𝚃𝙷𝚁𝙴𝙴

440 23 0
                                    

Wren

Mag katabi lang kami sa upuan pansin ko na panay ang lapit nito sa pwesto ko, ako naman itong panay ang usog hanggang sa ma corner ako sa pinaka dulo ng sofa.

Kahit kasi nakapag bihis na ito ay na iilang pa rin ako sa suot nito.

This time ay naka boxer shorts na ito na pinapatungan ng puting spaghetti strap.

"Uhhmm Wren..." tawag nito sa'kin.

Pakiramdam ko tuloy ay nag sitayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa paraan ng pag tawag nito sa'kin.

"B-bakit po?" Kinakabahang tanong ko.

"Humarap ka nga sa'kin..." sambit nito saka ako hinawakan sa kaliwang hita.

"Hey... harapin mo ko, kinakausap kita." sambit pa nito pero hindiniton galit bagkus ay mapang akit ang boses nito.

"Ehh kasi Miss Raegan..."

Fudge! Di ko masabi na masyadong nakakaagaw ng pansin ang nakaumbok sa loob ng boxer shorts nito.

"Ba't di mo ba ko matignan ha? Di naman na ko nakahubad di gaya ng nakita mo kanina." tugon nito at pasimpleng iginagalaw ang kamay nito sa left leg ko.

Packing sheet!

Mabilis kong kinuha ang nag lilikot na kamay nito saka ipinatong sa lap nya.

"A-ano po bang sasabihin nyo?" tanong ko rito at tinignan lang ito ng diretsyo sa mga mata nya.

"Wala naman gusto lang kitang tanungin kung may boyfriend kana ba?" tanong nito.

"Ahmm w-wala po Miss Raegan hindi pa po ako nag kaka boyfriend." Nahihiyang sagot ko.

Ano namang nakain nito at natanong nya pa yun? Marites rin to eh.

"Since birth?" Parang nag tatakang tanong nito.

"Opo." tipid na sagot ko.

"So... virgin ka pa pala." nakangiting tanong nito. "Kaya pala kinakabahan ka kanina nung nakita yung ano ko." nakangising dugtong nito.

Naku! Di ko gusto ang takbo ng usapan na to.

"M-miss Raegan, pwede po bang tapusin ko na ang pag lilinis ko? Naalala ko po kasi may lakad pa po pala ako pag katapos ko dito." pag papalusot ko.

"Okay, okay sige. Madali naman akong kausap eh." sagot nito na ikinahinga ko ng maluwag.

"Sige... mag linis kana. Pero Wren, sinasabi ko sa'yo sa una ka lang kakabahan pero masasanay ka rin kapag lagi mo kong nakikitang nakahubad." pilyang sabi nito.

Di na ako sumagot pa at mabilis na nag tungo sa kusina. Narinig ko pa ang mahinhin nitong pag tawa.

Lakas mang asar eh! Kainis!

Sus! Ano bang nakikita ng mga babaeng to sa kanya at andaming babae nito sa buhay. Oo maganda sya at sexy aminado ako dun pero masyado s'yang mapag laro. Hinding hindi talaga ako mag kakagusto sa isang kagaya ni Miss Raegan, jusko masasaktan lang talaga akonkapag nag kataon.

Yan ang itinatak ko sa aking isipan.

*****

May nakilala akong lalaki habang nag lilinis sa labas ng bahay nina Miss Raegan. Matangkad ito moreno at mukha namang mabait, sya si Jun kapitbahay ni Miss Raegan.

Ilang linggo rin kaming nag kakausap sa tuwing nag lilinis ako sa labas ng bahay. Lagi akong binibigyan nito ng iba't ibang klase ng tsokolate pero hindi ko iyon binibigyan ng ibang kahulugan dahil ayokong mag assume. Marahil ay masyado lang itong thoughtful.

"Pansin ko araw-araw kang may chocolate ah. Kanino galing yan?" malamig na tanong ni Miss Raegan.

"Ahh d'yan lang po sa labas." kinakabahang sagot ko baka kasi kung ano pa ang isipin nito.

"Hindi ko alam na may bilihan pala ng chocolates dyan sa labas." Pilosopong sagot nito.

Kaya minabuti ko nalang na aminin dito ang totoo.

"Ang totoo po bigay ng kaibigan kong si Jun, d'yan sa kabilang bahay." sagot ko.

"Oh! I didn't know na may kaibigan kana pala d'yan. Infairness ha? Naunahan mo pa ko, wala nga kong kakilala d'yan sa labas eh." sambit pa nito.

"Pinansin nya po kasi ako, di naman po ako snobber para di sya pansinin." Pag rarason ko.

"Yeah whatever." sagot nito saka pumasok na sa kwarto nito.

Problema nun, ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. Kaya okay lang naman siguro na makioag kaibigan sa iba, as long as di na aapektuhan ang trabaho ko.

Lumipas pa ang ilang araw pansin ko ang pabago bago ng mood ni Miss Raegan. Sa tuwing darating ako ay ang bait nito pinapakain pa ko nito bago mag simulang mag linis ng bahay, nag iiba lang kapag galing na ko sa labas ng bahay.

Lately lang rin pala inamin sa'kin ni Jun na may gusto s'ya sa'kin at kung pwede nya raw ba akong ligawan. Pinayagan ko na to since wala rin naman akong boyfriend para na rin mabigyan ng oras yungnlove life ko antagal ko na rin kasing single ano.

Habang nag wawalis ako sa labas ay masayang nag kukwento si Jun ng bigla nalang maagaw ang atensyon namin ng pabagsak ng isinara ni Miss Raegan ang pinto.

Hindi man lang ito nag paalam bago umalis, sinamaan pa ko nito ng tingin bago pumasok sa kotse nito. At paharurot na pinatakbo ang kotse nito.

Binalewala ko na lamang iyon at di na pinansin pa. Baka sinumpong nanaman ng pagiging moody nito. Kung sabagay di naman nag kulang ng paalala sakin si Sir Mike na mainitin nga raw ang ulo ng anak nito.

𝐅𝐞𝐥𝐥 𝐈𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐖𝐢𝐭𝐡 𝐀 𝐆𝐢𝐫𝐥? (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Where stories live. Discover now