KABANATA I (UMPISA)

25 0 1
                                    


Nagtungo si Sam sa mga nagkakaguluhang mga Istudyante. Nakita nya ang nakapaskil na papel, nakalagay dito ang mga rank ng mga istudyante sa school.

Sumiksik at hinanap ang pangalan sa  papel. Nasa pinaka taas ang pangalan nya hudyat na sya ang nagunguna sa kanilang school.

"Wow ang galing ah."

Nagulat si Sam ng may biglang bumulong sa kanyang tenga, si Lluci lang pala.

Abot mata ang ngiti ni Sam at inakbayan ang kaibigan.

"Wala ka kaseng bilib sakin, sabi na sayo mag r rank 1 ako" sambit ni Sam ng nakangiti.

_____________

"Mauna nako" tinapik ni Lluci si Sam, umalis na at kumaway ulit sila sa isa't isa.

Kapasok ni Sam  sa kanilang room nakita niya ang dalawang kaklaseng nag bubulungan.

"Ang aga nanaman ng mga Marites oh" ani Sam at umupo

"Eh paano may balabalitang may namatay nanaman daw, jusko ano naba ang nangyayari at puro suicide ang mga nasa isip nila."

"Omsim beh, sinasayang nila buhay nila. Ang saya kaya mabuhay."

"Nako 'di nyo lang alam mga pinagdadaanan nila kaya nasasabi nyo yan" ani Sam

_____________

Pumasok sa bahay si Sam, naabutang nanonood ang Nanay nya at ang Tiyo Eric nya, stepfather.

"Nandito 'na po ako" ibinaba ang mga gamit at tumungo sa kinaroroonan ng mga ito.

Nag mano sya sa kanila

Paalis na si Sam papuntang silid nito nang marinig ang Nanay nyang kinausap sya kaya naman napahinto sya sa paglalakad at lumingon dito.

"Asan ang kapatid mo?"

"Baka na-late lang po." maikling tugon nito.

Nagbukas ang pintuan at iniluwal nito si Glen, ang nakababata nyang kapatid.

Sabay sabay napunta kay Glen ang atensyon nilang tatlo.

Tumayo ang Nanay

"Oh anak, nandyan kana pala." anito at lumapit kay Glen. Kinuha nya ang bag ng bunsong anak.

"Magbihis ka muna, sigurado akong pinagpawisan ka sa klase. Ayokong magkasakit ka. Binilhan kita ng dress 'nak, sukatin mo. Naalala kase kita nung napadaan ako sa Divisoria. Kainin mo na rin ang miryendang ihinanda ko  para sa'yo pagkatapos."

Sa kabilang dako matapos masilayan ni Sam ang mga pangyayari, ipinag-sawalang bahala niya nalang ito't tumungo na sa kanyang silid.

_______________

Nagsalin ng tubig si Sam at ininom ito. Biglang dumating ang kanyang tiyo Eric at sinundan nya ito ng tingin

Kumuha rin ng baso ang kanyang Tiyo

"Pagpasensyahan mo na ang Nanay mo, ganon lang talaga yon tsaka ikaw ang panganay intindihin mo nlang." aniya habang nagsasalin ng tubig

"Eh ano ngayon tito kung panganay ako? Anak din naman nya ako, kailangan ko rin ng pagmamahal nya. Lagi nalang puro sya, paano naman ako?"

"Wag mo nalang pansinin"

"Sya nga pala, sandale"

May kinuha ang tito nya. Pagkabalik ay may dala nang tsokolate at ibinigay sakanya.

"Hala! Para san to tito, anong meron?"

"Congrats, napakatalino talaga manang mana sa tito"

"Eh pano mo po nalaman, wala yata akong naaalalang may nasabi ako sainyo about dito tito."

"Secret, alam mo namang lahat ay alam ko. Basta ikaw."

"Naks, salamat po"












Ako't IkawWhere stories live. Discover now