1

38 2 0
                                    


Chapter 1

He called me a lady?
.
.
.
.
.
.

"Ano na naman itong nakarating sa aking reklamo ah GD!"

Napakamot ako sa ulo ko sa narinig. Mukhang sasabunin ako ni ama ngayong umaga with matching banlaw na rin.

"Bakit Papa? Ano na naman ginawa ni bunso?"

Nalipat ang tingin ko sa hagdan ng marinig ang boses ni Kuya Drew. "Kuya kong pogi pero mas pogi pa rin ako!" Hiyaw ko.

"Hi, bunso." Nakangiting bati sa akin ni Kuya Dew.

Mabilis na niyakap ko si Kuya Dew ng makalapit ito sa dining table. Siya naman ay humalik sa noo ko. Two weeks na kaming 'di nagkita ni Kuya Drew since nagpunta siyang Amerika para sa business ni ama doon.

"Ikaw, ano na naman ba ginawa mo?" Hindi ako sumagot pero pinahaba ko lang ang labi ko.

"Hay naku! Iyang kapatid ninyo na 'yan ang dahilan ng pagtanda ko." Naiiling pa si ama.

"Matanda ka naman na ama." Sabat ko.

Mabilis na umaktong ziniper ko ang bibig ko ng tapunan ako ni ama ng papemus niyang death glare. Ika nga ng mga matatanda, makuha ka sa tingin!

"Yang kapatid mo! Alam mo ba may pinaiyak na naman na babae! Take note Prof pa niya!"

Ay grabe gigil na gigil ama? Gusto ko sana isatinig pero huwag na baka hindi ako bigyan ng allowance.

"GD."

Napaayos ako ng upo ng marinig ang seryosong boses ni Kuya Drew. "What did you do to make your Prof cry?"

Napaikot ang mata ko sa narinig. Hoy, teka hindi ako babae o bakla ah. May lalaki din naman na nagro-roll eyes!

"Eh kasi Kuya ayoko sa kanya. Haler! Bawal kaya na manligaw ng estudyante!" Inis na sagot ko.

Naalala ko naman yung si Harot. Naiirita ako doon palagi kung umakto akala mo hindi professor. Paano naman kasi panay ang pa cute niya sa akin. May pa nguso nguso pa siya eh mukha naman siyang pato!

Ito pa sinabi ko na tigilan niya ako dahil hindi nga ako pumapatol sa hayop. Takot ko lang na makasuhan ng animal abuse! Pero ang pato, mas lalong hindi ako tinantanan!

"Manliligaw mo?" Gulat na sambit ni Ama.

"Ay grabe Ama gulat na gulat? Alangan sa kagwapuhan ng bunso mo. Maraming nanliligaw sa akin na mga chiks sama mo na rin yung mga chakababes." Sagot ko sabay palihim na kumuha ng bacon at mabilis na isinubo.

Narinig ko ang pagtawa ng mga kasambahay namin na nakatayo lang sa gilid. Kaya nilingon ko sila at kinindatan.

"Wala naman pala masamang ginawa si bunso, Papa." Napangiti ako ng marinig ang sinabi ni Kuya Dew.

"Tama! Isa pa, ginawa ko yon Ama para tigilan niya na ako. Kapag nalaman ng mga basher kong froggy yung panliligaw non ni Harot sa akin. Edi nasumbong ako kay Dean pagkatapos ipapatawag ka ulit. Pagkatapos non sasakit ulo mo sa akin. Pagkatapos ulit non sesermunan mo na naman ako." Mahabang lintaya ko.

Napabuntong hininga si papa bago uminom ng kanyang kape. "Pero mali pa rin GD na magpaiyak ng babae." Malumanay na sambit ni ama.

Alam ko naman 'yon. Kasi nga ang tunay na gwapo hindi nagpapaiyak ng chiks o chakababes man. Pero nakakainis kasi si Harot eh! She stepped over the line!

"O siya kumain ka na. Baka ma-late ka na naman at isusumbong ka na naman sa akin ng Dean."

Isa din 'yang si Dean, sumbungero! Palibhasa ang gwapo ako. Kaya ako na lang lagi ang topic sa mga nakakausap niya.

MR. BRIDEWhere stories live. Discover now