Prologue

39 5 0
                                    

⚠️ Trigger Warning ⚠️

mentioning sexual and physical abuse. It might be sensitive for the some readers, feel free to skip.

Tapos na ang lunch break, i just ate my packed kimchi rice and cookies. Nabusog ako nang sobra kaya parang bumigat ang talukap ng mata ko at ramdam ko na ang antok. Iidlip muna ako.

Papikit na sana ang mga mata ko nang biglang kumatok ang sekretarya ko.

"Pasok." saad ko habang nakapikit ang mga mata.

Dumungaw siya sa pinto. "Attorney, good afternoon po. Tumawag po si Sir Kelvin. May importante raw po na sasabihin sainyo kaso di niya raw po kayo ma-contact." imporma niya.

Iminulat ko ang mata ko at chineck ang phone ko.

Hindi talaga ako maco-contact dahil pinatay ko ang phone ko. Kinukulit nanaman kasi ako ni Mauri.

Unti-unti kong dinilat ang mata ko. "Thank you, Mage." pasasalamat ko habang ina-abot ang phone ko sa bag.

Bago pa ito maka labas ay nagsalita ako. "Mag lunch kana, hindi kita nakita sa cafeteria kanina."

"Maka-kaalis kana."

"Sige po attorney, una na po ako." sabi nito bago isara ang pinto at umalis.

Nang mabuksan ko ang telepono ay agad bumungad ang mga messages at missed calls na halos lahat ay mula kay Mauri.

Meron ding missed calls si Kelvin pero i-ilan lang.

Pinasawalang bahala ko na lang ang missed calls ni Mauri. Mangungulit lang 'yan o mag aaya mag date kasama si Kelvin.

Paano ko nalaman? Dalawa ang number ni Mauri. May pang trippings, may pang emergency.

Ria, Mananarantado lang

Rie !😍
Rieeeeeee !!🤩🥳
Thanjaaaa🤔🧐
Hoy !!!👺👹
Namu tlga !!🖕😡🖕
Ene-egknorr chicken mo na aq ha☹️🔪
O🗝️ 🫁

Nickname palang, alam ko na. Halata naman sa nickname niya ano? She can be extra weird sometimes talaga. Buti nalang kaibigan ko 'to.

Agad ko namang tinawagan si Kelvin para itanong ang kailangan niya. Tatawag lang naman 'yan kung may kailangan saakin, bagay talaga sila ni Mauri.

Hinanap ko ang number ni Kive sa contact ko. Nang mahanap ay agad ko siyang tinawagan.

Sumagot siya agad. "Hello, Kive? Pasensya na naka off ang phone ko." bungad ko rito.

"Ayos lang, mabuti nga at alam ko number ng secretary mo hahaha."

"Ano nga pala ang sasabihin mo?" tanong ko.

Tumigil siya nang ilang segundo, parang nag da-dalawang isip sa sasabihin. "Libre kaba ngayon? Kung pwede sana magkita tayo ngayon." sagot niya.

"Free naman ako ngayon, saan ba?"

"Sa Ajavis nalang, tutal malapit lang naman ata 'to sa office mo."

"Natawagan mo na ba si Mau-"

Biglang bumukas ang pinto ng office ko. Napatingin ako rito. "Hi, my pretty gorgeous Rie! Aga ko today 'no? Konti lang ang patients at hindi ka kasi sumasagot sa mga texts ko!" sumisigaw na bungad niya nang makapasok sa office ko.

Lumapit siya saakin at bahagyang hinampas ang table ko gamit ang dalawang kamay.

"Club hopping tayo later," masayang sabi ni Mauri bago umupo sa upuang kaharap ko.

String PromisesWhere stories live. Discover now