Chapter 2-II

7 1 0
                                    

"Mommy! Mommy!" sigaw ng baby ko habang tumatakbo papunta saakin.

"Welcome home, mommy!" niyakap niya ako.

"How's your day, my Ajing?" i asked.

"It's good, Mommy! Tito Noah taught me how to play broom broom game." my son responded.

"Baby, it's called a car driving game not broom broom game, okay?"

I'm teaching my son how to say or pronounce words correctly. I don't want him to just say baby words baka hanggang paglaki niya ay ganoon pa rin ang tawag niya sa mga bagay-bagay.

"Where's tito na?"

"Nag-buy po ng foods, Mommy. That's why i read books nalang."

"Okay, bihis lang si mommy."

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na rin ako ng kwarto, sakto ay andito na rin si Noah.

"Uy ate! Andito kana pala?" tanong ng kapatid ko.

"Ngayon-ngayon lang. Teka bakit parang puro matamis 'yang binili mo?" tanong ko. Tinitingnan ang bag niya na halos lahat ay chocolates at candies.

"Ahh-ehh ano... wala 'to! Ako kakain nito!" depensa niya.

"Tito i thought that was for me? You said you'll just buy candies and other snacks for me basta i won't tell mommy." sabat ng aking anak.

"Noah? Anong sinabi ko?"

"No too much sweets for Aji."

"Eh ano 'yan?"

"Minsan lang naman, ate. Very good naman si boy Aji, pagbigyan mo na."

"Okay," pag sang ayon ko. It's true, my baby is a very good baby boy and he deserves rewards for that.

"Ngayon lang 'yan." paalala ko.

"Yes, Mommy!"
"Yes, Master!" sabay nilang sambit.

Nagluto ako ng dinner, i cooked adobo my baby and baby brother's favorite dish.

"Wow! 'Yan ang gusto ko! Adobo!"

"Oo, hilig mo rin sa mag a-abogado, e."
pang aasar ko.

"Luh, hoy hindi. Sila ang mahilig saakin." depensa ni Noah.

"Wow, Adobo! Thank you, mommy!" sambit ni Aji at yumakap saakin.

"Let's eat na," aya ko sa aking dalawang baby.

Pagkatapos naming kumain ay pinaliguan ko muna si Aji at saka pinatulog habang si Noah ay pinaghugas ko ng pinggan.

"Hoy, may sasabihin ako sa 'yo."

"Ano 'yon, Ate?" sambit ni Noah at umupo sa counter seat.

"Nagkita kami ni Gethro."

"Oh? Si Kuya Geo? Gagi?"

"Oo nga."

"Alam na niya yung... kay Aji?"

"Pustahan hindi pa 'yan." dagdag ni Noah.

"Hindi pa nga, how can i tell him? Nawala siya ng parang bula pagkatapos susulpot para manghingi ng tulong? And this is about Lore, i can't refuse."

"Kay Gale!? What happened!?"

"She got sexually assaulted."

Nagulat ako nang biglang napatayo si Noah.

"What the fuck!? Who did it to her!?"

"I don't know, bukas pa kami mag u-usap nang maayos. I guess i'll tell him about my son when Lore's case is done."

"I hope Gale's okay, bring the right justice for her, Ate. Hindi niya deserve 'yon, kung hindi ko lang sana siya hinayaan, " Noah said with a sad tone.

"Growth can be done together or individually, Noah. In your case, you need to grow by yourself first." i said.

"Alam mo kung bakit? May mga bagay na kailangan mo munang matuklasan nang mag-isa ka lang, nang sa ganon ay kapag nagtagpo kayo ulit ni Gale ay puwede mo nang i-share sakaniya ang mga natutunan mo during those times that you're alone." dagdag ko.

"Nag mala midnight rain kasi ako, e. Hayy sana maging maayos siya kahit papaano... kahit wala ako." sambit ni Noah na may bahid ng pag aalala.

"Ayun lang sasabihin ko sa 'yo, Noah. Keep my words in your mind. Goodnight, bro." paalam ko saka hinalikan ito sa tuktok ng kaniyang ulo.

Hahakbang na sana ako paakyat sa kwarto nang biglang magsalita ang kapatid ko.

"Wait, ate," pigil nito saakin.

Nilingon ko siya. "Hmm?"

Saglit niya akong tinitigan. Titig na may halong pag aalala at awa. "Please 'wag mong ipagkait si Aji sa tatay niya. The way you tell me "I'll tell him about my son" parang inaangkin mo lang si Aji, eh." turan ng aking kapatid. Nararamdaman ko na ang pag bagsak ng luha ko, pinipilit kong pigilan ang paglabas ng mga ito.

Hinawakan ni Noah ang kamay ko. "He's still Aji's father, 'wag mo sanang sarilihin si Aji. 'Wag mo sana silang pagkaitan, Ate. Keep my words in your mind too, Hermana." dagdag niya.

lumapit siya saakin at niyakap ako. "I love you, Ate." inaalo niya ang aking likod. Tuluyan ng tumulo ang mga luhang pilit kong pinigil.

"I love you too, my first baby." i replied as i hug him back.

*****

nakapag update rin whwhwhwhwh it's been awhile, welcome back em

String PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon