Simula

13.4K 121 33
                                    

"Ito lang? Sa dami mong uno sa card, bakit nagkaro'n ka ng isang isang tres?!" bulyaw sa'kin ni Mama, halos mapigtas na ang ugat niya sa leeg.




Nagsimula akong manginig dahil sa kaba, napayuko ako.




"S-sorry, pero kahit naman 'yung iba kong kaklase mababa riyan k-kasi sobrang hirap." palusot ko.




"Wala akong paki sakanila, Ishi! Napakadali lang ng subject na iyan!" dagdag niya pa.




Masiyadong mataas ang expectations niya sa'kin. Noong nag-aaral pa siya, sa sobrang talino niya ay nilalaban na siya sa iba't-ibang schools, ang iba naman ay palarong pambansa at iba pa.




Sa kasamaang palad, nabuntis siya noong siya'y sixteen years old.




Kinakahiya niya ako madalas kapag magkasama kami dahil baka isipin ng tao ay ang aga niya lumandi, which is true. She will not get pregnant if she's not.




"Iigihan ko pa po sa susunod." sabi ko. College life is draining, it's not easy at all.




"Dapat lang, sayang ang pinang-aaral at pino-provide ko sa'yo! Ugh, nakakairita!" umirap siya at tumayo, pumunta na sa kwarto niya.




Tumulo na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan, hindi ako sanay sa mga salita niya dahil hindi naman ako lumaki sa kaniya.




Hindi ko kasi alam kung bakit mahina ang memorya ko pagdating sa nakaraan. Kung minsan nga'y makakalimutan ko na ang nangyari kahit one hour ago lang ang nakalipas. Tanging ang pagsasama lang namin ni Keiru ang hindi, ewan ko ba! Ganito ata pag inlove?




Sinend ko sa Lola ko ang picture ng grade ko upang malaman ang reaksyon niya.



From : Lola bakekang.

Ang tataas apo! Kung nandito ka lang nag RC na tayo!




Napangiti ako sa reply niya. At least, I made my lola proud.




Business management ang kinuha ko sa college. Nang lumipat ako dito sa tarlac ay nawalan na'ko ng kaibigan, miski ang old friends.




I sighed and opened my cellphone to text my three years boyfriend.




Ishivaiah

I'm doomed, hru?




He immediately replied.




Keiru Elvier

Why? What happened? I'm fine baby.




Pumasok ako sa kwarto at umupo sa gilid ng kama.



Ishivaiah

Nagkaroon ako ng tres, she's mad as hell.




Sinend ko ang picture ng card ko sakaniya, he also used to crave for academic validation.




Keiru Elvier

Wow, uno straight! Let's celebrate, love.




I sighed, bolero talaga ang lalaking 'to.




Ishavaiah

Okay, let's celebrate.




Pinindot ko ang send button.




Keiru Elvier

Congrats, my future CEO.




Napangisi ako sa reply niya.




Under the Warmth of Vengeance Where stories live. Discover now