"Nakita niyo ba si Anya!?" tanong ko sa pack link. Sumagot naman sila na hindi nila ito nakita.

"Fvck! I couldn't find her because of this fvcking filthy rouges that keeps on attacking me. Shit!" I angrily murmured. Please be safe Anya.


Anya's P.O.V


We're being attacked. May nakaalam ng plano namin at may traydor saamin. Oh god! I need to find him now!

"Anya calm down. Wag tayong sumunod sa kanila. Pupuntahan natin ang mate natin" my wolf said.

"How? " tanong ko pabalik.

"Maghanap ka ng lagusan. I can sense that merong lagusan papunta sa kulungan, nandito lang ito sa paligid" sabi niya saakin. Luminga ako sa paligid at nakakita ako ng isang lagusan na palagay ko ay kasya ang isang tao. Sinunod ko ang wolf ko at pumasok ako sa maliit na lagusan. May nahagip ang paa ko na matigas na bagay kaya inaakan ko iyon, tinigan ko ito isang maliit na aparador. Naalis siguro ang takip ng lagusan kaya ko ito nakita. Bumaba ako sa maliit na aparador.

"Find the switch" my wolf ordered. Iyon ang ginawa ko, hinanap ko ang switch at nang mahanap ko iyon agad ko iyong pinindot.

"Oh god!" nahihintakutang sabi ko. Napakaraming gamit pangtorture ang nakalagay dito at ang iba ay may bahid pa ng dugona sa tingin ko ay bago lang. Nanghihinang napaupo ako. Gusto kong masuka sa nakikita ko.

"Anya hide! May rouges na paparating!" my wolf said. Kaagad akong tumayo at nagtago sa isang bukas na maliit na kwarto, halos masuka na naman ako dahil sa nakita kong lasug-lasog na katawan ng hayop na nakaimbak dito. Tinakpan ko agad ang bibig ko at mahinang umiyak.

"Hoy Rence! Ikaw ba nagbukas ng ilaw dito!?" tanong ng isang rouge sa lalaking nagngangalang Rence.

"Ha!? Hindi ko alam! Siguro nakalimutan ko. Patayin mo nalang Ralph" sagot naman ni Rence.

"Tang*na mo" sabi naman ni Ralph. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang pagsirado ng pinto, agad na lumabas ako sa pinagtataguan ko.

"Anong gagawin natin? Maaamoy nila tayo" tanong ko sa wolf ko.

"Maghanap ka ng pwedeng balabal sa katawan natin" sabi naman niya. Naghanap ako ng damit sa kwarto at swerte ko dahil nakakita ako ng isang coat. Kulay itim ito at napakahaba, amoy dugo rin ito. Ito siguro ang gamit nilang damit tuwing may pinapahirapan sila. Kinuha ko iyon at sinuot. Tiisin mo lang Anya, tiisin mo lang. Kailangan nating mahanap si Marcus. Lumabas ako at nagkubli sa gilid.

"Walang bantay" mahina kong bulong. Merong sampung selda ang pack ni Marcus. Sa unang selda hanggang sa ikalima ay walang laman. Sa ikaanim na selda ay may patay na lalaking wolf na nakakadena, napaiwas ako ng tingin. Sa ikapitong selda naman ay isang lalaking wolf rin na nakakadena, nilapitan ko ang selda niya. Natatandaan ko siya, isa siya sa matapat na alagad ni Marcus.

"Mico? Oh god! Ikaw nga. Anong ginawa nila sayo?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya saakin at ngumiti.

"Luna *cough* m-masaya akong *cough* m-makita ka" nanghihinang sabi niya.

"Mico ilalabas kita rito. Hintayin mo ako ha? Kailangan ko lang hanapin si Marcus. Babalikan kita" naiiyak kong sabi sa kanya. Tumango ito at ngumiti. Pinunasan ko ang luha ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sa ikawalo at ikasiyam na selda ay walang laman. Sa pang sampung selda ako sunod na pumunta. Ang panghuling selda. Nagimbal ako sa nakita ko sa ikasampung selda.

"M-marcus?" mahinang tawag ko. My heart clenched at the sight of him. Duguan ang katawan nito, marami itong sugat sa katawan, may mga pasa rin ito. Nakakadena ang dalawang paa nito pati narin ang mga kamay niya.

"Baby w-wake up" mahinang tawag ko. Gumalaw siya at dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo.

"A-anya?" nanghihina niyang tanong, ngumiti ako sa kanya at tumango.

"W-what are you doing h-here? S-sana h-hindi ka na bumalik p-pa. M-mapapahamak ka l-lang" sad nito. Umiling ako.

"Humingi ako ng tulong sa pack na tinutuluyan ko. Ililigtas kita Marcus. Kailangan mo pang magpaliwanag saakin" umiiyak kong sabi sa kanya. Kinuha ko ang mga susi na na naka sabit sa dingding at hinubad ko ang coat na gamit ko. Binuksan ko ang selda ni Marcus at inalis ko rin ang kadena sa kanya. Inalalayan ko siyang tumayo at sabay kaming naglakad palabas ng selda.

"I'm s-sorry" mahinang sabi niya.

"Save it Marcus. Mamaya na tayo mag-uusap" sabi ko sa kanya. Binalikan ko sa Mico sa selda niya pero huli na ako. Wala na si Mico. Patay na siya. Iniwas ko ang tingin ko at umiyak. Kung sana napaaga lang ako ng dating, sana nailigtas ko pa siya. Sana hindi pa siya patay ngayon.

"Hush b-baby. It's n-not your f-fault" sabi ni Marcus at hinalikan ang buhok ko. Inalalayan ko ulit si Marcus at naglakad kami papunta sa pintuan.

"At saan kayo pupunta?" nakangising sabi ni Damien, napahinto kami ni Marcus.

"U-use the b-backdoor. R-run Anya. I w-will h-hold him. Go!" sabi ni Marcus at marahang itinulak ako. Umiling ako.

"No! Sasama ka saakin! Sabay tayong lalabas! Hindi kiya iiwan dito!" umiiyak na sigaw ko.

"Go Anya. Please" pagmamakaawa niya at idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Umiiyak siya, umiiyak si Marcus. Napahagulgol ako.

"Ang sweet niyo naman" Damien sarcastically said.

"Go!" sigaw ni Marcus. Tumakbo ako papunta sa pintuan.

"I won't let you escape!" galit na sigaw ni Daminen. Napalingon ako sa kinaroroonan nila.















"MAAAAARCUS!" sigaw ko. I saw Damien stabbed him and he ripped Damien's heart. Napatakbo ako sa kanya. Inihiga ko siya sa lap ko, he's coughing a blood"NO! NO! NO BABY! PLEASE STAY WITH ME! MARCUS DON'T CLOSE YOUR EYES, BABY PLEASE. WE NEED YOU. KAILANGAN KA NAMIN NG BABY NATIN" umiiyak kong sabi.

"A-a-n-ya..."

"No" pigil ko sa kanya "Wag ka nang magsalita! Humingi na ako ng tulong, nandito na sila. Please don't close your eyes" umiiyak na sabi ko.

"I j-ust want *cough* y-you *cough* to k-know t-that *cough* I l-love *cough* you v-very m-much" he said then he close his eyes.

"M-marcus? H-hey! I t-told you s-stay awake r-right? Don't j-joke around!" umiiyak na sabi ko atsaka mahina kong tinatampal ang mukha niya. "Marcus! O-open your eyes! Don't l-leave me! Maaaaarcuuuusss!"


Vote. Comment. FollowMe


Not Edited.



His Unwanted Mate (REVISING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant