Lumapit agad ang waiter.


"I'll go with the Greek Lamb Gyros," aniya rito. "Beef Enchiladas for her, and we're having a red wine, please."


Pagkaalis ng waiter ay sinitsitan ko si Macoy. "Ayos lang ba? Ang mahal ng food."


"Mahal din naman kita." Sabay ngiti niya.


Inirapan ko siya. "Ayan ka na naman. Isa pa talaga, uuwi na talaga ako." Pero napahagikhik.


"Kilig well."


Binato ko siya ulit ng tissue. "Gagu."


Nag-aalala pa rin ako sa presyo ng pagkain dito. Alam ko naman na kaya niyang magbayad, mayaman siya. Marami siyang pera. Pero hindi ko pa rin masikmura. O baka dahil talagang realistic at matipid lang akong tao kaya ang KJ ko.


Anyway, habang hinihintay ang order namin ay nagngitian muna kami ni Macoy.


"But I'm serious." Muli siyang nangalumbaba sa mesa at tumitig sa akin ang nakakahibang niyang mga mata. "You're beautiful tonight. Ah, no. Let me correct it. Hindi lang ngayong gabi, Pamela. Dahil palagi kang maganda."


Nasamid ako kahit wala pa namang kinakain. Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumigil ka na, malalapirot na kita!"


Natawa lang siya sa sinabi ko.


Napahawi na naman tuloy ako ng buhok. Pang ilan ko na ito. Mga pang twenty-two times na yata mula nang sunduin niya ako sa Sta. Mesa. Hindi na bago na ang pambobola sa akin ng lintek na ito pero benta pa rin talaga parati.


"So what are we gonna do after dinner?" 


"Ayoko pang umuwi," sagot ko. "Masyado pang maaga."


Tumaas ang isa sa makakapal at itim na itim na kilay ni Macoy sa akin.


Nagkibit ako ng balikat. Ayaw ko pa talagang umuwi. Madalas naman akong on time umuwi, kaya may tiwala sa akin ang mga magulang ko. Wala naman sigurong masama kung ngayon ay gusto kong magpa-late kahit kaunti. 


"How about we hang out, Pam?"


Nangislap ang mga mata ko sa sinabi niya. "Sige ba! Saan tayo tambay?" Gusto ko pa rin kasi siyang makasama. Baka kasi matagal na naman ulit iyong sunod naming pagkikita, ma-mi-miss ko na naman siya.


"I don't know. Sa condo ko, gusto mo? Mag-isa lang ako roon."


Napalunok ako. "A-ano naman gagawin natin sa condo mo?"


Ang mga titig ni Macoy sa akin ay naging mainit. "Well, we can play games. Like bahay-bahayan, ganoon. Uso iyon. Kunwari ikaw nanay at ako ang tatay."

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon