KABANATA III

13 0 0
                                    

Naglalakad pauwi si Sam ng makuha ng kanyang atensyon ang isang lalaking pilay na paika-ika kung maglakad sa tulong ng saklay nito.

"Uy mare, grabe. Alam mo ba, kaya nagka ganyan yan dahil sinagasaan ng sarili nitong asawa? Sobrang mabisyo kase ng tao na yan"

"Hala mabilis talaga ang karma Mare ano?"

napatingin sya sa mga nag chichismisan at ng mapansin ng mga chismosa na sakanila nakatingin ang dalagang si Sam tila walang nag yari at nagpapatay-malisya.

_________________

Papasok palang sa bahay si Sam ay bigla nalang hinila ng kanyang ina ang buhok ng anak. Kitang kita ang gulat ni Sam at pagkabigla.

"Aray ko po Inay, nasasaktan po ako. Tama na po!"

"Nasaan ang pera?!"

"Ano pong pera?? Aray ko Inay!"

"Aba, nag mamaang-maangan kapa?!" hinila pa ang buhok.

Pumasok ang Tiyo Eric nila at nang makita ang sitwasyon dali dali itong pumaroon doon at inawat ang dalawa.

"Ano ba Helen! Nasasaktan ang bata!" ani sabay pilit na kinuha si Sam.

"Ipagtatanggol mo pa talaga yang magnanakaw na yan?! kinuha lang naman nyan ang dalawang libo ko!"

"bakit ako agad? ako lagi ang nakikita mo. Wala akong kinukuha Inay! baka iyang magaling mong anak ang kumuha!" itinuro nito ang nakababatang kapatid na nag se Cellphone

Tumingin si Glen ngunit walang pakealam at patuloy na nakikipag chat, pangiti ngiti pa ito.

Mabilis na nagtungo si Sam sa kinaroroonan ng bag ni Glen at kinalkal ito. Pumunta rin si Glen upang pigilan ang ate nya ngunit hindi ito sapat upang mapigilan si Sam.

"eto? dalawang libo! si Glen ang nag-nakaw hindi ako Inay!" Galit na iniabot ni Sam ang pera sa Inay at umalis.

__________________

Nakatambay sila Sam at Lluci. Nakatulala si Sam, wala sa mood.

"Sam, may problema ba?"

tumingin lang si Sam sakanya, hindi tumugon at hindi na naman pinansin ang kaibigan.

"pinagalitan ka nanaman ng nanay mo noh?"

"Ginagawa ko naman ang lahat para kahit papaano ay maging proud at gumaan naman ang loob sakin ni Inay. Hindi ko naman pinababayaan ang pag-aaral ko. Sinusundan ko lahat ng mga gusto nila. Wala akong bisyo at kasintahan, ano pa ba ang gusto nya?"

"Bakit ba kase ganyan ang pakikitungo nya sayo? grabe na yan. Simula nung namatay ang totoo mong tatay parang namatay na rin ang Nanay mo. Di mo man lang maramdaman ang pagiging Nanay nya."

"Si Itay din naman ang may kasalanan, dahil sa kanya nag hirap kami ni Inay. Napilitang itaguyod ako ni Inay mag-isa hanggang sa makilala nya si Tito Eric."

"Kaya pala mas pumapabor lagi sya sa Kapatid mo. 'Di naman ata p pwede yon."

"oh eto" inabot ni Lluci ang red dress kay Sam.

"Para gumaan ang loob mo, gamitin mo yan ng maayos ha. Andito lang ako lagi sa tabi mo tuwing
kailangan mo'ko."






Ako't IkawWhere stories live. Discover now