabi nito. "Thanks, Bridgette. Anything else?"

"Mga meeting po with the Head Admins and other managers."

Amelia sighed. She wanted to take some time off with Sam. Gusto niyang gumawa ng business trip para maiwasan si Christian hangga't hindi niya pa nasasabi dito ang plano niya na makipag divorce.

"Cancel all my meetings. I want them to have a business trip with me. I need to share my knowledge with the managers and the head. But about that laundry corporation. I'll talk to them this lunch. Call them. I'll let Sam accompany me."

Lumingon siya kay Sam na nakatutok lang ang atensiyon sa computer nito. Hindi niya pa din maiwasang mapangiti. But she made her face serious para naman hindi makahalata si Bridgette na may ginawa silang milagro ni Sam sa loob ng office. Mabuti na lang talaga at may humidifier at air freshness spray sa opisina niya.

"Sam. Go with me with that 1-week business trip. Marami kang matututunan. I promise." Muli siyang kumindat at napalunok ito ng laway.

Hindi ito nakakibo for a while. But Sam bit her lip and nodded her head afterwards. Amelia couldn't help but smile dahil namula na naman ang mukha nito. Hindi siguro nito inaakala na gagawin niya ang first move. Ito kasi ang madalas na mag initiate. But when she took the lead ay hindi iba din pala ang epekto dito.

"Hay, lovebirds. Masyadong malagkit. I'm going out for a bit, Boss." Bridgette playfully rolled her eyes at them. "Gagawin ko na ang mga reports at ang memo. Call me if you need anything. Though I doubt na meron ka pang kailangan sakin, Boss. It seems that Sam already has your coffee and newspapers."

After saying that ay lumabas na si Bridgette. Sam blushed again. Akala niya madalas itong walang reaksiyon but its cute that Sam can only do that expression when she's around.

"Sam."

"Hmm?"

"Let's have lunch with Mr Hernandez and visit your father."

Hindi niya pa kasi natatanong dito kung kamusta na ang Dad nito. Sam bit her lip and nodded her head. There was worry and sadness in those hazel brown eyes and she couldn't help but worry too. Kahit hindi niya itanong dito. There was something off with Sam's facial expression.

She bit her lip and stood up. Ayaw niyang makita ang pag aalala at lungkot sa mukha nito. Nilapitan niya ito at hinaplos ang pisngi. "What's wrong, Sam?"

Pumikit ito saglit. "M-My father is not waking up. After that incident with the overdose and someone trying to kill him. T-There is a problem with the company too."

Kumunot ang noo niya. "Hindi ba nalaman ng mga doctor kung anong klaseng gamot ang itinurok sa kanya?"

Anong problema sa company ang pinoproblema nito? She thought it would be given to Sam once she completed the clause agreement of the contract.

Umiling ito. "It was too late to know what kind of substance it is. The chemicals already mixed in his blood. He can't change the clause of the contract he made with you. Pero mabuti na lang at tinanggap mo pa din ako dito. So it solves that problem. Kailangan lang ay maunahan ko ang Vice-President ni Dad sa mga plano niya."

"Vice-President?"

Tumango ito at muling hinilot ang ulo. "Yes, pero ako na ang bahala sa kanya I can handle him."

Hinaplos niya ang ulo nito. "I wished I could do so much for you, Sam."

Kung sino man ang Vice-President na iyon ng Del Rio's Enterprise ay humanda ito kapag nalaman niya kung sino ito. She doesn't want anyone to take away what is Sam's rightfully.

"Honey?"

Kumunot ang noo ni Amelia at napalingon siya sa pintuan nang may kumatok doon. Tila nagulat pa si Christian nang makitang nakaupo siya sa lamesa ni Sam. She slowly took her hands away from Sam's table and stood up.

She internally groaned.

Akala niya pa naman ay makakatakas siya dito.

"Christian?"

Saglit niyang sinilip ang mukha ni Sam. She saw disappointment there.

Damn it. Nasisira ang araw niya dahil kay Christian. As well as Sam's. Akala niya pa naman ay nakatakas na siya kaninang umaga.

He flashed her a smile. "Let's have lunch?"

Amelia couldn't help the smile that made its way to her lips. Mabuti na lang at may excuse na siya sa pag aya nito.

"Sorry, Hon. I have a lunch meeting with Mr Hernandez. He is a potential partner. I can't compromise that. I'll have Sam with me."

Ngumiti siya kay Sam but the latter didn't look at her. There was clearly an irritation in Sam's face pero dahil nakayuko ito at nakatutok sa computer nito ay iisipin ng iba na baka naiinis lang ito sa tinititigan nito. Kaya naman ibinaling na lang niya ang tingin kay Christian.

Mamaya niya na susuyuin si Sam.

The disappointment was written on his face when he looked at them both. Christian sighed. "Alright. Mamayang hapon na lang kita susunduin."

Agad siyang umiling. "I can manage. May dadaanan pa ako mamaya Christian. No need for you to fetch me."

His mouth formed into an 'O'. "S-Sigurado ka ba?"

"Yes."

Lalapit pa sana ito sa kanya para halikan siya sa labi but she pushed him away and looked sideways at Sam's way. Indicating that she doesn't want him to kiss her with Sam around. Napabuntonghininga ito.

"I'll be going then." Tumingin pa ito saglit kay Sam na hindi talaga tumingin sa kanilang dalawa for the entire time.

Amelia watched his back disappear behind the door and turned to look at Sam.

"Sam..."

"Ano?"

There was irritation in Sam's voice and she knew right away what the younger Del Rio felt.

Napayuko siya. "I'm sorry. Hindi ko alam na pupunta siya dito. But promise once I got the divorce paper. Hindi mo na siya makikitang kasama ako."

Ginagap niya ang mga kamay nito. Sam's lips became sulky. Hindi ito kumibo sa sinabi niya. Akala niya pa naman ay maganda na ang umpisa ng araw nila. But Christian ruined it all.

"Sam.... I'm sorry. Please... Hindi ko naman hinayaang mahalikan niya ako. Ni hindi niya nga ako nahawakan. Patawarin mo na ako."

Umiling ito at yumuko. "Wala ka namang kasalanan. Bakit ka nag s-sorry?"

"Nasaktan ka dahil andito siya. And I couldn't do a damn thing about it dahil kasal kami at wala pa sakin ang divorce paper." Amelia bit her lip. "Sana ay makapag antay ka pa sakin, Sam."

Hindi ito kumibo. So Amelia sat on Sam's table and put her head on Sam's shoulder. Kahit ayaw niyang masaktan ito ay hindi niya ma-kontrol si Christian. Hindi niya din kasi akalain na pupunta pa ito ngayong araw. Sana ay nasabihan niyang hindi na nito kailangang sunduin siya at sabayan sa lunch araw araw.

She can clearly see that he was making an effort and it was the one thing that made things complicated for her. Ang isang bagay lang na hindi niya pa din kayang gawin ay masaktan din ang asawa at naging bestfriend niya. She wished she could just disappear right at that moment. Feeling niya ay nasa pagitan siya ng dalawang batong unti unti siyang naiipit. 

Seducing Samantha Del Rio - CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora