Prologue

67 3 0
                                    


"Ama!"

Malakas na sigaw ko habang palukso luksong bumaba sa hagdan.

Kita ko na napatalon sa gulat sa akin si ama. Masama ang titig nito sa akin na ginantihan ko naman ng ngisi. Tinalon ko ang limang baitang ng hagdan na natitira dahil sa ako ay tinatamad na.

Ewan ko ba kung bakit naisipan ni ama magpagawa ng napakahabang hagdan at isa pa na nakakainis paikot ikot pa, nakakahilo!

"Aray!" Napasimangot ako ng tumama ang mahiwagang tsinelas ni ama sa pang-upo ko.

"Ikaw na babae ka hindi ba't sinabi ko na sayo na hindi gawain ng isang dalaga ang tumalon ng hagdan?" Salubong na naman ang kulay puti nang kilay ni ama.

Patalon na naupo ako sa aming sofa. Itinaas ko ang isang paa ko at ipinatong ang kaliwang braso ko sa backrest ng sofa. Sumama na naman ang timpla ng mukha ni ama at ng muling itaas nito ang mahiwagang tsinelas niya ay mabilis na umiwas ako.

Deputa!

Sinapo ko ang gwapo kong mukha ng tumama ang mahiwagang tsinelas ni ama. Nautakan ako ni ama!  tiniyempohan niya ang mabilis kong pag-iwas para masapol niya ako.

"Umayos ka ng upo Girlie! Parang hindi ka babae!" Hindi ko sinunod ang utos ni ama.

Nakasimangot na tinignan ko siya habang nanatiling hinihimas ko ang gwapo kong mukha. "Eh sa hindi naman ako babae ama!" Sagot ko.

"Kapag matanda na talaga oh!" Inis na  mahinang bulong ko.

"Hep!"

Mabilis na pigil ko kay ama ng akmang hubarin nito muli ang kaparehas ng mahiwagang tsinelas niya.

"Ama naman! Hihingi lang naman ako ng pera pero inaaway mo na ako!" Sinadya ko pa na magtunog nagtatampo.

Lumambot naman ang expression ni ama na lihim kong ikinangisi. "Ama kong pogi baka naman... ubos na ang allowance ko. Hahayaan mo bang mamatay sa gutom ang gwapo mong bunso?" Pangungulit ko pa.

Nawala ang ngiti ko ng ismiran ako ni ama. May tinignan ito sa gawing pintuan ng aming sala at kita ko ang paglawak ng ngiti ng ama kong paubos na ang buhok.

Paglilinaw lang mga marites, may galang ako sa ama ko sadyang ganito lang kami talaga sa isa't-isa pero syempre hindi ko kinakausap ng pabarabara si ama kapag  sa harapan ng ibang tao.

"Thank God your here now hijo." Kumunot ang noo ko sa narinig kaya sinundan ko ang tinitignan ni ama.

Sa gawing pintuan ng aming sala nakatayo ang isang matipuno na gaya ko. Tuluyang nakalapit si ama sa bagong pasok na lalaki kaya naharanganan ng likod ni ama ang pagtitig ko. Dahil nga nakaharang si ama sa lalaki itinagilid ko ang ulo para masilip ang itsura nito.

Napalabi ako ng makita ang pamilyar na mukha ng lalaki. Halatang may dugong foreigner dahil sa kulay asul pa lang na mga mata nito. Dahil wala sa bokabularyo ko ang salitang hiya, mas isinuri ko ng husto ang kabuuhan ng lalaki.

"Gwapo naman pero mas gwapo ako." Bulong ko.

Siguro ay naramdam ng lalaki ang paninitig ko sa kanya kaya tinignan din niya ako ng pabalik. Nagkasalubong ang aming tingin at napasimangot ako ng mas nadepina ang perpektong panga nito sa ginawang pagtagilid ng mukha para magkatitigan kami. Umiwas ako ng tingin at inis na dumukot ng bubble gum sa bulsa ko.

Pagkatapos kong balatan ang bubble gum ay inihagis ko ito sa ere at sinalo gamit ang bibig ko. Idinantay ko ang isa ko pang braso sa backrest. Tsaka ginalaw galaw ang paa ko na ipinatong ko sa coffee table habang ngumunguya ng bubble gum.

MR. BRIDEWhere stories live. Discover now