KABANATA V

13 0 0
                                    

Hinatid ni Eric, ng stepfather si Sam sa kanilang paaralan.

"Goodluck Sam, wag mo na alalahanin ang Inay mo. Ako na ang bahala don basta ang isipin mo lang ay ang pag aaral mo. Wag ka basta basta magpapaligaw ha, ipakilala mo muna sakin."

"Opo, mauna na ho ako." aniya at pumasok na.

_________________

"Ang bait pala ng tito mo noh" ani Lluci

Break time kaya nasa bleachers sila't nag rrecess.

"Oo nga e, parang sya nga ang totoo kong magulang hindi si Inay. Napakabait nya sobra. Pag ako tumanda sana ganon din ang lalaking matatagpuan ko, katulad ni tito."

"Tama, at wag na wag mong gagayahin ang nanay mo. Ibalanse mo ang trato mo sa mga anak mo. Dapat pantay para walang namumuong sama ng loob ang bawat isa."

_________________

Napansin ni Sam ang mga nagkukumpulang mga tao sa kanilang kapitbahay.

Dahil narin sa kuryosidad nito'y sya ay naki usyoso na rin.

"Aling Vien, anong meron?"

"Naku Ija, wag na baka mabigla ka. Hindi mo gugustuhing malaman."

"Ayos lang po, ano ho bang nagyayari ba't andaming tao?"

"e kase yung tito mo,  si Joseph..."

"Ano ho?"

"Patay na."

Kitang kita ang gulat ni Sam at hindi makapaniwala.

"Ano pong nangyari?"

"Ayon nagpakamatay, sabi sabi'y dahil din daw sa ilegal  na gamot. Piniling wakasan nalang ang buhay dahil baon na rin sa utang at masyado nang nalulong sa ilegal na gamot."

___________________________

"Nako Lluci, yung tito kong napilay dahil sa asawa, namatay na. Pansin ko kase nagawa nya ang mga bagay na yun dahil narin sa mga taong nakapaligid sakanya. Ikaw ba namang kutyain, pag chismisan, at maliitin ng mga tao araw-araw."

"Dati rati naman napakabuti ng tao na'yon. Ang alam ko, naging mabisyo lang sya dahil laging nahuhuli ang asawang may kasamang iba."

"Hays, hindi mo talaga alam ang mangyayari sa  hinaharap. Magugulat ka nalang talaga. Kaya promise mo sakin  Lluci, wag mo kong iiwan ha."

"Oo naman, ako pa ba."












Ako't IkawOn viuen les histories. Descobreix ara