Una't Huling Sayaw

30 1 0
                                    

October 11, 2013 (Biyernes)

"Ilang buwan na lang, magtatapos na kami, wala pa akong maisip na papasukan kong trabaho", nalilitong sabi ni (YN) sa kanyang sarili habang siya'y nasa klase. Siya ay nasa ikaapat na taon na sa (*Kung anong kursong naiisip niyo, basta 4 years*). Natauhan na lang siya nang katukin ni Mingyu ang kanyang upuan at sinabi na kanina pa siya nakatitig sa labas. Akala nila ay inaabangan na namang dumaan ang nagugustuhan niyang si Eunbi. Todo tanggi naman si (YN) dahil iniisip niya ang kanyang kinabukasan.

Pagkatapos ng kanilang klase ay agad na lumabas ang tatlo upang pumunta kay Eunbi, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ni (YN) na meron siyang kasamang ibang lalaki at sila'y magkahawak-kamay. Dahil dito ay nadismaya si (YN) at nagpalusot sa mga kaibigan niyang si Eunhyuk at Mingyu na mauna na siyang umuwi. Pumunta siya sa CR at nagkulong sa isang cubicle at naiyak sa sakit na dulot ng kaniyang nakita. Pagtahan niya, nag-ayos siya at lumabas, dederetso na sana siya nang makita sila Mingyu at Eunhyuk sa may Burger Machine. Nang makaupo si (YN) sa bangko, napansin ni Mingyu ang pamumula ng mata nito.

Mingyu: O, eh akala ko ba nauna ka nang umuwi sa amin, saan ka pa nagpunta, at tsaka bakit ang pula ng mata mo, umiyak ka noh?

(YN): Hindi, napuwing lang ako.

Eunhyuk: Napuwing yung magkabilang mata?! Naku, huwag mo nang itanggi sa amin tol, alam namin kung ano nararamdaman mo.

Habang nag-uusap ang tatlo, may narinig si (YN) mula sa kabilang gilid ng daan.

"Pare, ang kyut niyo namang dalawa ni Eunbi, kailan pa naging kayo?"

Mingyu: Hayaan mo na lang sila tol. Move on ka na lang, parang wala kang pag-asa dun kasi ang sweet nilang dalawa eh

(YN): Yun na sana ang panahon na aamin ako sa kanya, kundi lang ako naunahan ng lintik na yun. Tsaka hindi ko kaya yung move on na yan, kasi mahal ko pa rin siya.

Mingyu: Yan ang problema sa'yo, mabagal ka na nga at ginawa pang tanga, kumakapit ka pa rin sa kanya?

(YN): ...

Mingyu: Pare, ako na nagsasabi sa'yo, move on ka na diyan sa kanya. Ikaw din naman mahihirapan niyan.

(YN): Hindi ko maipapangako, pero susubukan ko

Mingyu: Panindigan mo yung sinabi mo ah, eto na pala order ko, mauna na ako.

TIMESKIP

March 13, 2014 (Huwebes), 12:30 PM

(YN)'s POV

Sa isang linggo na pala yung Gradball. Hindi ko pa rin alam kung sino partner ko. Ayokong ayain si Eunbi kasi malamang partner niya syota niya. Tangina naman, sino bang makulit ang mangangalabit habang kumakain yung tao, nananadya ba?

Lumingon si (YN) at nakita si Eunbi na ngumiti at kumaway sa kanya. Ngumiti rin si (YN) na may halong pagkadismaya sa kung anong nakita niya ilang buwan nang nakalilipas.

Eunhyuk: Parang hindi ka pa ata nakaka-move on sa kanya ah

(YN): Ahh ehh oo. Ayy, hindi! Basta, sinusubukan ko. Pero may kirot pa rin talaga eh, ayy oo nga pala Eunhyuk, may partner ka na ba sa Gradball?

Eunhyuk: Meron na. Bakit?

(YN): May kaibigan ka bang babae diyan na pwede kong maging partner?

Eunhyuk: Ewan ko lang, malamang meron na sila eh

Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating si Mingyu at nagkuwento tungkol sa sinabi ni Eunbi sa kanya.

Mingyu: Pare nakasalubong ko pala si Eunbi kanina, sabi niya mag-usap daw kayo mamayang 3:00

A Victory into Her HeartWhere stories live. Discover now