Chapter 1-I

29 5 1
                                    

Flashback

"Avis!!! Hintayin mo naman ako!!" sigaw ko kay Geo na mas gusto kong tinatawag na Avis. Ang cute kasi pakinggan hihi.

"Hoy ano ba? Sabing hintayin ako eh." inis kong sambit dito.

Bumagal nang kaunti ang lakad niya.

"Hindi ko naman kasalanan na mas mabilis akong maglakad sa 'yo" saad nito na tila ba nang aasar.

"Blah, blah, blah, halika na nga pumasok na tayo." sambit ko sabay hawak sa braso n'ya at lumakad na.

Papasok na kami ng paaralan nang bigla s'yang tumigil at tumingin saakin.

"Aja, Hindi muna ako sasabay sa 'yo umuwi. Kikitain ko kasi si Ysco. Kakauwi n'ya lang ng Pilipinas." saad niya.

Iyon naman pala, eh. Pero bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa 'to?

"Hoy ba't gan'yan ang nukha mo? Ano kaba ayos lang 'yon. Long lost bestfriend mo 'yon e." hinampas ko ito sa braso.

Guilt is visible on his face. "Smile na Avis!" saad ko habang pilit na pinapangiti siya gamit ang daliri ko.

Ngumiti naman ito. "Eh hindi kita maiha-hatid pauwi. Sumama ka nalang kaya?"

"Ha? Ayoko 'no, mag pa-pasundo nalang ako sa driver. Enjoy kayo ni Ysco." sabi ko sabay ngiti.

Pumasok na kami sa room at umupo na. Dumating na ang guro namin at nagsimula na ang klase.

Arggh school is so exhausting! I'm loaded with schoolworks, napapagod na'ko.

Nag break time na pero hindi kami nag sabay ni Avis kasi may pupuntahan daw siya.

Pero hindi na bumalik si Avis para sa afternoon classes namin.

Saan naman kaya nagpunta ang lokong 'yon? Lagot talaga siya kay tita, isusumbong ko siya.

Dismissals na, andito ako sa waiting area sa labas ng school, hinihintay ang driver namin para sunduin ako.

"Thana!! Thana!!" dinig kong sumigaw ng pangalan ko.

Nilingon ko ito. Si Avis! Pero bakit basa siya?

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit basa ka?" tanong ko sakaniya.

"May babaeng humahabol sa 'kin, binuhusan pa nga ako ng isang timbang tubig. Grabe baliw na ata ang babaeng 'yon!" hingal niyang sambit.

"Hoy lalaking mukhang hito!!!" sigaw ng babaeng hindi ko kilala. Baka siya ang babaeng tinutukoy ni Avis?

Pumunta si Avis sa likod ko, hinawakan ang mga balikat ko para magtago. "Ano ba babae?! Tigilan mo na ako, sabing hindi ako ang umapak sa sapatos mo." sambit ni Avis na halatang naiinis na.

"Anong hindi?! Ikaw lang ang may ganiyang footprint sainyong dalawa ng kasama mo kanina!" tinuro niya ang sapatos ni Avis.

"Ako ba gina-gagi mo?!" sigaw nito, galit na galit pa rin.

"Uhhm excuse me, andiyan na ang sundo ko. Pwedeng padaan?" sambit ko sa babae dahil nakaharang siya sa pinto ng sasakyan.

"Aja, iiwan mo 'ko rito kasama ang babaeng torotot na 'to?" tanong ni Avis saakin, tiningnan ko naman ang babae na tila mas lalong nagalit.

"Anong babaeng torotot? Aba gago pala 'to e." galit na sambit ng babae na umaamba na ng suntok.

Bumaling saakin ang babae. "Ate, paki sabihan naman ang boyfriend mo. Galing sa mommy ko ang sapatos na 'to, kaya espesyal ang sapatos na ito. Tapos aapakan lang ng mokong mong boyfriend." galit na may luha na sambit nito.

"Iniingatan kong hindi 'to madumihan tapos aapakan lang ng walang 'yang na 'to!?" dagdag pa nito. Tinuturo si Avis.

She looks nice. Espesyal siguro talaga para sakaniya ang sapatos na 'yon kaya ganoon siya mag react.

Tinuro niya ang sapatos niya. "Tingnan mo ate, ang dumi dumi na" sambit niya habang umiiyak na.

Binalingan ko ng tingin si Avis. "Avis, mag apologize ka. Kilala ko ang mga sapatos mo, foot print mo 'yan." sabi ko sabay turo sa sapatos ng babae.

Tiningnan pa muna ako saglit ni Avis bago magsalita. "Okay." pagsuko niya.

"Miss, I'm sorry for stepping on your shoes. I didn't see your foot because we're running." paghingi ng tawad ni Avis.

"Do you want me to clean it?" tanong niya sa babae.

Mukha namang kumalma nang kaunti ang babae at nagpunas na ng luha.

"No, it's fine, all i want is your apology." sagot nito.

"Sorry lang naman ang hinihingi ko, ide-deny mo pa ang ginawa mo, eh." dagdag pa nito saka inirapan si Avis.

Bumaling naman saakin ang babae.

"Ate, thank you. Kung hindi mo siguro sinabihan itong hito na 'to hindi pa mag so-sorry 'to."

"He's lucky to have you" sabi ng babae bago niya ilagay sa kamay ko ang isang bracelet.

Nagtataka ko siyang tiningnan. "What's this? I mean for what?" tanong ko sakaniya.

"Mukha kang mabait, i want you to be my friend. Can you? Please?" she said with a puppy face in her face.

"Uhm... sure...why not? since wala rin naman akong friend na girl sa school." sagot ko sakaniya.

"Thank you for this. What's your name, by the way?" i ask.

"Mauri Hadria Victorel, Junior, student from section B." she introduced herself and smiled.

"Nice meeting you, Mauri. I'm Thanja Naverie Valiarde." i introduced myself with a sweet smile.

"Tara na, Aja. Uwi na tayo." sambit ni Avis at tinapik nang bahagya ang balikat ko. Ipinasok na pala niya ang mga bag namin sa sasakyan.

Binalingan naman niya ng tingin si Mauri.

"Gethro Mavis Gallevaz, junior highschool student, section A. Same section kami ni Thana." pakilala niya sa babae.

"Sorry for what happened earlier, i'm gonna treat you lunch some time nalang?" tanong niya.

Tumango lamang si Mauri at ngumiti. "Sure!"

"Bye Naverie, bye Mavis! Ingat kayo!" sambit niya habang kumakaway bago tumakbo pauwi.

She's interesting and jolly. I hope she's the type of promise fulfilling person.

I love her.

◍◍◍◍◍

Advance sa next new year ang bunganga ni Mauri. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

String PromisesWhere stories live. Discover now