He's kind and pure, too. Hindi kailanman yata nagalit ang lalaking 'to. Maliban noong isang gabi, before he dragged me here. Natakot ako sa kanya noon, e. Sabagay kung hindi niya naman ako kinidnap ay hindi niya ako madadala rito.

"What are you thinking?" biglang tanong ni Rance ng mapansin siguro na natigilan ako.

"Can I go with you, later?" tanong ko sa kanya.

"Of course! I won't leave you here. Gusto ko na makilala mo ang mga taong naging pamilya ko rito."

We nodded to each other before we continue our breakfast. Nang matapos ay nagpresinta na ako ang maghugas ng pinggan ayaw pa sana ni Rance pero nagpumilit ako.

"Maligo kana at ako na ang bahala sa mga hugasin," sabi ko habang tinutulak siya paalis ng kusina.

"Are you sure?" tanong niya pa.

"Yup!" tugon ko at pumunta na sa lababo para maghugas ng pinggan.

Lumapit sa akin si Rance at biglang hinalikan ang leeg ko.

"Thank you, hon..." aniya bago tuluyang umalis ng kusina.

Tila nanlambot ang tuhod ko at muntik na mabitawan ang hawak na baso at sponge. Hindi ko maiwasang mahinang mapatili.

Bakit sobrang sweet mo, Rance!

Kinalma ko ang sarili at nagpatuloy na sa paghuhugas ng pinggan. Shit! Para ka'ng tanga, Astra.

Hindi naman ako nagtagal sa paghuhugas ng pinggan kaya ng matapos ay pumunta ako sa kwarto para ihanda ang isusuot kong damit.

I wonder, what is the clothes Rance brought for me? Siya ba talaga ang bumili ng mga damit? Lumapit ako sa cabinet at binuksan iyon.

Great. A lot of dress. Bakit naman dress ang mga binili niya?

Bumuntonghininga ako. Kinuha ko ang isang yellow spaghetti dress. Medyo mahaba ito kaya mas nagustuhan ko. Sabi ni Rance pupunta kami sa mga tao sa ibaba kaya napili ko itong medyo may kahabaan na bestida.

Tumingin ako sa ibaba ng cabinet at nakita ko ang mga damit ni Rance. What's with him? Bakit hindi niya sinabit ang mga damit niya. Puro mga damit ko lang.

Dahil hindi pa naman tapos si Rance sa pagligo ay minabuti ko na ayusin ang mga damit ni Rance sa cabinet. Tiniklop ko rin ang mga shorts at ibang mga tshirt niya na hindi ko naisabit.

I can't help not to smiled. So, this is how couple live? Para kaming mag-asawa na bagong kasal. Shit! Ganito kami sa tatlong araw? Tutulog na magkatabi at gigising na magkayakap. We're eating breakfast, lunch and dinner together. Laging panonoorin ang magandang tanawin sa gabi at umaga.

Lalong lumawak ang ngiti ko. I never felt this before. Sabagay, I never dated anyone for past six years. Si Rance lang naman ang hinayaan kong mahalin ako. Even in the time when I was a rebellious. Wala akong sineryoso sa mga lalaking nagkakagusto sa akin. Hindi naman kasi nila kaya ang katigasan ng ulo ko.

Si Rance lang noon ang nakapagpatiklop sa akin. Kaso...

"What are you doing, honey?" napabalikwas ako sa ginagawa ko ng marinig ang boses ni Rance.

Napalingon ako kay Rance na kalalabas lang ng banyo. I gulped when I saw his body with a towel covering his lower body. He doesn't wipe his body fully. May nakikita pa akong butil ng tubig na tumutulo mula sa buhok niya.

Shit! Kung guwapo siya noon mas hot at guwapo siya ngayon!

"Honey, are you alright?"

I blinked my eyes twice and for the last time I gulped. Lumapit sa akin si Rance, napahawak ako sa pintuan ng cabinet lalo ng mas lumapit sa akin si Rance. He touched my cheeks with his cold palm.

When A Rebellious Heart Changed (Ladies Of Esmeris Series 1)Where stories live. Discover now