Chapter 16

24.1K 426 10
                                    

Recap:

"Hinding-hindi mangyayari iyan Tiffany mahal ako ni Marcus at hinding-hindi niya ako magagawang saktan at ikaw? Maiiwan kang talunan at kaawa-awa" sabi ko sa kanya and smiled sweetly. Hindi ako papatalo sayo. Eat that bitch. She shot a glare at me but again she compose herself.

"We'll see Anya, we'll see" sabi niya ng nakangiti at umalis na. Napaupo ako at napahawak sa dibdib ko. Bakit bigla akong kinabahan sa sinabi niya?

Anya's P.O.V

"Not now Anya, not now" galit sabi ni Marcus ng pumasok ako sa opisina niya. Napayuko ako at napakagat labi. Ano bang nangyayari sa kanya? Ni wala pa nga akong ginagawa nagagalit na agad siya. Isang linggo na simula ng sagupaan namin ni Tiffany at kinaumagahan nun palagi nang galit si Marcus. Alam ko namang stressed siya sa mga nakaraang pag-atake ng rouges pero nandito naman ako palagi sa tabi niya, pwede niya akong hingan ng tulong. Ito na ba ang sinasabi ni Tiffany? Hindi, napaparanoid lang ako.

"Itatanong ko lang sana kung ano ang gusto mong pagkain para mamaya nang sa gayon maipahanda ko kay Manang" nakangiting sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako saglit at ibinalik niya agad ang panigin sa mga papel na hawak niya.

"No thanks Anya. Hindi ako dito kakain mamaya. Leave" he slowly said. No baby, just Anya. Bakit parang ang sakit kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko at hindi sa endearment na binigay niya?

"San ka pupunta? Pwede mo ba akong isama?" tanong ko sa kanya, umaasa na papayagan niya akong makasama sa kanya.

"Pwede ba Anya lumabas ka na? Can't you see I'm fvcking busy!?" he angrily shouted. I was stunned for a minute then I compose myself. Pinaglalaruan ko ang dulo ng suot kong damit. Bakit parang bumabalik na sa dati si Marcus? Ipiniling ko ang ulo ko at ngumiti sa kanya. My heart clenched, parang maiiyak na ako sa inaasal ni Marcus.

"Ganun ba? Sige aalis na ako. Wag kang magpapagod at magpapagutom ah? Mahal na mahal kita Marcus" sabi ko at dahang-dahan naglakad papunta sa pintuan umaasa akong tatayo siya at pipigilan akong lumabas, hihingi ng tawad at maglalambing saakin pero wala, walang Marcus na pumigil saakin. Pinunasan ko ang luhang kanina ko pa pinipigalang ilabas habang kausap ko si Marcus at malalim na huminga. Pagod lang siya Anya, intindihin mo nalang.  I said to myself.

~~~

"San ang punta mo L.A?" tanong ko kay L.A nang makita kong nakabihis ito.

"Aalis kami ni Micheal Luna, nag-aya kasing siyang magdate atsaka mammili narin kami ng gamit ng baby namin" nakangiting sabi niya, bakas sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Kasiyahan dahil nagkaayos na sila ng mate niya na hindi naman pala siya niloko. Ipinaliwanag kasi niya na ang babaeng yumakap sa kanya ay kaibigan niya lang, naawa siya rito dahil sa nangyari sa pamilya nito kaya niya ito niyakap pero hindi niya daw akalain na magagawa siyang halikan ng babaeng yon na siyang nakita ni L.A. Malungkot na ngumiti ako sa kanya.

"Mag-iingat kayo ah?" sabi ko. Napansin siguro ni L.A ang pagiging matamlay ko kaya nilapitan niya ako at umupo sa tabi ko.

"Anong nangyari?" tanong niya. Napayuko ako at umiyak.

"P-parang b-bumabalik na siya sa dati L.A. H-hindi ko alam kung may n-nagawa ba akong mali k-kaya nagkakaganyan siya. P-pakiramdam ko u-unti-unti na siyang n-nawawala sa akin" umiiyak na sabi ko kay L.A. Niyakap niya naman ako at wala akong magawa kundi umiyak. Matapos ang ilang minutong pag-iyak, tumahan na rin  ako.

"Okay ka na ba?" tanong niya.

"Kahit papano ay okay na ako L.A, salamat at narito ka. Pasensya na ah? Dahil saakin ay hindi kayo natuloy ni Michael" paumanhin ko sa kanya. Umiling naman siya at ngumiti.

"Wala iyon Luna, marami pa namang pagkakataon eh. Atsaka masaya ako na kahit papano ay naging okay kana" sabi niya saakin. Nagpaalam at nagpasalamat ulit ako kay L.A bago pumasok sa kwarto namin ni Marcus. Humiga ako at tumingin sa ceiling. Hindi narin siya madalas matulog dito sa kwarto namin. Niyakap ko ang sarili ko at umiyak. I felt so cold because nights without him by my side  felt so lonely. I need his warmth because it gives me protection and it tells me that he's not gonna leave me, that he will stay by my side. But the funny part is..........he's not here.

Vote. Comment. FollowMe

A/N:

Ewan ko kung anong kinalabasan ng chapter na to. Medyo bangag ako kaya pagpasensyahan niyo na kung may mga mali. Hehehe.

His Unwanted Mate (REVISING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora