First day at work

13 0 3
                                    

7:30 AM, around March 2015

Unang araw ni (YN) sa kanyang trabaho. Bago pa man simulan ang kanyang trabaho ay nagpunta muna siya ng Caloocan terminal upang ihanda yung mga kagamitan na gagamitin sa bawat biyahe. Pagkatapos nito ay dumiretso na siya sa Pasay at pinuntahan niya ang dispatcher's office upang tignan kung anong ruta ang mapupunta sa kanya. Mula sa Pasay, ang kanyang biyahe ay *Alaminos na dadaan sa Dagupan/SCTEX at kung minsan ang isang linggo ng buwan ay sa Olongapo naman. Noong mga panahong iyon ay papalapit na ang Semana Santa, kaya't marami ang mag-uuwian sa kani-kanilang mga probinsya.

Dahil maaga pa naman, hindi pa ganun kadagsa ang mga tao. Maraming bumibili ng tiket pero maaaring sa susunod na araw pa ang kanilang biyahe. Pagpatak ng 8:30 ng umaga ay pumila na ang bus ni (YN) kung saan siya magiging isang kundoktor.

 Pagpatak ng 8:30 ng umaga ay pumila na ang bus ni (YN) kung saan siya magiging isang kundoktor

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Victory Liner 99. 45-seater Hyundai Universe Space Luxury bus, biyaheng Pasay-Dagupan

Dito niya nakilala ang kanyang magiging katrabaho na si Ricardo, o mas kilala bilang Karding sa kanyang mga katrabaho.

Karding: O, ikaw ba yung bagong kundoktor?

(YN): Opo kuya, Alaminos via Dagupan po ako na-assign, eto po ba magiging bus ko?

Karding: Oo, eto nga, ako nga pala si Karding. Ilang taon na rin akong nagmamaneho dito sa Victory Liner, biyaheng Dagupan madalas.

(YN): Ako naman po si (YN), bagong pasok lang po dito.

Karding: Ahh okay, sige ilagay mo na gamit mo dun at magtawag ka ng ibang pasahero

Nagtawag si (YN) ng ibang pasahero at nagbuhat ng kanilang mga bagahe papunta sa compartment. Kasabay niya sa biyaheng ito na si Chen, na tatlong taon na ring nagtatrabaho sa kumpanya.

Chen: Hello, ikaw ba si (YN)?

(YN): Opo. Kayo naman po si?

Chen: Ako si Chen, kundoktor ng bus na ito. Since baguhan ka pa lang sa kumpanya, tuturuan kita kung paano maging isang konduktor. Okay ba tayo dun?

(YN): Klaro naman po.

Chen: Sige, tulungan na kita diyan sa mga bagahe

Pagkatapos ng humigit-kumulang 15 minuto ng pagtatawag ng pasahero ay halos mapuno na nila ang bus, at umalis na sila ng terminal pagpatak ng alas-nuwebe ng umaga. Pag-alis nila ng terminal ay tinuruan ni Chen si (YN) kung paano binubutasan ang tiket para ibigay sa mga pasahero.

Chen: Okay, ganito magbutas ng tiket. Una alamin mo yung date ngayon. Sunod naman yung bus number, at tsaka yung "post kilometer" ng bawat bayan na dadaanan natin, kasi doon natin maka-calculate kung magkano pamasahe ng pasahero kung saan siya bababa. Sa ngayon ang singil natin kada pasahero ay 1.50/kilometer.

Upang mas maintindihan pa ni (YN) kung paano ginagawa ang pag-abot ng tiket sa mga pasahero, nagbigay ng tiket si Chen sa mga pasahero sa bandang harapan ng bus. Sunod na nangyari ay pinasubok kay (YN) ang pagbubutas ng ticket habang si Chen ang maniningil. Dahil unang beses niyang gawin ito, hindi maiiwasang magkamali ng ipa-punch na butas, o di kaya ay hindi sinasadyang mapunit ang ticket. Kaya't pagdating nila sa Dau ay pinagsabihan siya ni Chen.

A Victory into Her HeartWo Geschichten leben. Entdecke jetzt